2

2096 Words
KABANATA II "Hey, sleepyhead." Nagising ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. Agad akong napabangon nang mapansing hindi pamilyar sa akin ang silid. Napahawak na lamang ako sa ulo ko nang maramdaman ang pagkirot nito. "You need to fix yourself. Someone reported us. Any minutes from now, may darating na mga pulis." Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko ang sarili ko. I-I am naked... Ang mas lalong ikinalamig ko ay ang makita si Aaron sa harap ko't nagmamadaling magbihis. "A-Anong nangyari?" Nanuyo ang lalamunan ko nang masilayan ang hindi maipintang ngisi sa labi niya. "We just had a great night," saad niya. Sinuot niya ang pang-itaas niyang damit bago tinahak ang pinto palabas. I can't even open my mouth to speak. "See you when I see you," muling saad niya bago niya lisanin ang silid. ---- "Erika, are you okay? Ilang araw ka nang tulala. You're always like this for almost 2 weeks!" bulalas sa akin ni Liz. Right. It's been two weeks. It's been two weeks since that night! Ngunit ito ako, ginugulo pa rin ng pangyayaring iyon. While him? Napatingin ako sa kinaroroonan nito na nakikipag-kwentuhan sa isa sa mga kaklase naming babae. He's acting like there's nothing happened between us. Kinuha ko ang bag ko atsaka lumabas. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Liz. "Erika, kausapin mo ako. You've been spacing out since that night!" Hinila niya ako paharap sa kaniya. Pinilipit na mag-open up ako sa kaniya. How could I tell her? "Erika, tell me." Kita ko sa mga mata niya ang pagmamakaawa niya. "Where were you that night?" Iyon ang unang lumabas sa bibig ko. "Liz, I called you that night na sunduin mo ako." Napamaang naman siya. "Y-You weren't there when I arrived." "Did you try to find me?" muling tanong ko. Napakunot naman ang noo niya. "Ano bang klaseng tanong iyan? Of course I tried!" Natahimik kami ng ilang minuto. "A-Ano ba kasi ang nangyari? Hindi ka makausap ng matino simula pa nang gabing iyon," nag-aalala niyang tanong. "I-I was... " Is it okay to tell her the truth? She's my bestfriend after all. "You what?" "Aaron..." "What about Aaron?" usisa niya. "Did he do something to you?" Hindi ako nakapagsalita. "What?" Naiirita na siya sa kakahintay sa sasabihin ko. Ilang saglit pa ay bumuntong hininga siya. "You know what? I'll just talk to him if you won't tell me what happened that night---" Akmang aalis na siya para balikan si Aaron nang pigilan ko siya. "May nangyari sa amin, okay?! May nangyari!" Parehong nanlaki ang mata niya sa biglaang sagot ko. Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko. Laking pasasalamat ko at walang tao sa hallway maliban sa amin. Hindi rin gaano kalakas ang pagkakasabi ko noon. Natakpan naman niya ang bibig niya. "N-No way..." hindi makapaniwalang aniya. "But it happened," mahinang tugon ko. Parehong wala sa sarili kaming nagtungo sa cafeteria. Hindi siya umimik at ganu'n rin ako. "A-Ano nang gagawin mo ngayon?" tanong niya sa akin matapos namin makahanap ng uupuan. "I-It's not that serious. I-I mean, sa panahon ngayon hindi importante kung virgin ka pa o hindi, right?" I said like it wasn't a big deal. Tumango naman siya bilang tugon. "May point ka," pagsang-ayon niya. Sabay kaming napatingin sa gilid namin nang may naglapag ng milk sa table namin. Napangiwi naman ako nang makitang si Gino iyon. Kinindatan pa niya ako bago naglakad palayo. "Ako lang ba o nararamdaman mo rin ang kilabot sa tuwing lumalapit sa atin si Gino?" ani Liz. Hindi ko mapigilang yakapin ang sarili ko na tila sumasang-ayon sa pahayag niya. "It's not just you." "But then again, fave ko ang strawberry milk, akin na lang ito hehe." Kinuha niya ang milk na bigay ni Gino at siya na ang uminom. Wala akong nagawa kung hindi ang tumitig lang sa kaniya habang iniinom iyon. "Gusto mo rin?" Inabot niya sa akin ang milk. Bago pa man ako makapiling ay isinubo niya sa akin ang straw. Wala akong nagawa kung hindi ang humigop. Nataranta na lang siya nang bigla kong ibuga ang milk. Agad akong tumayo ay dali-daling nagtungo sa comfort room saka sunod-sunod na nagsuka. "Erika, okay ka lang?!" Hinimas niya ang likod ko para mahimasmasan habang ako ay patuloy na naduduwal. Tila gustong bumaliktad ng sikmura ko. "P-Panes ba 'yun milk?" tanong ko sa kaniya. "No, it was okay---" Napatingin ako sa kaniya nang matigilan siya. "B-Bakit?" Kinakabahan ako sa uri ng pagtingin niya sa akin. "H-Hindi kaya buntis ka? It make sense. Ang sensitive mo sa pagkain." Natawa naman ako sa biro niya. "Buntis? No way!" natatawang ani ko. Ngunit natigilan ako nang makitang nanatili ang seryoso niyang tingin. "B-Buntis ako?" Sa pagkakataon na ito ay nakaramdam ako ng kaba sa dibdib. No way. "Try to use PT." Just like what she said, she bought a pregnancy test to make sure that I am really pregnant. Labis ang kaba ko habang hinihintay namin ang resulta hanggang lumabas na nga ito. It's positive. "C-Confirmed. I-It's positive," wala sa sariling saad ko. Natahimik kaming dalawa. Ilang segundo pa ang lumipas ay si Liz na ang sumira sa katahimikan. "Are going to tell him that you're pregnant?" She asks. "N-No? No! You know him, Liz. Baka itanggi niya ito---" "C'mon Erika, you guys did it. May karapatan siyang malaman ang totoo!" "Pero sa tingin mo paninindigan niya ito?!" bulalas ko. Natahimik naman siya. After a few minutes, I heard her sigh. "Just try." Buong araw akong tulala. Tinatanong ako nina Mom kung may problema ba ngunit sinabi kong wala. Kapag nalaman nilang buntis ako ay alam ko na kung saan nila ako ilulugar. Sa kabila ng pinagdadaanan ko ay nagawa ko pa ring umasal ng normal like a normal seventeen years old girl, like there's nothing inside my tummy. Napatingin ako kay Aaron matapos ang klase. Liz told me that she will wait for me outside for me to give me time to talk to her cousin. Unfortunately, he's with some chick named Kylei, the famous cheerleader. Naka-date na niya ang ilan sa kilalang lalaki sa campus namin. It disgusts me everytime I see her being proud of herself. Well, that made her certified slut. Now she's hitting on Aaron. Lakas-loob akong lumapit sa kanila. I badly want to talk to Aaron. "Let's talk." Napatingin silang dalawa sa akin. Tinaasan pa ako ng kilay ni Kylei matapos akong makita. I know she hates me for unknown reason, so do I. Tinaasan ako ng kilay ni Aaron. "Spill it." Kinabahan ako saka napatingin sa buong klase na ngayon ay nakatingin sa direksyon namin. Who wouldn't be surprise? Lahat dito ay alam kung gaano ko ka-ayaw si Aaron. But now here I am, standing in front of him. Hindi pa ako nababaliw para sabihing buntis ako at siya ang ama? "Privately," seryoso kong saad. "Just say it," usal niya. "Not here," madiin kong saad. Nabigla ako nang tumayo siya. Akala ko ay makikipag-usap na siya sa akin ngunit inakbayan lang niya si Kylei atsaka nilagpasan ako. "I've no time for whatever is that." Kita ko ang pagsilay ng mapang-asar na ngisi ni Kylei bago sila umalis ng klase. Habang ako ay naiwang nakatulala sa kinatatayuan ko. Did he just ignore me? I laughed in disbelief. Ano pa ang inasahan mo? He's a jerk, Erika. A jerk! Huwag kang mangarap na magbabago iyon. Matamlay akong lumabas ng klase. Agad namang lumapit sa akin si Liz na may pag-aalala ang mukha. "Anong nangyari?" I grinned. "Tell your cousin how jerk he is." Matapos ang mahabang araw ng klase ay oras na para umuwi. Nagpaalam muna si Liz sa akin na may kukunin lang siya sa locker niya. Mag-isa naman akong naiwan sa loon ng klase nang marinig ang ingay sa pintuan. Napamaang ako nang makitang si Aaron iyon. "Anong gusto mong sabihin sa akin?" kasuwal niyang tanong. Ano ngayon? May gana siyang magtanong matapos ang inasal niya kanina sa harap ng mga kaklase namin? For what? For them to see how he ignored the one they adored so much? Sa halip na sumagot ay itinuon ko ang tingin ko sa pag-aayos ng gamit ko. Ramdam ko naman ang paglapit niya sa akin. Natakpan ko ang bibig ko nang maramdaman naduduwal na naman ako dahil sa kalas ng amoy ng pabango niya. Agad akong tumayo at dali-daling lumayo sa kaniya. "Lumayo ka nga! Ang baho mo!" bulyaw ko sa kaniya. Natawa siya sa bulyaw ko. Inamoy pa ang sarili para tingnan kung totoo ang sinabi ko. "You act like a pregnant person---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang ma-realize niya ang sinabi. "Wait, are you pregnant?" I gasped. Hindi ko inaasahan ang tanong niya. "You're pregnant?" Hindi maipinta ang reaksyon sa mukha niya. Erika, please do something! Pinilit kong umaktong normal sa harap niya. Kunwari ay natawa ako sa tanong niya. "How could you say that?" "So you're not?" muling saad niya, tila nawalan ng tinik sa reaksyon niya. "What if I am?" panghahamon ko. Naging seryoso ang mukha niya. "Then you have to abort it," walang alinlangang tugon niya. "Hindi ka naman nasisiraan ng bait para sirain ang buhay mo dahil lang diyan? You have to maintain your image for your family. Pareho tayong malalagot---" "Relax, I am not!" putol ko sa kaniya. I can't bear to hear those words coming from him. "Trust me," dagdag ko. Naglakad ako patungo sa labas. Kung may masasabi akong isang bagay na ikinagaling ko, iyon ay ang magsinungaling. Ilang araw nang nagpagulo sa akin ang sinabi niya. Lagi akong wala sa sarili at hindi makapag-focus sa klase. Gumugulo pa rin sa akin ang sinabi niya. Tama naman siya. Pwedeng ikasira ng kinabukasan ko ang dinadala ko ngayon. Buong buhay ko ay nagpapasalamat ako at sa marangyang pamilya ako ipinanganak but now I wish that I am just a nobody. Sa ganu'ng paraan lang ako hindi mahuhusgahan ng marami. Kapag nalaman ito ng mga magulang ko ay hindi ko alam kung saan pupulutin. 'Then you have to abort it!' Abort? Sana ay ganu'n lang kadali ang hinihiling niya. Bumalik ako sa realidad nang may umupo sa harap ko. Napa-awang ang labi ko nang makilala kung sino iyon. That bartender guy at the club. "Hi," bati niya sa akin. "Naaalala mo ako?" Hindi gaya nang gabing iyon, he looked innocent with his outfit right now. Nakasuot siya ng pulo, maayos ang buhok niya at nakasuot ng malaking salamin. Isabay mo na ang dala niyang dalawang libro. Ngunit sa tingin ko ay hindi siya estudyante rito. Iba ang suot niyang ID lace, he's in college department. "You looked different," saad ko. Napangiti naman siya. "Naalala mo nga ako." Nilahad niya sa akin ang kamay niya. "Erika, right? By the way, I am Trigger." "Trigger?" Anong klaseng pangalan iyon? Nakaka-trigger. "Iyon ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko," aniya. I don't wanna assume but the way he talks, he sounds hitting on me. "If you would not mind, please excuse me. I have a boyfriend," I lied. Gaya nang inaasahan ko ay nawala ang ngiti sa labi niya. "Who's the lucky guy?" "Aaron." Nanlaki ang mata ko nang iyon ang unang lumabas sa labi ko. "Mark Aaron Dela Cruz, you mean?" He knew him? Hindi ko alam na sikat pala ang lalaking iyon. Para tigilan na niya ako ay tumango na lamang ako sa tanong niya. "Yeah, do you have a problem about that?" taas kilay kong tanong. Sunod-sunod siyang umiling. "Hindi naman sa ganu'n. If I am not mistaken he has no girlfriend. I'm just wondering if you're one of his---" "Fling? No way. For your information, patay na patay siya sa akin!" giit ko. Yeah, yeah, says by someone who've been humiliated by that jerk. "You're not kidding, right?" pang-uusisa pa niya. Halata bang nagsisinungaling ako? I mean, mahirap bang paniwalaan na patay na patay siya sa akin? "Why would I?" Natigilan siya nang mapatingin sa likod ko. "Aaron, kanina ka pa dyan?" Tila binuhusan ako ng malamig na tubig na siyang nagdala sa akin sa realidad. He was kidding right? Aaron was not right behind me, right? "Not really but I guess I did stay long enough to hear your conversation." Tila pinagbagsakan ako ng langit at lupa nang marinig ang boses ni Aaron. Hindi nga siya nagbibiro. "I need to go!" nagmamadaling sabi ko. Akmang aalis ako nang may humawak sa magkabilang balikat ko para pigilan ako sa pagtayo. "You're not going to walk away from your boyfriend, are you?" Damn! Sa pagkakataon na ito ay tila gusto kong lamunin ako ng lupa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD