CHAPTER FIVE

3689 Words
PATULOY lamang sa ginagawang paglalagay ni Venice sa mukha ng pipinong hinati-hati niya. Kauuwi lang niya galing sa party na dinaluhan lang naman niya. Hindi niya aakalain na halos sa labing-limang taon na nakalipas ay makikita pa niya si Kenjie. Akala niya ay hindi na magsasanggala ang landas nila. Na titigil na ito sa pagpapansin sa kanya oras na magkita sila. Pero maling-mali siya dahil halos hindi siya nito nilubayan sa party! Maya-maya'y nadinig ni Venice ang biglang pagvibrate at pagtunog ng caller alert tone ng android phone na nasa ibabaw ng bed side table niya. Tuluyan siyang napaupo sa kama. Agad niyang sinagot iyon ng mapag-alaman niyang ang anak nito ang tumatawag sa kanya. "Hola! evening Mom!"wika nito. Tinitigan naman ito ni Venice mula sa screen ng hawak niyang aparato. Busy man ito sa career nito mula sa Paris bilang fashion designer ay hindi pa rin siya nakakalimutan na kumustahin palagi nito. "Hai dear heto nai-stress ng sagad ang mudra mo,"nausal niya. Kitang-kita niya ang kabuuan ni "Cassy" iyon na kasi ang pangalan nito ngayon. Transwoman na kasi ito. Noon pa man ay nahahalata na niyang may iba sa anak. Kaya hindi na nagulat si Venice ng magdecide na itong ipakita sa kanya kung ano ang tunay nitong pagkatao. Matapos itong makapagtrabaho ay unti-unti na nitong ipinabago ang ilan parte sa katawan nito. All along ay supportive lamang siya sa nais nito. Maging ang ama naman nitong si Lucas ay wala na rin nagawa dahil matanda na raw si Cassy para makapagdesisyon sa gusto nitong maging. And speaking the father of Cassy, unti-unti ay nakikita na niyang nagbabago na ito. Recently lang ay nagpakasal ito na siyang dinaluhan niya rin. Masayang-masaya siya dahil kahit paano ay kuntento at nakita na nito ang babaeng nagpabago sa lalaking dating kinakasama niya. Biglang bumalik ang atensyon ni Venice ng muli niyang madinig ang tinig ng anak niya. "Bakit naman mader?"tanong ni Cassy. Nakita ni Venice si Julian ang live in partner ng anak niya na kumaway sa likuran nito. "Hindi ka maniniwala, nakita ko sa party na dinaluhan ko si Kenjie,"sumbong niya sa anak. "Oh my God! Really mom, naks! baka kayo na talaga ang nakadestiny!"malanding sagot ni Cassy na panay tili lang. "Tumahimik ka nga, never sa hinagap ko na naisip ko iyan,"madiin niyang sabi. "Talaga? pero sa reaksiyon mo sa naging halikan niyo ni Kenjie ay parang iba ang lumalabas sa bibig mo ngayon?"kontra ng isang tinig sa isip niya. "Ugh! No way! hindi naman siya kaganoon kagaling humalik!"naisatinig niya. "Jusko! totoo ba 'yan Mommy!" naeeskandalong sambit ni Cassy. "Naku! don't mind me anak, may tama pa ako kaya huwag kang maniwala!"matigas na segunda ni Venice sa napapahiyang tinig. Kung hindi lamang sa mga pipinong nakakalat sa buong mukha niya ay tiyak kitang-kita sana ng anak niyang namumula na siya sa pagkapahiya. "Talaga Mom, alam mo ayos lang sa akin kung maging kayo ni Kenjie. Noon pa man ay napapansin ko ng mahal mo na rin naman siya. Kaso nagpigil ka lang kasi dahil sa agwat ng edad niyo at estado sa buhay. But, now Mom pweding-pwedi na kayo!"kinikilig nitong sabi kay Venice. "Ang advance mo naman mag-isip iha. But no! kahit kailan hindi iyan mangyayari,"mataray niyang saad. "Are you sure Mom, by the way ano na pala itsura ni Ryu?"Kumurap-kurap pa ang mata ni Cassy. "Itsura niya?"anas naman ni Venice na mataman nag-isip. Muli niyang inalala ang itsura ni Kenjie kanina. Katulad pa rin naman ito ng dati, bilugan ang matang nangungusap. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, nasa anim na talampakan pa rin naman ang height nito. Pero, ang dating patpatin na pangngatawan nito'y naging matikas na. Nadama niya iyon dahil lang naman sa pagkakayakap nito sa kanya. Katulad ng dati ay halos maligo ito sa pabango dahil sa amoy nito. Dagdag pa pala ang labi nitong umangkin sa kanya, walang kasing lambot niyon. Maging ang hininga nito'y panalo ang pagkaswabe sa amoy. Nangingiti na lang si Venice sa tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon. "Ehem! mader! andito pa ako, mukhang nagustuhan mo talaga ang naging pagkikita niyo ni Papsy Ryu. Sana tuloy-tuloy na ang happily ever after niyo."Cassy interrupt her day dreaming. "Hoy! H-hindi, ah!"nangautal si Venice. "Naku! umamin ka na mader. Kilala kita kung paano ka lumandi, dahil sa'yo ako nagmana."Saka ito nagtatawa. "Kainis ka, hindi nga!"Nakasimangot na si Venice. "Pustahan tayo, wala pang isang Buwan mababalitaan ko na lang na maging kayo. Kapag nangyari iyon ay ibibigay mo ang kahit anong hilingin ko huh!"ngising-ngisi si Cassy. Hindi na nagpatumpik-tumpik si Venice, dahil kahit na kailan ay hindi niya mapapayagan na ma-involved sa katulad ni Kenjie Ryu Buencamino. "Sige deal! kapag ako ang nanalo ay treat mo ako ng vacation trip sa Japan!"na-e-excite na tugon naman ni Venice. "Ayan! Sure Mom! No worries keri ko iyan kahit doon ka pa tumira."Pumapalakpak si Cassy. Matapos pa ang ilang pag-uusap nila ay tuluyan ng pinatay ni Venice ang video calling nilang mag-ina. Sa tuwing tumatawag ito ay sumasaya siya. Sa ilang taon na wala ito sa tabi niya ay nahirapan siyang mag-adjust. Lalo at mag-isa na lamang siyang narito sa Pilipinas. Wala na kasi si Aleng Vilma, tuluyan ginupo ito ng karamdaman nito sa puso. Magmula ng mawala ang Mama niya ay tinuruan na niya ang sariling maging matatag. Dahil wala siyang aasahan kung 'di ang sarili lang. Muli niyang naalala ang huling pag-uusap nila ng anak niya, naiiling na lang siya dahil hindi naman siya mahilig makipag-deal. Sa totoo lang malakas ang loob niya dahil nasisiguro naman niyang hindi na sila magkikita ni Kenjie. Himala na lang masasabi kong magkrus pa ang landas nila. Sa laki ba naman ng Maynila. Hindi na niya uulitin ang nangyari dati. Magmula ng pumayag siya sa date nila fifteen years ago ay tuluyan siyang pinatanggal sa trabaho niya sa restaurant ng Tita Reyya niya. Dahil sa pagkakainvolved niya sa anak ng big Boss nila. Matapos iyon ay naghanap na siya ng mapapasukan sa Maynila. Nakatyamba naman siya na nag-open ng branch ang highschool mate niya at na-hire siya bilang manager sa fastfood chain nito sa Makati. Sa nakalipas na taon ay nagpursige si Venice. Hanggang sa kalaunan ay nakamit na niya ang isa sa pangarap niya. Ang magkaroon ng sariling cafe sa tulong na rin ng malalapit niyang kaibigan at kakilala ay naging successful ang opening niyon. Inayos na niya ang higa dahil antok na antok na siya. Mag-a-alas dose na ng gabi. Sa pagpikit niyang iyon ay muling sumagi sa isip niya ang gwapong mukha ni Kenjie. Isang matamis na ngiti ang pumagkit sa labi ni Venice hanggang sa tuluyan itong hilahin ng antok. AGAD siyang binati ng mga staff niya sa cafe nang makita siyang pumasok. Dahil late na siya nakatulog ay mabigat ang pakiramdam niya. "Goodmorning Ma'am Santos, meron ho palang naghahanap sa'yo."Iyon ang bungad sa kanya ng cafe manager nila na si Chloe. "Sino?"taka niyang tanong. Napapaisip siya kung sino ang taong maghahanap ng ganoon kaaga sa kanya. Dumiretso na siya sa private office niya. Sa mga sandaling iyon ay gusto niyang maupo. Umagang-umaga ay sobrang init na mula sa labas. "Mr. Kenjie Ryu Buencamino ho raw Ma'am,"ani nito. Itinaas ni Venice ang mukha kay Chloe, nanlaki at halos hindi mapaniwalaan ng babae iyon. Hindi niya aakalain na ganoon siya kadaling matutunton nito. Sabagay, sobrang napakayaman nito. Napakadali lang rito ang mag-hire ng taong hahanap sa kanya. "N-nasaan siya?"nangautal siya. Pinigilan niya ang sarili na kabahan sa isipin na malapit lamang ang presensiya ng lalaking pinakaiwas-iwasan niya. "Eh, Maam nasa may balkonahe ho ng cafe. Doon ho kasi niya napiling umupo,"sagot nito. Mataman na nag-isip si Venice. Kinakabahan siya na ewan, muli niyang binalingan si Chloe ng nanatiling nakatayo sa harap ng desk niya. "Ano pa bang tinatayo mo diyan?" Mukhang nagulat pa ito sa pagtataas ng boses ni Venice. Mariin lamang ipinikit nito ang mata, manaka-naka niyang hinihilot ang sumasakit niyang sentido. Kilala kasing masungit si Venice kapag nasa sariling cafe niya. "Eh, Ma'am, pinapasabi po ni Sir Buencamino na hihintayin niya kayo roon. Gusto niya raw kayo makausap,"nanginig ang tinig ni Chloe. Napangiwi pa nga yata ito matapos magsalita. Napabuntong-hininga na lamang si Venice. Tila lalong sumidhi ang pagkirot ng ulo niya. "Okay, sige na... pupuntahan ko siya. In the meantime ay asikasuhin niyo muna siya,"utos ni Venice rito. Kahit naman ayaw niyang naroon si Kenjie ay hindi naman pwedi na paalisin niya ito ora mismo. Costumer pa rin nila ito, magiging bastos siya kapag isinali niya ang personal issues nila. Napaka-unpreffesional kapag ganoon. Matapos pa ang ilang pagpapakalma ay nagmadali na niyang inilabas ang make up kit niya at inire-touch ang mukha niya. Kahit naman maganda na siyang tignan ay mas minabuti pa rin niyang maging presentable pa. "Iyon nga ba ang totoong dahilan Venice o dahil gusto mo magandang-maganda ka sa harap ni Ken,"pilyang tukso ng isang bahagi niya. "Hell no!"nakanguso niyang sambit. Matapos niyang naglagay ng lipstick sa labi ay tumayo na siya. Tuloy-tuloy na siyang naglakad papunta sa terrace. Kinakabahan siya, ngunit ipinagpasalamat niyang nakaya niyang maging kalmado ng tuluyan nagkaharap silang muli ni Kenjie na kasalukuyan humihigop ng specialty nilang Venken. "Oh, hai! Goodmorning Mr. Buencamino. Ano pa lang maipaglilingkod ko sa'yo?"Agad na niyang tanong sa binata na mabilis na tumitig sa kanya pagkaupo pa lamang ni Venice sa harap niya. "Goodmorning Ven, you look beautiful by the way. Can you drop the formality sweety, mas prefer ko ang first name basis,"ani nito sa baritonong tinig. Kasabay niyon ang pagtaas ng sulok ng labi ni Kenjie habang mataman lamang pinapasadaan nito ng malagkit na titig ang kabuuan ng mukha ng babae. Hanggang sa napatutok iyon sa labi niya. Napalunok naman ng 'di oras si Venice, para bang tuyong-tuyo ang lalamunan niya. "Ahem! so, a-ano ba ang kailangan mo?" "Nothing, I just want to see you sweety. Namiss na kasi agad kita, lalo na iyong..."ibinitin pa ni Kenjie ang sasabihin. Ngunit kahit hindi magsalita ito ay agad na na-gets iyon ni Venice. Tutok na tutok pa rin kasi ang nagniningning na mata ng binata sa labi niya! Agad iniiwas ni Venice ang pansin rito. Tuluyan niyang pinagsalikop ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng lamesang pinag-isahan nila. "Pwedi ba Ken, busy akong tao. Wala akong oras sa mga trip mo. Kaya kung maari, nakikiusap ako na tigil-tigilan mo ako."Nagtaray na naman si Venice. "Ano ka ba naman Ven, ngayon pa na parehas tayong single. C'mon matatanda na tayo sweety, hindi mo ba bibigyan ng second thought ang offer ko na pakasalan ako." "Wala kang aasahan sa akin na sagot Ken, kaya please tigilan mo na ako. Maghanap ka ng mas babagay sa iyo,"matatag niyang sabi. "Hindi iyan mangyayari Venice, ngayon nakakasiguro akong magpahanggang ngayon ay mahal pa rin kita. Ang totoo, walang nagbago sa nararamdaman ko sa'yo k-kahit na nagkaroon ako ng ibang karelasyon sa States,"may bahid na lumbay sa tinig ni Kenjie. Habang si Venice ay hindi natagalan na makipagtitigan sa kaharap. Paano ba naman kasi, tila hinahalukay ang kaloob-looban niya sa paraan pa lang ng titig ng binata sa kanya. Kung hindi lang siya nakaupo tiyak niyang sasalampak siya sa baba. Nanginginig kasi ang magkabilang binti niya. "Trust me Ven, it will work now,"pakikiusap pa rin ni Kenjie na hinawakan pa ang palad ni Venice. Agad niyang inalis iyon mula sa pagkakahawak ni Kenjie. Para ba kasing nakaramdam siya ng kuryenti sa pagkadikit pa lang ng balat nila. "S-sorry Ken, pero marami pa akong aasikasuhin."Tumayo na si Venice. Katatalikod pa lang niya ng muli niyang maramdaman ang pagkapit ng kamay ng lalaki sa braso niya. Lalo tuloy inatake ng nerbyus si Venice. Kataka-kataka sa tagal ng pagkahilig niya sa kape ay ngayon pa lang siya nenerbyus. "Huwag mo naman ako basta tinatalikuran Ven, ang tagal kong hinintay ang panahon na 'tu na maging libre ka. Ngayon nakakasiguro akong wala ng babakod sa'yo hinding-hindi ko na hahayaan na taguan mo pa ako ulit katulad ng dati." Sa kaisipin na iyon ay naalala ni Venice kung paano siya pinatanggal ng Tita Reyya niya dahil sa nalaman nito na nakipag date siya sa binata. Pati ang pag-alis nila ng Batanggas ay plinano rin nito. Hindi niya alam kung bakit sagad hanggang buto ang pamamagitan ng kapatid ng ama na si Reyya sa kanila ni Kenjie. "Bitiwan mo ako! hindi sa lahat ng oras ay nakukuha mo ang gusto mo Ken. Kaya pwedi patahimikin mo na ako, lubayan mo na ako uli dahil mas okay na maging ganito lang tayo."Tuluyan na niyang iniwan ito matapos niyang matanggal ang kamay ng binata mula sa pagkakahawak sa braso niya. Dumiretso na siya sa opisina niya, kahit panay pa ang pagtawag ng pangalan ng lalaki sa kanya. SA araw na iyon ay napili ni Venice na magpunta sa sementeryo upang dalawin ang puntod ng Mama Vilma niya. Ngunit malayo pa lang ay kitang-kita na niya ang nakaupong bulto mula sa damuhan ni Kenjie. Hindi sa katulad ng huling pagkikita nila ay nakasuot lamang ito ngayon ng summer polo na kulay navy blue na may desinyo ng puno ng niyog. Habang nakasuot ito ng sumbrero, tanging short maong na beige ang pang-ibaba nito. Nakaputing rubber shoes naman ito ng mga sandaling iyon. Agad na inalis ng binata ang suot nitong sun glass ng makita siyang palapit. Iniikot niya ang mata, ngunit ng matitigan niya ang hubad na dibdib ni Kenjie dahil hinayaan na nakabukas iyon ng lalaki. "Susmaryusep! Ang sarap naman,"lihim na pagmumura ni Venice. "Hai sweety! y-you look fabulous."Sinipat-sipat pa ng binata ang kabuuan niya. Nakasuot lang naman siya ng kulay orange na summer dress na lalong nagpatingkad sa kaputian niya. Pero kung makatitig sa kanya si Kenjie ay para siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. "Hee! nambola ka pa, bakit ka ba narito?" "Dinadalaw ko si Mama Vilma, namiss ko kasi siya. Saka bumisita na rin ako kay Mommy,"tugon nito at inalalayan na siyang makaupo. " 'Di nga?"hindi pa rin naniniwala si Venice. "Totoo nga, bakit inaakala mo bang ini-stalk kita?"Ngiting-ngiti si Kenjie. "Ewan ko sa'yo." "Sa maniwala ka o hindi ay dumiretso ako rito. Pero Kahit hindi naman tayo nagkita rito ay pupuntahan kita sa cafe mo."Kumindat pa ang binata. "Aber Bakit?" "Tinatanong pa ba iyan sweety, dahil umpisa na ng panliligaw ko."Kumindat pa ito sa kanya. Agad naman niyang iniiwas ang mukha dahil namumula siya. "Ang tigas-tigas ng ulo mo."Iiling-iling si Venice. Nagulat pa siya ng bigla na lamang inilapit ni Ken ang bibig sa tainga niya. Kaya upang magtayuan ang pinong buhok niya sa may batok. "Mas may matigas pa diyan,"anas ni Kenjie kasabay ng pagtutok nito sa ibabang bahagi ng katawan nito. "Bastos!"Naisigaw na lamang ni Venice na panay ang tampal sa binata na panay ang salag ng braso nito. Nagtatawa na lang sila pagkatapos, dahil kung makaakto sila ay parang mga bata sila sa pinaggagawa nila. WALA ng nagawa si Venice kun'di ang makisakay sa kotse ni Kenjie pauwi. Paano ba naman na-flat ang gulong ng sasakiyan niya. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon, dahil bago siya umaalis ng bahay ay sinisiguro niyang okay ang sasakiyan niya bago bumiyahe. "S-salamat at pumayag kang makisabay ako,"paunang salita ni Venice na nakatutok ang pansin sa labas ng bintana. "Don't mind it, natutuwa pa nga ako ngayon kasi naalala ko. Dati panay pilit pa ako na ihatid kita sa inyo,"wika ni Kenjie. Hindi na lang umimik si Venice. Hinayaan niya lang sa pagmamaneho ito. "C-can I ask something Ven?"tanong ni Kenjie. "Ano?" "May gagawin ka ba tonight?" "Wala naman, bakit mo naitanong?"Agad pang iniwas ni Venice ang pagkakatitig sa binata. Sa totoo lang ay ayaw niyang nakikipagtitigan ng matagal dito. "Can I ask you for a date?"may pagkaasam ang tinig na nahimigan ni Venice. "Ken..." "Please, I'm begging. You know para makilala pa natin ang isa't isa,"casual na sabi ng binata. Mataman nag-isip si Venice. Isang ideya ang naisip niya. "Sure,"walang ano-ano'y pagpayag niya. "W-what? p-pumapayag ka Ven?"galak na sambit ni Kenjie. "Bakit ayaw mo?" "Gusto syempre, so sunduin kita ng alas-siyete ng gabi mamaya sa place mo?"nahinuha ni Venice ang excitement sa tinig ng kasama. Tumango na lang siya at matipid na napangiti. ISANG backless red dress ang isinuot ni Venice sa gabing iyon. Kung dati ay light make up lang naman ang inilalagay niya sa mukha ay iba ngayon. Halos walang kasing kapal niyon. Gusto niyang mangiwi sa nakikita mula sa salamin, dahil ibang-iba iyon sa nakasanayan niya. "Huwag kang mag-alala, para ito sa ikakatahimik ng lahat,"wika niya na nag-exhale at inhale mula sa kaharap na salamin. Maya-maya'y nakarinig siya ng sunod-sunod na doorbell sa ibaba. Kaya tuluyan na siyang napatayo mula sa pagkaka-upo. Umikot-ikot pa siya sa stand mirror na naroon. Habang naiiling niya ang ulo na pinagmamasdan ang naging out come ng pag-aayos niya ngayong gabi sa magiging date nila ni Kenjie. "Napaka-daring mo naman madaam!"kantiyaw ni Venice sa sarili. Tuluyan na niyang kinuha ang clotch bag niyang nakapatong mula sa kama niya. Humihimig pa siya habang pababa na siya ng hagdan. Tiyak niyang ikakagulat ni Kenjie ang ayos niya sa gabing iyon. Hindi nga siya nagkamali, dahil literal na natulala si Kenjie sa harapan niya ng tuluyan niyang pagbuksan ito ng pinto. Para mas maperfect pa niya ang palabas niya ay ngumuya pa siya ng bubble gum. "H-hai!"nauutal na pagbati ni Kenjie sa babae. "H-hello Ken, kanina pa kita hinihintay. Tara na!"Kasabay nito ay agad ng ikinawit ng babae ang kamay sa braso ng binata. Mukhang nagulat pa ito sa ginawa niya, ngunit walang kapaki-paki si Venice. Pinagbuksan na nga siya ni Kenjie ng pinto ng kotse nito at tuluyan na nitong pinaandar iyon. Agad ng nakialam si Venice sa harapan ng kotse ni Kenjie. Binuksan niya iyon at itinutok sa isang station ng radyo. Itinigil niya iyon sa isang rock music na station. Halos nilakasan niya rin ang volume niyon. Hindi na niya tinanong pa kung okay lang sa binata iyon. Iginalaw-galaw pa ni Venice ang ulo. Naiiling na lang si Kenjie at lihim na napapangiti. Hanggang sa tumigil sila sa isang Disco house. "B-bakit dito?"takang-tanong ni Venice. "Naisip ko kasi na baka mas prefer mong dito pumunta,"wika ng binata na nag-alis na ng seatbelt. "Okay, sige!"Muntik na siyang sumimangot. Dahil hindi naman iyon ang dapat nasa plano niya. Gusto sana niyang dalhin siya ni Kenjie sa isang class na restaurant at gagawin niyang kahiya-hiya ang magiging date nila. Ngunit mukhang hindi umubra ang plano niyang mapa-turn off ang lalaki sa kanya. Magkagayunman ay hindi nawawalan ng pag-asa si Venice. Tuluyan na nga silang pumasok sa loob. Agad silang sinalubong ng ingay galing sa naglalakihang stereo ng mga uso na tugtugin ngayon. Maging ang magagaslaw at nagkikislapan na ilaw na nakakalat sa kisame ng disco house na pinuntahan nila ay nakakahilo pagmasdan para kay Venice. Ngunit kailangan niyang sanayin ang sarili para sa maging maayos na matupad ang plano niya sa gabing iyon. "What do you want to order Ven?"tanong ni Kenjie na agad hinapit ang beywang ng babae. Gusto man bumitaw ni Venice ay hindi niya ginawa. Hahayaan niya muna itong mag-enjoy sa ngayon. "Anything Ken, pero gusto ko ng drink,"sagot ni Venice na linakasan pa ang boses para marinig siya ng kasama. "Okay sweety."Tuluyan na nga itong nagtawag ng waiter. Inabala na lamang ni Venice ang sarili sa pagmamasid. Pasimple niyang tintignan ang mga taong naroroon. Hanggang sa naagaw ng pansin niya ang lalaking nasa dulo. Agad ang pagkindat nito sa kanya ng magkasalubong ang mata nila. Matipid lamang nginitian iyon ni Venice. "Ehem, Ven andito na ang order natin. Let's eat!"Pang-aagaw ng pansin ni Kenjie. "Okay."Gustong masiyahan ni Venice dahil huling-huli niyang nakita sila ni Kenjie at ng lalaking nakatitigan lang naman niya. Makaraan ang ilang minuto ay tuluyan silang natapos. Inumpisahan na nilang inumin ang drinks na dinala ng waiter. Napatingin si Venice sa matapang na iniinom ni Kenjie. Magmula ng matapos sila ay tila naging mailap ito. "Tara sayaw tayo!"Yakag ni Venice. "Sige, ikaw na lang Ven. Ubusin ko lang 'tu,"wika ni Kenjie. Nagkibit na lamang ng balikat si Venice at tuluyan nang nagpunta sa dance floor. Sa isang kamay niya'y hawak-hawak niya ang vodka drink na iniinom niya. Kahit first time niyang makapasok sa ganoong klaseng lugar ay madali na lang naman siyang nasanay. Maya-maya'y napaindak na siya, maging ang pagtama ng alak sa huwisiyo niya ay naramdaman niya. "Hai miss mukhang wala kang kapareha?"tanong ng lalaking tumabi sa kanya. Kahit nahihilo na ay nakilala pa rin niya ito ang lalaking nasa bandang dulo. "Oo eh, wala yata sa mood makipagsayaw ang kasama ko,"ani ni Venice. Nilingon pa nito ang pwesto kung saan sila nakaupo ni Kenjie. Ngunit wala ito roon. Ibinaling na lamang ni Venice ang atensyon sa lalaki. "Ako nga pala si Jonathan Silvano, but you can call me Jon..."pakilala nito sa sarili. "Ako naman si Venice Santos."Ilalahad na sana ni Venice ang kamay niya ng makita niyang umakbay si Kenjie kay Jonathan. "Andito ka rin pala Nathan, magkakilala na pala kayo ni Ven."Agad na pakikisali ni Kenjie. "Ikaw pala bro, oh, I see ikaw ang kasama ni Venice? Kung hindi mo naitatanong Ven matalik kaming magkaibigan nito." "Ganoon ba."Pilit na pilit ang ngiti ni Venice ng mga sandaling iyon. Hindi niya inaasahan na magkaibigan pala ang lalaking magagamit niya sana sa palabas na naiisip. Dahil sa kalituhan ng isip at sa dahil hindi siya sanay uminom ay hindi na niya maalala ang sumunod na pangyayari. Para bang biglang umikot ang buong paligid niya at bigla na lang siyang natumba. Kinurap-kurap pa ni Venice ang mata, matapos niyang makulong sa bisig ni Kenjie dahil sa pagsalo nito sa kanya. Ang sumunod na nangyari ay hindi na niya maalala, sapagkat tuluyan siyang nawalan ng malay. PAGKAGISING ni Venice sa umagang iyon ang unang bumungad sa kanya ay isang estrangherong silid-tulugan. Mabilis siyang napa-upo sa kama at mabilis na itinakip sa katawan niya ang makapal na blanket. Sunod-sunod siyang napatili, dahil kitang-kita niya na ibang damit na ang suot niya sa mga sandaling iyon. Patuloy siyang nagtitili at nanlaki ang mata niya dahil sa biglang pagpasok ni Kenjie Ryu na tanging suot lamang ay ang puting tuwalya na nakapulupot hanggang sa may beywang nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD