KABANATA XXXII "Miss, alam mo ba ang pinapasok mo? Para kang pumasok sa lugar na puno ng lion." "Alam ko," matapang kong sagot. Nilabas ko ang perang dala ko. Tumaas naman ang kilay ng lalaki nang makita ang kapal ng sobre. Maangas niya itong kinuha. Nawala ang angas sa mukha niya nang makita ang nilalamang pera. "It's just 50% of the payment. I'll give the 50% after you have done what I want." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Mukhang magiging magkaibigan tayo." Ngumisi ako sa kaniya bago tinanggap ang kamay niya. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Madumi, mausok at alam kong dilikado ang mga tao. But they're my only chance to start what I want to start. Dati ay ang paniniwala ko ay hindi nagbabago ang tao. We just have to grow up to face every challe

