8

1984 Words
KABANATA VIII Matapos ang isang araw na pananatili ni Aaron sa hospital ay ramdam niya ang kahit papaano ay paggaan ng pakiramdam niya. Masyado kasing mataas ang lagnat mula pa kahapon. Habang inaabala niya ang sarili sa pagtitig sa kawalan ay narinig na lamang niya ang pagbukas ng pinto. He confusedly looked at his twin brother who just made his entrance. He brought a basket of fruits. "What are you doing here?" Sumilay ang ngisi sa labi ng kakambal. "May dahilan ba para hindi pumunta?" "Umalis ka sa province para lang ang bisitahin ako? How thoughtful." Kahit masama ang pakiramdam niya ay nagawa niyang bumangon mula sa pagkakahiga. "Hindi. Pumunta kami dito ng mga kaibigan ko para maglaro. Saka ko nabalitaan na naaksidente ka at nandito ka." Napakunot naman ang noo niya. "How?" "Sa dami mo ba namang babae sa f*******: na kanya-kanya ang post," biro nito. Nagtungo ito sa table niya at nilapag ang dala nitong basket. He was James Aaron, his twin brother. Hindi sila lumaki ng sabay kaya't Aaron ang tawag sa kanila ng mga taong nakakakilala sa kanila. Lumaki ang kapatid sa ina habang siya ay sa ama. Sa totoo lang ay hindi nila alam ang existence ng isa't isa hanggang sa aksidente silang magkita dalawang taon na ang lumipas sa isang fieldtrip. Agad niyang itinanong sa ama kung may kakambal ba siya, hindi naman iyon itinanggi ng ama. Iyon ang una nilang pagkikita. Mayroon naman silang contact sa isa't isa pero mas pinili niyang huwag silang kontakin. May galit pa rin kasi siya sa ina nila kung bakit siya iniwan habang si James Aaron ay nasa puder nito. Ito ang pangalawang pagkakataon na nagkita sila ng kapatid. Umupo si James Aaron sa upuan malapit sa kama niya at humarap sa kaniya. "Wala ka ba talagang planong kausapin si Mama?" James asked out of nowhere. Natigilan naman siya. Kunot-noong tumingin rito. "What? Binisita mo ba ako dito para sabihin iyan?" Agad na natawa si James sa tanong niya. "Hindi, malamang." Malaki ang pagkakahawig nila sa isa't isa. Mula sa boses hanggang sa pangangatawan. May katangkaran lang siya ng isang pulgada. No one could guess who was Mark Aaron and who was James Aaron in a first gaze. Maliban na lang kung ibase sa pananamit nila. Maporma siyang manamit habang si James Aaron ay halos checkered polo ang suot nito na may tshirt sa pangloob o kaya ay hoodie. Gaya ngayon, naka hoodie ito at sumbrero. May kaya lang kasi ang pamilya ng ina nila. "By the way, may contact ka ba kay Erika?" "Why?" "Ngayon lang ako nakapunta sa syudad ulit. Gusto kong makita siya. Ang sabi ni Liz ay magkaklase kayo--" "Wala akong number niya," agad na putol niya kay James. Agad siyang humiga at nagtulog-tulugan. Isa din sa ayaw niya kay James Aaron ay noong napag-alaman niya na kababata nito si Erika at hanggang ngayon ay akala ng dalaga ay siya ang kapatid. Nagtataka pa siya noon kung bakit pinagpipilitan ni Erika na magkakilala sila gayong lumaki siya sa states. And the guy she liked was his brother, not him. That was the reason why he was jerk to her, to ruin his brother image to her. Rinig niya ang pagbuntong hininga ni James Aaron at ang pagtayo nito. "Mukhang wala kang balak na kausapin ako. Magpagaling ka na lang, 'tol." Ilang segundo ang lumipas ay rinig niya ang pagbukas-sara ng pinto. ---- Samantala.... "Ma'am, gising na po." Mabigat ang pakiramdam ko na bumangon mula sa pagkakahiga. "Bakit mo ako ginising?" iritableng tanong ko. Ilang araw na rin simula nang maging ganito ako sa tuwing nagigising. Naiinis na lang nang walang dahilan. Ang masama ay kay Yaya ko naibubunton ang inis na nararamdaman ko. "Tumawag po si ma'am Erich, tinatanong kayo. Ang sagot ko ay tulog pa po kayo. Sabi naman niya ay gisingin po kayo. Halos tanghali na raw po at hindi pa kayo bumabangon." What time it is? Nanlaki na lamang ang mata ko nang makita ang oras na halos lagpas alas onse na. Umalis ako sa kama ko at nagtungo sa closet ko. Nilabas ang susuotin ko. "A-Ano po ang ginagawa niyo?" tanong niya sa akin. "I'm late!" natataranta kong tugon. "Ma'am, l-linggo po ngayon, hindi ba?" Natigilan ako sinabi niya. Kunot-noong tumingin sa kaniya. "Linggo ngayon?" pag-uulit ko. "L-Linggo po," pag-uulit niya. Napaisip ako. Bumagsak ang balikat ko sa realisasyon. Sabado kahapon kaya malaman ay linggo ngayon. Anong nakain ko? Muli akong bumalik sa kama. "Make me a break fast please. Pakilagyan ng apple," matamlay kong saad. Wala naman akong plano ngayon. Mananatili na lang ako sa bahay at magkukulong sa kwarto. Walang gana akong nag-online. Umasim ang mukha ko nang mapansing puno ng pangalan ni Aaron ang nasa news feed ko. Maraming humihiling na sana ay gumaling na siya, karamihan dito ay mga babae. May iba pang nagpapakalat na naaksidente raw siya at nag-aagaw ng buhay ngayon. People nowadays. Nagpapakalat ng fake news. Nag-aagaw buhay? I'm sure he can kick someone's ass now. Napatingin ako sa harapan ko nang maramdaman ang kunting pagkirot ng dibdib ko. May kalakihan pa rin ito gaya nang nakaraang araw. Bumangon ako at nagpunta sa salamin. Base sa research ko ay talagang lumalaki ang dibdib ng babae sa mga unang buwan ng pagbubuntis nila. Lalo na kung ito ang unang beses nila. Nagiging sensitive pa ito paminsan-minsan. Habang nakatingin ako sa pagbabago ng katawan ko ay hindi ko maiwasang hindi mapaisip. I was a flatchested until now. People around me tease me for being like that. They say I have a perfect face and body figure, kung hindi lang flat ang hinaharap ko. Psh. Napatingin ako sa pinto nang muli itong magbukas. Si Yaya, dala ang breakfast na pinapagawa ko sa kaniya. "Aalis na po ako," anito matapos ilapag ang pagkain sa isang mesa. "Teka!" Tumigil siya sa paglalakad. "Po?" Nag-iwas ako ng tingin. "O-Okay lang naman ako kahit malaki ang hinaharap, hindi ba?" Suddenly, bigla akong nahiya sa tanong ko. Ka-edad ko lang ang personal maid ko. Anak siya ng isang kasambahay dito dati, nang umalis ang nanay niya dahil sa katandaan ay siya na ang pumalit. Hindi ko alam kung bakit sa murang edad ay mas pinili niyang magtrabaho kaysa mag-aral. She should enjoying her life right now. Sa bagay, masyadong unfair ang mundo. Umiling ako sa kaniya. "Nevermind. Umalis ka na." "Sige ho." Matapos niyang umalis ay muli akong napatingin sa repliksyon ko. Okay na ang walang dibdib kaysa maging isa sa mga babaeng nagpapalaki para lang sa mga lalaking katulad ni Aaron. They should not be proud of it. Mga babaeng katulad nila ay ang dapat na kaawaan. Pakiramdam kasi nila ay maganda sila dahil may dibdib sila. Yeah, right! Erika, you're beautiful with or without boobs! I grinned. Self motivation, Erika? Alas dos ng hapon nang lumabas ako ng silid ko para maghanap ng mansanas. These days, lagi-lagi na lang akong naghahanap ng mansanas. Pagdating ko sa baba ay wala akong mahanap. "Yaya!" Segundo lang ang lumipas nang sumulpot ito sa harap ko. "P-Po?" "Bakit walang mansanas dito?" takang tanong ko. "H-Ho? Hindi po ba ay kinuha niyo lahat noong tanghali?" Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. Tama nga siya, kumuha ako pero hindi lahat. I'm sure may umubos nito! Sa halip na mangbintang ay napagpasyahan kong bumili na lang para sa sarili ko. Ako na ang lalabas para makasigurado. Nagsuot ako ng mask. Ayaw ko ng atensyon ngayon. Lalo na't mainit ang tingin sa akin ng mga tao ngayon sa pag-aakalang isa akong celebrity. Pabalik na ako sa bahay matapos kong bumili ng dalawang basket ng mansanas nang tumigil ang tingin ko sa hospital na malapit sa mall. Muli kong naalala si Aaron. May sakit nga pala siya. I felt guilt somehow. Kung ako nga ang dahilan kung bakit siya nasa hospital ngayon, mas maganda kung tignan ko ang kalagayan niya. Titignan ko lang naman pagkatapos ay aalis kaagad ako. Palapit na ako sa counter ng hospital para magtanong kung nasaan ang kwarto ni Aaron habang dala-dala ang mga pinamili ko. Nagbabakasali na pinalipat siya ng room at masayang pa ang oras ko. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa counter ay may bumangga sa dala ko. Nahulog ang basket at nasira ang plastic na napapulupot dito dahilan para kumalat ang mga apple ko. "What have you done?!" bulyaw ko sa nakabangga sa akin. "S-Sorry, Miss." Sa halip na sagutin ay lumuhod ako at isa-isang pinulot ang mga mansanas ko. Kita ko naman ang pagtulong sa akin ng lalaki. "Here." Abot niya sa akin sa tatlong mansanas. Napatingin ako sa kaniya. Nakasumbrero siya at hoodie. Ganu'n na lamang ang paniningkit ng mata ko nang makita kung sino ang nakabangga ko. "Miss?" sambit nito. Miss? Tinanggal ko ang mask ko para makapagsalita ng maayos. "Anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ko sa kaniya. Nagtaka naman si Aaron sa tanong ko. Oo, si Aaron ang nakabangga sa akin. "Huh?" nagtataka siyang tumingin sa akin. Hinawakan ko ang mukha niya. Wala na rin ang mga pasa nito sa mukha. "Bakit ang bilis gumaling ng mga pasa mo?" Muling tanong ko. Nag-evolve na ba ang teknolohiya at hindi ko namalayan? Bumalik ako sa realidad nang mapansing nakatitig siya sa akin. Namumula rin ang buong mukha niya. "Hey!" I snapped my finger. Bumalik naman siya sa huwesyo. Kumurap ng dalawang beses bago magsalita. "Erika?" "Oh?" Tumaas ang kilay ko. Kinuha ko ang mga mansanas ko saka tumayo. Tumayo rin siya. Ganu'n na lamang ang pagkakunot ng noo ko nang tignan niya ako na para bang namamangha. Nagniningning ang mga mata niya and it gives me goosebumps! Really. "You're Erika?!" tuwang-tuwang saad niya. Mas lalong napakunot ang noo ko. "Hey! I think you should get a therapist. Nasisiraan ka na ata ng ulo--wait?" Hinawakan ko ang noo niya, inaalam ang temperatura niya. Normal naman ito. Kung ganu'n ay ang utak niya ang may sira! "Sa tingin ko ay kailangan mo ulit bumalik sa silid mo para ipatingin ang utak mo. Baka na-apektuhan dahil sa lagnat," sarkastikong saad ko. "I-I'm okay! I'm okay," tila masaya niyang turan. Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa labi niya which is unusual. Aaron doesn't smile like that. "What are you doing here, by the way?" Oo nga pala, nandito ako para bisitahin siya ngunit sa nakikita ko ngayon ay tila magaling na nga siya. "Just visiting a friend," pagsisinungaling ko. "I have to go." Akmang aalis na ako nang pigilan ako nito. "Can I have your time for a minute? Mabilis lang ito, please?" Something's wrong about him. Para bang ibang Aaron ang nakikita ko ngayon. "Please?" Bagaman nagtataka sa ikinikilos niya ay nakita ko na lamang ang sarili kong tumatango. Baka sa ganitong paraan ay mawala ang konsensyang nararamdaman ko. Ngayon ko lang nalaman na may konsensya pala ako. Pfft. Pumunta kami sa isang ice cream parlor. Nagpa-iwan ako sa labas nang lapitan ng dalawang babaeng kasing-edad ko lang. "H-Hi po." Matamis akong ngumiti sa kanila. "Ano 'yun?" tanong ko. Nanlaki naman ang mga mata nila. Parang kinikilig na ewan lang. "Kyaaaaa, pwede pong pa-fan sign? We're a big fan!" parang kilig na kilig na sabi ng isa habang may patalon-talon pang nalalaman. Ako naman itong napatanga. "Huh?" "'D-Di ba po ikaw si Miss Erika. 'Yung sikat pong dancer sa youtube?" Pagkokompirma nila. Napangiwi ako. I forgot to wear my mask again. Hindi ko alam kung saan napunta. Ilang saglit pa ay kunwari ay natatawa akong tumingin sa kanila. "Erika? You mean Erika Selvestre? Kamukha ko ba iyon? Mas maganda kaya ako doon!" giit ko, nagbabakasaling maka-iwas. Nagpalitan naman sila ng tingin. Halatang naguguluhan sa pinagsasabi ko. "N-Nagbibiro po kayo, 'no?" Pilit na ngumiti ang dalawa. Akmang sasagutin ko sila nang pumagitna sa amin si Aaron. "Sorry, girls, but please don't ruin my date." Humarap siya sa akin, tinanggal ang sumbrero niya at ipinasuot sa akin. Habang ang puso ko ay nagsimulang kumalabog sa kaba. A-Ano itong nararamdaman ko? Napakurap ako habang nakatingin sa mukha niya. Ramdam ang pagbilis ng t***k ng puso ko. At this moment, pakiramdam ko ay nasa isang mundo kami na kami lang ang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD