CHAPTER FOUR

2575 Words
NAGLALAKAD NA PAPASOK si Venice sa restaurant ng salubungin siya ng gwardiya. "Eh, ma'am, may nagpapabigay nito sa inyo."Sabay inabot naman ng matandang lalaki ang isang bouquet ng puting rosas. "Naku! Manong baka nagkakamali kayo,"pagtanggi ni Venice. Hindi sana aabutin iyon ng babae, ngunit isa na naman kasamahan niya ang lumapit sa kanya at nagbigay sa kanya ng isang bouquet ng tulip. Hanggang sa nagsunod-sunod iyon. Namamangha na lang sinusundan ng mata niya ang lalo pang pagdami ng mga bit-bit niyang bulaklak. "Heep! Tama na!"tili ni Venice sabay na inilapag ang mga iyon. Kung hindi niya kasi gagawin iyon ay tiyak niyang matatabunan na siya ng mga bulaklak sa dami niyon. "Hindi mo na kaya?"ani ng isang tinig na umagaw sa atensyon niya. Kaya upang doon bumaling ang atensyon ni Venice. Nakita niya mula sa entrance ng restaurant si Kenjie na gwapong-gwapo sa suot nitong three piece suit. Nag-umpisa na itong naglakad palapit sa dalaga na magkasalubong pa rin ang kilay. "Ano na naman ba ito Ken, hindi ba't sinabi kong tigilan mo ako!"inis na sabi ni Venice. Akma siyang maglalakad palabas para umuwi na lang ngunit naging maagap si Kenjie na hawakan ang braso nito. "Ate V, just this night please. Kahit ngayon lang promise, kapag wala talaga. Ako na kusang lalayo sa'yo,"punong-puno ang tinig ni Kenjie ng pagsusumamo. Nakatitig lang naman si Venice sa nangungusap na mata ng binatilyo. "Okay, okay! sige payag na ako. In one condition." Labis naman ikinagalak ni Kenjie iyon. Hindi na tuloy nito napigilan na hilahin palapit ang katawan at yakapin siya ng mahigpit nito. Iiling-iling naman si Venice sa reaksyon ng binatilyo. "Ken, bitiw hindi ako makahinga,"masungit niyang sabi. "Oopps! sorry 'te."Agad na dumistansiya si Kenjie na hindi pa rin maiwasan kiligin dahil nakachansing na naman ito sa babae. "Bakit ka ba narito?" "Kwan kasi..."Inayos-ayos pa ni Kenjie ang buhok bago ito muling magsalita. "Naisip ko kasi, baka hindi ka pumapayag na lumabas kasama ako. Dahil sa wala kang libreng oras. Kaya heto na, ako na ang nag-effort na magawan ng paraan na mapagbigyan mo ako. Don't worry pumayag si Dad na ipagamit sa akin na gawin venue ng date natin ang buong restaurant tonight."Kumindat-kindat pa ito. "Ken..." "Heeep! bawal tumanggi nai-reserved ko na ang buong place para sa atin dalawa. Please!"pagsusumamo pa ni Kenjie. Napabuntong-hininga na lamang si Venice. Ilang beses na niyang pilit na iniiwasan ang binatilyo. Ngunit napakasigasig nito. Sa totoo lang ay unang beses na may mag-effort sa kanya na lalaki. Kahit na kailan ay hindi naging ganito kapursige si Lucas dati sa kanya. Sa pagkaalala rito ay mabilis niyang pinalis sa isipan ang ex. "S-sige, basta magbe-behave ka huh. Kapag hindi mo iyon ginawa ora mismo ay aalis ako."Pananakot niya. "Sure 'te V!"Mukhang tinablan naman ito, kaya ang pagyakap nitong muli sa babae ay hindi nito naituloy. Kakamot-kamot ang ulo na si Kenjie na may nahihiyang ngiti pagkatapos. "So ano na?"Nakataas ang kilay na tanong niya rito. "Oh, sorry oo nga pala. Tara Ate V, we're going to rooftop,"anas ni Kenjie na masuyo pang hinawakan sa may siko si Venice upang igiya siya papunta sa elevator. Gusto sanang hilahin ng babae iyon dahil sa muling pagraan ng kilabot sa balat niya sa tuwing nagkakadikit ang ano man parte ng katawan nila. Ngunit nang binalingan naman niya si Kenjie Ryu ay mukhang normal lang naman dito iyon. Hindi niya tuloy maiwasan mainis sa sarili, dahil siya itong sobrang naapektuhan ng pagkakadikit lang naman nila! Tuluyan na silang pumasok sa loob ng elevator. Matapos magsarado iyon ay muli na naman nag-usisa si Venice. "Ano bang gagawin natin sa rooftop?"tanong niya. "Basta, see it for yourself instead."Tumutok na ang mata ng binatilyo sa may pinto ng elevator. Literal na napaawang ang bibig ni Venice ng makita niya ang fully decorated na space. Sa totoo lang ay unang beses siyang makakatapak doon. Sa halos limang taon na pagtratrabaho ni Venice sa restaurant ng mga Buencamino ay never siyang nakakapunta roon. Dahil tanging manager lamang at ilang malalapit na pamilya ng nagmama'y ari ang maaring magpunta o gumamit doon. Meron naman kasing sariling floor na pweding i-rent kung gusto ng client ng malaki-laking venue. "Wow!"mangha na saad ni Venice. "I know you gonna like it,"agaw-pansin ni Kenjie na titig na titig sa mukha ng babae. "Oo sobra, teka... paano mo nalaman na-"ngunit tuluyan pinutol na ni Kenjie ang mga sasabihin pa ni Venice. "Naitanong ko kasi kay Casven kung anong dream date mo. Sabi niya hindi niya alam, pero nasabi niya sa akin na pangarap mo raw mapuntahan ang Bansang Japan." Tama ito, dahil halos kuhang-kuha nito ang Kiyomizu Temple. Maging ang mga replica ng bulaklak ng mga cherry blossom tree na nagbabagsakan ay kawangis nito. Maging ang tunog ng mga tambol sa tuwing nanunuod ng koreanobela si Venice ay dinig na dinig niya. "Thank you! thank you Ken!"Kasabay ng pagyakap ng mahigpit ni Venice rito. Nagulat man ay hindi mapigilan ng binata ang kiligin siyempre masiyahan na rin sa nakikitang kasiyahan sa mukha ng babaeng gusto niya. "Gusto ko sanang yayain kitang magpunta na lang sa Japan. Kaso, baka hindi ka rin pumayag. Kaya ang ginawa ko, ako na mismo ang nagdala papunta sa'yo ng atmospera sa Japan,"nangingiting sabi nito. Matapos nilang maghiwalay mula sa pagkakayakap sa isa't isa. "Aisstt! Bakit hindi mo sinabi! Papayag naman ako, eh. Kahit mag-isang Buwan pa tayo roon!"Nasa mata ni Venice ang panghihinayang. "Pasensya na, akala ko kasi ayaw mo. Saka lagi mo kasi akong binabara kapag tumatawag ako sa phone rito sa restaurant." Gustong sabunutan ni Venice ang sarili dahil sa pag-iinarte niya. Hindi niya tuloy mararanasan ang mapuntahan man lang ang Bansang Japan. "Chill Ate V, no worries. Promise sa unang sahod ko kapag nagkatrabaho na ako, dadalhin kita roon. Kasama si Casven at siyempre si Nanay Vilma." Napangiti na lang si Venice dahil maging sa future ng binatilyo ay kasali siya. Agad iniiwas nito ang pansin sa binatilyo, may naalala pala siyang dapat ipagtatapat rito; ngunit mamaya na lang niya sasabihin iyon. As of now, e-enjoyin muna niya ang feeling na magkasama sila ngayong gabi. Tuluyan na siyang inalalayan makaupo nito sa center table na naroon. Patuloy lamang nilang pinapanuod na dalawa ang inarkilang live band nito. Muli napatanga na naman si Venice ng lumapit sa kanilang mesa at ang mismong nagbigay ng pagkain sa kanila ay si Chief Menandro na kumindat pa sa kanila. Agad naman pinamulahan si Venice, habang ang binatilyo ay tinapik-tapik pa ang balikat nito. Nanlaki ang mata ng babae ng makita niya ang isi-nerved na pagkain sa kanila. Iyon lang naman ang special menu na bagong recipe lang naman ng chief. Hindi pa iyon naipapatikim sa iba. Parang lumubo ang puso ni Venice sa kakaibang damdamin na naramdaman niya sa mga sandaling iyon. All this time ay pinaghandaan talaga ng binatilyo ang gabing iyon. "Tara kain na!"umpisa ni Kenjie. Nag-umpisa na itong kumuha sa lobster na naroon. Naglagay na rin ito ng kanin sa plato. Akmang kukuha si Venice nang ang binatilyo na mismo ang nag-served rito. Nanatili lang naman na pinapanuod ng babae ang ginagawang pag-aasikaso sa kanya nito. Talagang ipinapadama nitong napaka-espesyal niya sa gabing iyon. "Kain ka na,"kasabay niyon ang pagsubo sa kanya ng sariling kamay ng binatilyo. Tuluyan naman isinubo iyon ni Venice. Sa isang Buwan na pakikisalamuha ni Ken sa kanila ay natuto na itong kumain na nagkakamay. Iisang plato na lang ang kinainan nilang dalawa. Ewan ni Venice pero kinikilig siya sa gesture na iyon ni Ken sa kanya. Sa paggamit ng kamay nito habang kumakain sila. Isali pang sumasabay rin sa pagkain din si Kenjie sa kanya. First time na nakaranas siya ng ganoon date, hindi niya aakalain na sa isang katulad ni Kenjie Ryu Buencamino na lumaki sa isang mayaman pamilya ay bibigyan siya ng ganoon ka-espesyal na pagtingin. "Nabusog ako roon!"masiglang sabi ni Kenjie na tumayo na at agad naghugas ng kamay. "Halata nga eh, sobrang sarap kasi ng pagkaing iniluto ni Chief Menandro,"ani naman ni Venice na nagpupunas na ng table napkin. "Oo, pero alam mo ang pinakanagustuhan ko. Iyong kasama ko ngayong gabi na maka-date ang babaeng gusto ko!"magiliw na litaniya ni Kenjie na kumindat pa sa babae. "Bola!"Naiiling na lang ni Venice ang ulo, sa sandaling iyon ay kumalat sa magkabilang pisngi niya ang init. Iniyuko niya ang ulo para itago iyon sa binatilyo. Ngunit maagap ito. "Huwag mong itago Venice,"malumanay na saad ni Kenjie, habang masuyong hawak ang baba niya. Para sa binatilyo maganda na ito sa paningin niya, pero lalong umaangat iyon sa tuwing nahuhuli niyang nagba-blush ito sa mga nasasabi niya. "Shall we dance Venice?"tanong ni Kenjie matapos itong tumayo at abutin ang palad ng babae matapos na sumenyas ito sa maestro na tumutugtog ng isang romantikong tugtugin. Walang sabi-sabing inabot naman iyon ni Venice. Sumabay na silang umindak ng marahan sa musikang pumapailanlang. Tuluyan nagpa-ubaya si Venice ng hapitin pa siya lalo ng binatilyo. Hinayaan na lang din niya ang sarili na matangay, dahil nakatitiyak siya. Matapos niyang sabihin rito ang isang bagay ay kusa na rin siyang lalayuan ni Kenjie... AFTER FIFTEEN YEARS... KASALUKUYAN pumipirma ng mga papeles si Kenjie Ryu ng isang marahan pagkatok ang narinig niya mula sa nakasaradong pinto. Agad na humayon ang mata niya mula roon ng pumasok si Valeene Soller naging bestfriend niya noong ipinagpatuloy niya ang pag-aaral niya ng secondary sa States. Hindi katulad sa mga babaeng naiiugnay sa binata na halos kita na ang kaluluwa nito. Si Valeene ay tipikal na hindi pala ayos. Kahit sa ibang bansa ito nagdalaga ay nanatili itong conservative. Mahaba ang kulay mais at natural na kulot nitong buhok. Morena ang kutis, chinitang mata at paarko ang kilay, pointed nose at manipis ang labi ng dalaga. Lalo sanang lilitaw ang ganda nito kung nakakapag-ayos ito. Minsan, naitanong iyon ni Kenjie sa dalaga. Ngunit sagot lamang nito'y mas kumportable ito sa kung ano ang itsura nito. Nakasunod rito si Jonathan na isa rin sa naging matalik niyang kaibigan mula States. Katulad ni Kenjie ay nanggaling sa may masasabing pamilya ang dalawa. Dangan lamang ay pinili ni Valeene na pumasok na personal assistant niya sa pag-aaring kumpaniya. Habang si Jonathan ay piniling ipagpatuloy ang Shoe's business ng mga ito rito sa Pilipinas habang siya ay nasa Food business naman. In the near future ay napag-uusapan na rin naman nilang tatlo na mag-invest sa isang business. "Hello! Ryu my friend! Bakit mukhang nilulunod mo na naman ang sarili mo sa mga trabaho rito sa opisina niyo. Kadarating mo lang kagabi galing States,"napapatistakuhan bungad ni Jonathan na tuluyan umupo sa pang-isahan sofa na naroon. Moreno ang kutis at bigotelyo ito, tumataas ng five eight inches ang lalaki. May chinitong mata, kilay na manipis, matangos na ilong at labing hindi naman kakapalan . Kahit magka-edad si Jonathan at Kenjie ay nagmumukhang mas ma-edad ang una. "Iyon nga rin ang sinasabi ko rito Jon, masyadong kina-career ang pagiging sole owner ng kumpaniya nila. Hindi man lang magbreak muna sa trabaho!"Naiiling na pakikisali sa usapan ni Valeene matapos nitong mailapag ang coffee ng dalawang binata. "Don't mind me, at ikaw Valeene... diba't pinayagan naman kitang huwag mo nang pumasok kung may jetlag ka pa."Naiiling na sabi ni Kenjie matapos itong makahigop sa tasa ng kape. "Parang hindi mo kilala itong bestfriend mo, kahit na anong mangyari ay papasok iyan. Lalo kung ikaw na boss niya ay napakacommited sa trabaho. Kaya hindi na ako magtataka na parehas kayong tumandang single. Trenta na kayo pero wala yata kayong kabalak-balak lumagay sa tahimik ah!"pambubuska ni Jonathan. "H-hindi naman sa ganoon, pero isa ka rin nagsalita ang wala rin balak mag-asawa,"nakalabing pamamagitan ni Valeene na inayos pa ang suot na salamin sa mata. "Baka hindi mo alam, malapit niyo na siyang mameet. Ikaw Val, paano naman kasi may papansin sa'yo. Hindi ka nga marunong mag-ayos, dapat dito tinatanggal!"Kasabay niyon ang pagkuha ni Jonathan sa nakakabit na salamin sa mata ni Valeene. "Ano ba Jon! Alam mong malabo mata ko kapag wala akong suot na salamin!" "Hayaan mo kung gusto mo samahan kita sa ophthalmologist. Instead na eye wear ang sinusuot mo ay contact lense na lang."Itinaas pa nito ang hawak na salamin. "Akin na nga iyan, pwedi ba tigil-tigilan mo ako. With or without my eyeglasses ay nakakasiguro akong mapapansin ako ng gusto kong lalaki,"masungit na sabi ni Valeene kay Jonathan matapos nitong maabot ang eye glass nito. "Kailan pa... ikaw Ryu. Huwag mong sabihin na hindi ka pa nakakapag-move on sa first love mo noong highschool ka?"May nakakalukong ngisi mula sa labi ni Jonathan. "Huwag mo na ngang ipinapaalala iyon, baka nga ikinasal na iyon,"matipid lamang niyang sagot at muling ipinagpatuloy ang pagbabasa sa mga papeles na kaharap niya. "Sigurado ka? Kung wala na talaga sa'yo ang babaeng iyon. Sasama ka sa akin tonight may gaganapin na party sa Manila hotel. Nasagap ko na naroon si Miss Santos,"pagkarinig ni Kenjie sa sinabi ng kaibigan ay agad na nagkasalubong ang makakapal na kilay ng binata. "Miss?"takang tanong ni Kenjie. "Hindi mo ba alam, 'di man ikinasal si Venice. Hanggang ngayon ay single siya,"wika ni Jonathan. Napaisip si Kenjie dahil ang pagkakaalala niya noong pumayag si Venice na mai-date niya. Ang idinahilan nito kung bakit tuluyan siyang pinatigil sa panliligaw dati ay diumano'y nagkabalikan ito at si Lucas na ama naman ni Casven. Sa totoo lang sobrang nagdamdam siya noon. Dahil halos lahat na yata ng pagpapansin at pag-e-effort sa isang babae'y nagawa niya. Pero pinaasa lang siya nito sa wala. Hindi niya mawari ang tunay na nasa sa loob. Daan ba iyon ngayon, upang ipagpatuloy niya ang naudlot na panliligaw niya sa babae? MARAHAN ang ginawang pagsunod ng mga mata ni Kenjie sa babaeng nakasuot ng pulang backless dress na humahapit sa balingkinitan nitong katawan. Matagal ng panahon ng huli silang magkita nito, hanggang ngayon ay wala pa rin kakupas-kupas ang angkin nitong ganda. Para ba siyang nabatabulani sa pagkakatitig sa maganda nitong mukha habang nag-umpisa na siyang maglakad palapit sa babae. Agad niyang hinablot sa waiter na dumaan ang isang bote ng champagne na hindi pa nabubuksan, maging ang dalawang basong babasagin na nakapatong sa hawak-hawak nitong tray. Nang mapagsino siya'y nginitian na lamang siya at tinanguan. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala sa kanya. Kilala ang angkan na pinagmulan sa society na purong mayayaman ang kinabibilangan. Lalo't ngayon matapos ang mahabang taon ay naipasa na sa kanya ang lahat ng mga properties at business na pagmama'y ari lang naman ng mga Buencamino. Pasasaan at kakailanganin niyang makapamili ng babaeng hahali sa kanyang pagpapatakbo ng kumpanyang minana. Magkagyunman ay wala sa mga babaeng napipisil ng mga magulang ang aaprubahan niya. Kung 'di nasa babaeng patuloy niyang hinahabol ng mga sandaling iyon. Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha nito, pagkatapos ay ang lantaran pagkunot-noo ng babae matapos niyang ngitian ito ng buong simpatiko. "Care for a drink Venice?"maginoo niyang pag-aya sa babae. Hindi na niya ito hinayaan makasagot at makatanggi katulad ng palagi nitong ginagawa sa tuwing nasa paligid siya may labing-limang taon na ang nakararaan. Agad niyang hinapit sa beywang ito at iginaya paalis sa karamihan ng tao. Ngiti at pagtango na lamang ang isinukli niya sa mga taong nakakasalubong nila. Kahit nasa paligid ang atensyon ni Kenjie ay ramdam niya pa rin ang panginginig ng buong katawan ni Venice na nakadikit sa kanya. "Hanggang ngayon ay wala pa rin palang pinagbago ang ugali mo Mr. Buencamino,"inis na umpisa ni Venice na napairap kapag-daka matapos itong makalayo mula sa pagkakahapit ng binata. Sumandig naman mula sa hamba ng terasa ang binata. Ipinatong na nito ng tuluyan sa lamesa na naroon ang bote at dalawang baso. "Come on! sweetheart even you're also the same woman I met before. Napakaharsh mo pa rin magsalita pagdating sa 'kin,"ammuse na sabi ni Kenjie na umpisahan ng buksan ang bote na naglalaman ng champagne. Matapos malagiyan ng binata iyon ay mabilis na inuumang nito iyon sa babae na nakahalukipkip pa rin ng mga oras na iyon. "Here take this, it makes your nerve to calm sweetheart... para hindi ka napaghahalataan diyan,"pilyong biro ni Kenjie. "Aba at ang kapal talaga!"pagpaparinig ni Venice, ngunit maya-maya ay kusa naman kinuha ng babae iyon at agad na idinampi sa mapupulang labi. Hindi naman mapigilan ni Kenjie na pagmasdan kung paano inumin ni Venice ang laman ng baso. Tuluyan niyang ipinilig ang ulo ng lubos niyang maisip kung saan patungo ang isip niya. Natatawa siya na ewan. Hanggang ngayon pa rin kasi ay pinapangarap niyang mahalikan ang labing iyon na kinabaliwan niya noong umeedad pa lamang naman siya ng kinse. Matagal ng panahon... "Oh! ano tinatawa-tawa mo diyan?"asik ni Venice na magkasakubong na ang dalawang kilay. Halos malukot na ang mukha ng babae ngunit gandang-ganda pa rin siya rito. "Nothing sweetheart! chill okay!" Ngunit halatang hindi ito naniniwala. "Pwedi ba ano ba ang kailangan mo? Tahimik na ang buhay ko bakit lapit ka na naman ng lapit? manhid ka ba, hindi ba't sinabi ko na noon pa man na wala kang maasahan sa akin. Kaya pwedi! shooo! get lost! Go away!"Pagtataboy pa nito. Malakas pa nitong ibinagsak ang basong hawak. Mabuti na lamang at nakontrol pa rin ni Venice ang sarili. "I decided to grant the wishes of my beloved parents Venice. To find a woman to be my bride and that perfect woman for me Venice is none other than... you."dire-diretsong bigkas ni Kenjie na may maluwang na ngiti sa labi. Awang at puno ng pagkamangha ang makikita sa kabuuan ng mukha ni Venice. Tuluyan siyang napahalakhak pagkatapos. "Ayun! pinakahanep na prank na narinig kong magagawa mo sa akin. Kaso, hindi ako naniniwala! Diyan ka na nga, humanap ka ng babaeng magta-tiyaga sa mga kalokohan mo hindi ka pa rin nagbabago akala mo laro lang sa'yo ang lahat!"nasa himig na ng babae ang pagkainis sa lalaking kaharap. Tatalikod na sana siya ngunit mabilis na nahawakan siya sa may braso ng binata. "Not so fast sweetheart, stay!"Pigil ni Kenjie sa maawtoridad na tinig. Mabilis na ipinagpag ni Venice iyon. Dama niya ang kilabot na rumaan sa himaymay ng katawan niya. "Pakialam mo ba! Kahit na kailan ay hindi ako papayag sa mga gusto mo!"bulyaw na niya wala ng kapaki-paki si Venice kung may makapansin sa kanila. Ang gusto niya lang ay makalayo sa lalaki. "Paano kung sabihin kong wala kang magagawa. Hinayaan na kita dating makawala sa paningin ko, 'di na ngayon..."Kitang-kita ni Venice ang gwapong pagngisi ng binata. Sa isang iglap ay malaya na siyang nahapit nito. Isinandig pa siya nito sa may hamba ng terrace. Wala sa oras na napakapit tuloy siya sa bisig ni Kenjie at mariin na napapikit, takot siyang mahulog sa ibaba pero mukhang mas takot siyang mapalapit kay Kenjie. "Lumayo ka nga!"hysterical ng bulyaw ni Venice. Lalo siyang natuliro ng itinaas pa ng binata ang binti niya. Ramdam niya ang lalong pagdikit ng ibabang bahagi nito sa kanyang katawan! "See... see what you're f*****g doing to me sweetheart,"anas ni Kenjie. Nang magmulat si Venice ay ka-hibla na lamang ang puwang sa mukha nila ni Kenjie. Dumoble tuloy ang pagtibok ng puso niya na tila anuman sandali ay mahihimatay siya! "B-bitiwan mo ko Ken, please..."sumamo ni Venice. Ngunit tila yata kulang ang diin ang mga salitang nanulas sa labi niya. Dahil lalo lamang inilapit ng binata ang mukha sa kanya. "Bakit? Naapektuhan ka na ba, dahil hindi na ako katulad ng dati Venice na isang kinse anyos na panay ang habol lang sa'yo. I'm a fully man grown now. Makakaya ko ng makipagsabayan sa mga lalaking nagpapansin sa'yo. So, don't you ever stop me from getting near to you, 'cause no one can't push me way from you. Not even you my sweetheart." Naestatwa na lang si Venice ng kusang dumikit at laliman pa ni Kenjie ang paghalik sa labi niyang kaytagal ng pinangarap maangkin ng binata. Maya-maya'y naramdaman na lang ni Kenjie ang marahas na pagtulak sa kanya ni Venice kasabay niyon ang pagdapo ng malutong na sampal sa kanan pisngi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD