3

2038 Words
KABANATA III Matamlay na ngumiti si Trigger habang ako ay hindi alam kung ano ang sunod na gagawin. Nahulog ako sa patibong na ako na mismo ang gumawa. "Kailan pa?" "A minute ago?" he sarcastically said. "Right?" Napalunok ako nang ibaba niya ang tingin niya. Ilang pulgada na lang ay magdidikit ang mukha namin. Agad akong nag-iwas ng tingin. Does he have to act like this? He should have just deny it. Kung gusto niya akong ipahiya, ipahiya niya ako. But not in this way! "R-Right," I bitterly reply. "Good for you. Anyway, masyado na akong nagtatagal. May sadya pa pala ako dito." Lumingon siya sa akin at ngumiti. "It was nice to see you again, Erika." Pinanood ko lamang siya na umalis hanggang mawala sa paningin ko. Bumalik ang kabang kanina pa naghahari sa akin nang kami lang ang naiwan. Just act normal, Erika. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa balikat ko bago tumayo. I tried to defend myself but no words come out in my mouth. "You should just tell me you want me, Erika." Tila nang-aasar siya sa tono ng pananalita niya. "I... I just said that to make him stop---" "Not enough reason to say my name." "Think what you want to think! I don't care!" Agad akong naglakad palayo sa kaniya. Mariin akong napapikit nang kainin ako ng kahihiyan. Hindi ko magawang depensahan ang sarili ko. Wala akong maibigay na rason kung bakit pangalan niya ang nasabi ko sa kabila ng napakaraming lalaking kilala ko. "Ganyan ka ba? Matapos mo akong angkinin. Iiwan mo na lang ako basta-basta?!" sigaw niya na siyang ipinalaki ng mata ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. H-He shouted it. Isinigaw niya iyon for heaven's sake! Gosh! Lahat ng tao sa cafeteria nakatingin sa amin. "Sila na ba?" "No way!" "GF niya si Kylei hindi ba?" Masama akong tumingin sa kaniya like I was saying 'what the hell is he doing?!' Mas lalong lumala ang inis ko nang marinig ang mga negatibong sinasabi ng mga taong nasa paligid ko. "Dream on Mr. Dela Cruz!" Mabilis na nag-iba ang reaksyon niya dahil sa narinig. Naglakad papunta sa direksyon ko habang hindi pa rin pinuputol ang titig namin sa isa't isa. Nagsimulang bumilis ang t***k ng puso ko. Gustuhin ko mang tumakbo palayo sa kaniya ay tila na-semento ang paa ko sa lupa at hindi ko maigalaw. Pilit kong itinago ang kabang nararamdaman ko nang tumigil siya sa harap ko. "I can't still predict you, Erika. You always act like you hated me yet you claimed me as your boyfriend in front of Trigger," natatawa niyang saad. Kung ganu'n ay kilala niya ang lalaking iyon? Kung sa bagay, alam ng lalaking iyon ang buo niyang pangalan. "Mali ang pagkakaintindi mo. I said that to stop him from bothering me," pagdadahilan ko. But then again, like what he said, it is not enough reason to say his name. Bakit nga ba siya ang nasabi ko? "Really? Of all people, why me? The guy you always hate? Seriously?" sunod-sunod na tanong niya na tila ba inuusisa ako. "Hindi ko tuloy maiwasang isipin na lahat ng ito ay pakana mo lang. You didn't really hate me. Gusto mo ang atensyon ko, hindi ba?" aniya. Hindi ko naman nagawang magsalita. "Isa pa, huwag kang umasal lagi na ayaw mo sa akin. Just to remind you, may nangyari sa atin a few weeks ago." Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko bago magpatuloy sa pagsasalita. "Every moan you made, your touch, our kisses, still lingering inside my mind. Playing as if it was just yesterday," he whispered. Kinagat ko ang labi ko. Does he have to say that? Alam ko ang mali ko. I was drunk that night. Ni hindi ko maalala ang nangyari ngunit ngayon ay malalaman ko na lang na buntis ako. "Anyway, it doesn't suit you. So don't playing hard to get," dagdag niya at saka siya umalis sa harap ko. Naiwan ako sa kinatatayuan ko. Nakatingin sa kawalan habang nagpabalik-balik sa isipan ko ang lahat ng mga sinabi niya. It's not like I gave myself to him. Lasing ako at hindi maalala ang nangyari nang gabing iyon. I feel disgusted to myself for letting him touch me. Damn! May mas ikakalala pa ba ito? Lalo na ngayon na may isang buhay ang nakataya. --- Pagdating ko ng bahay ay agad sumalubong sa akin ang mga maid namin. Isa-isang kinuha ang lahat ng dala ko. Kaisa-isa akong anak ng mga Silvestre kaya't ako rin ang magdadala ng pangalan ng pamilya ko. It was just a shame that I was born as a woman. Hindi ko madadala ang apilyedo ng pamilya namin. That wasn't a big deal to my family, though. Kahit ipinanganak akong babae ay itinuring nila akong prinsesa ng mansion na ito. Kahit lamok man lang ay hindi nila hinahayaang dumapo sa akin. It was always easy for me to live a life. Nasa harap ko na ang mga kailangan ko. Kulang na lamang ay isubo na sa akin. But to be honest, having this kind of life sucks. Hindi ko magawa ang gusto kong gawin. I can't hang out with my friends as much as I want. I can't always take what I really want. Ang nasusunod lang ay ang mga kagustuhan nila na maging perpekto ako sa mata ng lahat. Hindi ko naman sila magawang suwayin. I don't want them to be disappointed. If being perfect can make them proud, then I'll choose to be one. Ngunit sa sitwasyon ko ngayon? Mukhang malabo nang magampanan ko ang gusto nila. Matamis akong napangiti nang salubungin ako ni Mommy. "How was your day, honey?" malambing na salubong sa akin ni mom. Sinalubong ko naman siya ng yakap. Pilit na maging normal sa harap niya. Kailangan kong iwaksi muna ang gumugulo sa akin. "I missed you a lot, mom!" I whispered. "Mom missed you too, honey," tugon niya. She kissed my forehead before we broke the hug. "So how was your day?" muling tanong niya na ikinawala ng ngiti sa labi ko. How I wish I could reply, 'Dinadala ko po ang apo niyo. Congrats! You'll be lola in a young age!' Matamis akong ngumiti sa kaniya. "Okay naman. It's a little bit tiring though." "Let's have a dinner then rest. Your dad is waiting for you." My mom looks twenty five years old woman when the fact that she's already fourty-one years old. Marami nang nagsabing sa kanya ako nagmana for having a baby face. I'm turning seventeen next month. I am currently 5'5 ft tall. Kaya maraming agencies ang gusto akong kunin na modelo ng kompaniya nila. I have a thousands of followers in every social media and thousands to million of views on every vlogs. Dahil dito ay hindi ko na kinakailangan ang pera ng mga magulang ko, I could make my own money. Palihim akong napahawak sa tyan ko. Ramdam ang kabang namumuo sa dibdib ko. I'm afraid. I'm afraid as soon as they found out about this. I'm just starting my life and I know bearing an unwanted child might ruin everything I have now. --- Kinabukasan... "Class, the intramural is about to start. Next week na ito pagkatapos ng 1st sem. Please remind yourself to study hard. That's all, thank you." Bago lumabas si Miss Pi, ang adviser namin, ay lumingon muna siya sa akin. "Selvestre, are you free?" Gustuhin ko mang sabihing oo ngunit alam kung madidismaya ko siya kapag ginawa ko iyon. Sa huli ay isang tango ang naisagot ko. "Come with me." Tahimik akong sumama sa kaniya hanggang makarating kami sa faculty. Sinabihan ko na lang si Liz na sa cafeteria na ako hintayin. "Ano po ang dahilan kung bakit niyo ako pinapunta rito?" Hindi ko maiwasang magtanong. "To give you a task." Just like what I have expected. Psh. Dalawang rason lang ang dahilan kung bakit ako tinatawag ng mga guro sa tuwing wala nang klase. Una ay ang magtanong at ang pangalawa ay humingi ng tulong na mag-organize ng event. I don't really mind it before. I love what I was doing to improve myself. But now, I think I have little regrets. "You will lead to organize the upcoming intramurals, including those SSG members." See? That was predictable. "Ano ho ba ang gagawin?" "Io-organize mo lang ang mga sasali sa palaro." "Every section po iyon?" Matamis siyang ngumiti. "Every section." Napabuntong hininga ako matapos kong lumabas sa faculty. I'm planning to take a rest after what happened these past few days but this damn intrams won't let me. Hindi ko namang magawang tumanggi. Napatigil ako nang may humarang sa akin sa dinaraanan ko. Tila ba nahihiya pa ang mga ito na lumapit sa akin. Nagtutulakan pa ang dalawa kaya't ako na ang lumapit sa kanila. "Hi," aniko dahilan para mapatayo sila ng tuwid. Natawa naman ako sa naging asal nila. "H-Hi, Erika." "Yes. May kailangan kayo?" Pansin ko ang paglunok ng isa. He's wearing big eyeglasses. Payatot ito gaya ng kaibigan niya. May hitsura naman, ang kaso ay kulang sila sa appeal. Itinulak ng isa ang nakasalamin. Dala ang isang paper bag ay inabot niya sa akin habang namumula ang mga tainga nito. "P-Para sa iyo," anito. Magiging bastos naman ako kung hindi ko tatanggapin iyon. Isa pa, it smells good. Tinignan ko ang nilalaman nito. Tila gustong tumulo ng laway ko dahil sa nakita. It was seafoods in a lunch box. Hindi naman ako mahilig ngunit sa ngayon ay tila gusto kong tumikim. "Thank you," masayang saad ko. "M-Masarap iyan, gawa ng family chief namin. S-Sana magustuhan mo." Matapos niyang sabihin iyon ay kumaripas sila ng takbo. Naiwan naman akong nakangiti habang pinapanood silang mawala sa paningin ko. I hope to see them again. Matapos ang buong klase ay sabay kami ni Liz na nagtungo sa parking lot. Habang naglalakad sa malapit sa parking lot ay natanaw ko ang grupo nina Aaron sa hindi kalayuan na tila ba nagkakatuwaan sila. Bullying again? Nagsalubong ang kilay ko nang makitang may pinagkakatuwaan sila. Ang mas nakakagulat pa ay ang dalawang lalaking lumapit sa akin kanina ang pinagkakatuwaan nila. "What the hell are they doing?!" Akmang lalapitan ko sila nang pigilan ako ni Liz. "Huwag." "Hindi ko kayang manuod na lang, Liz." Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko bago nagtungo sa grupo nila Aaron. Gulat silang lahat nang pumagitna ako sa harap nila. "This is a form of bullying," ma-awtoridad na saad ko. "Nagkakatuwaan lang kami dito, Pres. We're not bullying them," depensa ng isa sa mga kaibigan niya kasabay ng pag-akbay niya sa naka salaming nagbigay sa akin ng regalo kanina. "Get out of here, Erika. You have no business here," ani Aaron. "Well, I have. First, we're still in the campus. And second, I am the SSG president. I can drag you all at the OSA as much as I could." Nagtawanan naman ang mga kaibigan niya. They're his teammates from volleyball. Hindi ko kilala ang iba maliban sa lalaking nag-birthday noong ilang linggo at si Aaron. If I am not mistaken, Liz called him Kirt. Matalas pa ang pag-iisip ko para maalala ang pangalan niya. Sumama ang pakiramdam ko nang mapansing nakatingin ito sa akin. The moment our eyes met, sumilay ang ngisi sa labi niya. "Then do it. I don't f*****g care, Erika." Muling natuon ang tingin ko kay Aaron. "Ano ba ang ginawa nila sa inyo?" naiinis nang untag ko. Naging seryoso naman ang mukha niya dahilan para bumilis ang pagtibok ng puso ko. "Wala silang ginagawa sa akin," giit niya. "Then why?" "Gusto ko lang ipaalala sa kanila kung ano ang akin na hindi dapat nila ginagalaw..." Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay may ibang ibig sabihin ng sinabi niya. Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming lahat. Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa hanggang siya na ang nag-iwas ng tingin. "There's no fun here anymore," anito. Sabay-sabay silang umalis sa harap namin. "Okay lang kayo?" tanong ko sa dalawa pagkatapos nilang mawala sa paningin namin. "O-Oo, salamat," saad ng dalawa. "Sige, a-alis na kami." Matapos nilang umalis ay saka ako nagpunta ulit kay Liz na ngayon ay nakatingin sa kawalan. Tila ba ang lalim ng kaniyang iniisip. "Liz?" tawag ko sa kaniya na siyang nagbalik sa kaniya sa realidad. "Huh?" "Tara na," aniko. Tanging tango lang ang itinugon niya. Why do I feel like there's something wrong to her? Kanina pa siya tahimik. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD