CHAPTER SIX

3934 Words
AGAD itong nilapitan ni Kenjie, ang gagawin sanang pagpapakalma ng binata ay hindi nangyari. "Diyan ka lang! d-don't touch me!"hysterical pa rin sambit ni Venice. "Ano bang nangyayari sa'yo Ven, bigla ka na lang kasi nagsisigaw." "Tinatanong mo pa? Hoy! b-bakit ganito ang suot ko? M-may ginawa ka ba sa akin habang tulog ako?"sunod-sunod niyang tanong. "Sweety it's not what you think..." "Tama ang sinabi ni Ken Manang, for your information ay andito kayo sa condo ko. Dito ka niya idineretso kagabi, saka ako rin ang nagpalit sa'yo. Kaya pwedi 'wag kang assuming,"mataray na pakikisali ni Valeene na kapapasok pa lamang sa silid. Natahimik naman si Venice at agad iniiwas ang pansin. "Hey! chill Val! umagang-umaga naha-high blood ka,"ani ni Kenjie at agad na nilapitan ang secretary. "That manang...akala mo naman kung sinong maganda. Siya ba iyong sinasabi ni Jon na babaeng hinahabol mo fifteen years ago."Nakasimangot na sabi ni Valeene habang ibinibigay nito sa binata ang damit na suot kagabi ni Venice. "Y-yes."Ipinatong naman iyon sa kama ni Kenjie at nagpaalam na sa dalawang magsa-shower. Habang ang dalawang babae ay naiwan naman doon. "So Ikaw nga ang babaeng kinahuhumalingan ni Ken dati pa,"muling nasabi ni Valeene matapos na lumabas at nakapagpalit si Venice sa banyo. "Oo bakit?"diretsa niyang sabi. Sa unang pagkikita pa lamang niya rito ay agad ng bumangon ang pagkainis ni Venice rito. Kung mataray ito mas mataray siya iyon ang isinasaisip ni Venice habang nakikipagtitigan sa babae. Isang mapaklang tawa lang naman ang ibinulalas ni Valeene. Kaya upang lalong uminit ang gulugod niya. "Akala ko kasi pang universe ang dating at makinis. Katulad ng babaeng nai-i deyt niya sa States, hindi ko naman aakalain na gurang na pala..."pangungutya ni Valeene sa kanya. "How dare you!"Akmang susugurin ni Venice ito ng bigla niya rin napigilan ang sarili. "Oh, bakit hindi mo ituloy? takot ka?" Muli niyang inayos ang sarili, at tinitigan ng diretso si Valeene na matalim ang pagkakatitig sa kanya. "Sorry, dahil type ako ni Kenjie Ryu. Kung may problema ka roon sa kanya ka magsabi. Sa tingin ko pa naman ay edukada kang babae, pero sa ipinapakita mo ngayon nag-iba na iyon. By the way, thanks sa pag-aasikaso mo sa akin kagabi, tatanawin kong utang na loob iyon sa'yo."Saka siya dire-diretsong lumabas. Hindi na niya pinagkaabalahan kausapin si Kenjie. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya sa ngayon, dahil sa mga nasabi sa kanya ni Valeene. Pumara na siya ng taxi at agad na nagpahatid sa bahay nila. Pinunasan niya ang luhang nagmalabis sa pisngi niya. Wala naman siyang dapat maramdaman sa sinabi ni Valeene dahil totoo naman ang mga pinagsasabi nito. Matanda na siya, kaya mas lalong hindi na sila pwe-pwedi ni Kenjie. Isang tao pa lang ang nagsasabi niyon sa kanya paano pa kaya kapag ibang tao na ang magpapamukha sa kanya niyon. Ngayon pa lang ay nasasaktan na siya. ILANG araw ng nagpabalik-balik si Kenjie Ryu sa cafe ni Venice at sa tuwing nagpupunta siya roon ay parating wala ang babae. "Pwedi ba huwag niyo na lang itago sa akin si Venice, alam kong nandiyan siya sa opisina niya,"mariin ang mga katagang nanulas sa labi ni Kenjie. "Ken, baka naman nagsasabi ng totoo ang mga tauhan ni Venice. O, 'di kaya pinagtataguan ka na niya,"agaw-pansin ni Valeene mula sa likuran niya. "What do you mean?" "Baka naman kasi, ayaw ka na niya talagang makita. Ken, madami naman diyang iba... Bakit hindi na lang sa iba mo ibaling ang pagkagusto mo sa kanya,"nahimigan ni kenjie ang nakikiusap na tinig nito. "Hindi mo naiintindihan Val, mahal ko siya. Antagal kong naghintay ng tamang pagkakataon. Saka ginawa ko na rin naman iyang sinasabi mo noong nasa states pa ako. I've dated so many woman, pero wala ni kahit isa sa kanila ang nagpabago ng nararamdaman ko sa kanya. Siya pa rin hinahanap ng puso ko." Iiling-iling naman na napatalikod si Valeene. "Kapag tapos ka na diyan, nasa kotse mo lang ako Ken."Saka ito naglakad palabas ng cafe. Sa ilang ulit na pagparoon ni Kenjie ay parating nakabuntot si Valeene. Hindi naman niya maipagtabuyan ito dahil wala naman itong ginagawang masama, bagkus sinasamahan lang naman siya. Muli niyang kinulit si Chloe na nakatungo lang sa counter, pinagtitignan na rin siya ng ibang costumer na bumibili. Wala na siyang nagawa kung 'di ang tuluyan lisanin ang cafe. Sa pag-andar naman ng sasakiyan ni Kenjie paalis ay nanatiling nakasilip si Venice sa may tinted na bintana. Nahahapo siyang naupo sa swivel chair niya. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya pagtataguan ang binata. AGAD ang panlalaki ng mata ni Venice ng madatnan niya mula sa labas ng garrage niya si Kenjie. Kasalukuyan itong nakasandig sa may kotse nito. Ipipihit na sana niya ang kotse palayo ngunit nakita na ng binata ang kotse niya. Kitang-kita ni Venice ang pagliwanag ng mukha ni Kenjie ng makababa na siya ng sasakiyan. "Thanks God! Akala ko hindi na kita makikita Ven. I miss you..."Kasabay niyon ang mahigpit na pagyakap sa kanya ni Kenjie. "Please, don't do that..."malamig na tugon ni Venice na pinagtakhan ni Kenjie. "W-why, a-akala ko ba okay na tayo Ven."Kitang-kita ni Venice ang pagraan ng pait sa mukha ng binata. Alam niyang nasasaktan niya ito. Ngunit ayaw niyang mas masaktan pa ito kapag nagtagal. "Ano bang problema Venice, ginagawa ko naman ang lahat para maging deserved sa'yo. A-ano pa bang kulang?"nagsusumamo na ang tinig ni Kenjie. Halos lumuhod na rin ito sa paanan niya. Nag-umpisa ng pumatak ang ulan. "Pakiusap Ken, don't make it hard for us. Makakalimot ka rin, mas may ibang babaeng karapat-dapat sa'yo. Hindi s-sa isang katulad ko na disgrasiyada na nga, gurang pa." "No! Bakit ba ganyan ang tingin mo sa sarili mo sweety. Tinanggap ko ang lahat-lahat sa'yo, wala akong pakialam kong mas matanda ka sa akin o what so ever. Ito, itong nararamdaman ko sa iyo ang importante Venice at walang magbabago iyon kahit ilang beses mo akong ipagtabuyan." "Sorry pero 'di ko kaya, umalis ka na!"Kasabay niyon ang pag-alis ni Venice sa kamay ni Kenjie na nakahawak sa braso niya. Tuluyan na niyang iniwan sa labas at pumasok na siya sa loob ng bahay niya. Kasabay ng mabigat niyang pag-iyak ay ang malakas na pagbuhos ng ulan sa labas, na tila nakikiayon sa pinagdadaanan niya. MATAMAN lamang tinitigan ni Venice ang mukha ni Kenjie ng mga sandaling iyon. Hindi niya aakalain na magpapakabasa sa ulan si Kenjie. Hinintay siyang lumabas, isang kapitbahay nila sa village ang nakakita rito na nakahandusay na sa semento. Habang patuloy ang malakas na ulan. Kaya hindi na siya nag-atubili na ipasok sa loob ng bahay niya ang binata. In fact ay siya ang dahilan kung bakit ito inaapoy ng lagnat ngayon. Gusto sana niyang dalhin ito sa hospital pero nagmatigas si Kenjie. Kaya wala na siyang choice, kinailangan ni Venice na palitan ng damit ito. Halos tigbi-tigbi ang pawis at nanginginig ang kamay niya habang inaalis niya ang mga kasuotan ni Kenjie. Hindi naman nakaligtas sa mata niya ang perfect abs nito! Kulang na lang ay tuluan siya ng laway ng patuloy niyang damhin ang mga iyon! Nang marinig niyang umungol si Kenjie ay napapahiya niyang tinanggal ang kamay. Kitang-kita niya ang pilyong ngisi sa labi ng binata nahuli siya sa akto na nagnanasa sa katawan nito. "Venice, baka naman matunaw ako sa kakatitig mo,"pilyong sabi ni Kenjie na nanatiling nakapikit. "Huh! in your dreams! Diyan ka na nga! Nilalagnat ka na nga nakukuha mo pa akong loko-lokohin!"Akmang tatayo siya ng mabilis siyang nahawakan sa kamay ni Kenjie. Kagiyat na nanulay ang init mula roon, ewan niya kung dahil lang sa nilalagnat ito. "Ito naman hindi na mabiro, anyway thank you for taking care of me sweety,"malambing na anas ni Kenjie na malagkit na malagkit ang pagkakatitig sa kanya. Ewan ba ni Venice mukhang nahawa na siya sa lagnat ni Kenjie dahil hindi niya maiwasan mag-init. "Ahmmm, okay lang iyon. Kasalanan ko naman kung bakit nangyari sa iyo 'yan. Basta magpagaling ka, sige sa silid na lang ako ni Casven matutulog."Pagpapaumanhin ni Venice. "Ven, can I ask a favour?"tanong ni Kenjie kaya upang matigil ang balak niyang pag-alis. "Ano iyon?" "Can you stay with me tonight. Promise I behave." Nag-isip si Venice kung papayag ba siya o hindi hanggang sa hindi na niya namamalayan na tumabi na siya sa binata. Maging ang pag-usog at pagyakap nito sa may beywang niya ay hinayaan na lang din niya. Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas. Sa mga sandaling iyon ay tulog na tulog na rin si Venice. Habang si Kenjie ay walang humpay na pinagmamasdan ang payapang mukha ng mahal niya. Naalala niya ang itinanong sa kanya ni Valeene kahapon sa mismong opisina niya. Kung ano raw ang nakita niya kay Venice. Hindi niya iyon masagot dahil magpahanggang ngayon ay hinahanap niya ang sagot doon. Ngunit habang tumatagal na tinitigan niya ito na natutulog sa tabi niya ay doon niya naiisip ang sagot sa tanong ng best friend niya. Sa tingin ng iba ay hindi karapat-dapat si Venice para sa kanya. Pero para sa binata ay ang isang katulad ni Venice lang ang tanging hangad niya sa mundo. "Mabuhay man ako uli, siya at siya pa rin ang pipiliin kong mahalin at makasama sa habang-buhay..."bulong ni Kenjie habang pinagmamasdan ang kabuuan ng mukha ni Venice. Isang masuyong halik sa noo ang iginawad niya sa natutulog na babae pagkatapos ay tuluyan na siyang hinila ng antok. PAGGISING ng umagang iyon ni Venice ay mataas na ang sikat ng araw. Unti-unti siyang napaupo sa kanyang kama, inilibot niya ang tingin. Wala na roon si Kenjie, nakaramdam siya ng kahungkagan sa isipin na nakaalis na ito. "Hindi ka man lang nagpaalam sa akin?"malungkot na usal ng kataga ng babae. Hindi niya inaasahan na makakaramdam siya ng kung ano. Dahil dapat wala na siyang pakialam doon. Iyon ang tama, wala naman silang relasyon at dapat ikasiya niyang mukhang nagising na si Kenjie sa kahibangan sa kanya. "Goodmorning sweety! here's your breakfast, I made you tapsilog. Pasensya na, iyon lamang kasi ang nakita kong pweding lutuin." Hindi agad nakapagsalita si Venice dahil nagulat siya sa biglang pagpasok nito. Parang tumaba ang puso niya ng makita niyang hawak-hawak ng gwapong binata ang tray ng magiging umagahan niya. Nag-iinit ang mukha niyang iniiwas ang pansin sa hubad na dibdib ni Kenjie. Para bang tuyong-tuyo ang lalamunan niya. "Ah, eh, sorry naging busy lang lately kaya nakalimutan kong maggrocery. Ahem! hindi ka ba magsusuot ng t-shirt mo, baka malamigan ka. Umagang-umaga, baka baka balikan ka ng lagnat mo,"nate-tense ang tinig ni Venice linangkapan niya ng pagsusungit ang tinig niya. Buhat sa pagmamasid ay napansin ni Venice ang pagtaas ng sulok ng labi ng binata na tila naeenganyo pa ito sa pagkataranta niya. "Don't worry Ven, magaling na magaling na ako. Magaling yata ang nurse ko!"Kasabay niyon ang lantaran pagkindat sa kanya. Na lalong ikinamula pa ng babae. Tuluyan na nitong inilapag sa kama ang tray. "Asus! nambola ka pa. Teka... ba't parang napakadami naman nitong niluto mo?"taka niyang tanong. Hinanap niya ang mga kutsara't tinidor pero mukhang nakalimutan magdala ng binata. Pinili na lang niyang damputin ang pineapple juice na nasa baso. "Of course, ginawan ko na rin ang sarili ko sweety. Share na lang tayo."Saka nito inumpisahan na subuan siya ng siningag nitong kanin na sinamahan na nito ng hotdog at sunny side up na itlog. Hinayaan na lamang ni Venice na subuan siya ni Kenjie, katulad ng dati ay sarili na naman kamay nito ang gamit. Muli na naman binalot ng kakaibang damdamin ang buong sistema niya sa tuwing ginagawa iyon sa kanya ng binata. Hindi na nila namalayan na naubos na nila ang pagkain sa plato, dahil panay lamang sila sa kwentuhan kanina habang kumakain. Tumayo na siya sa kama at siya na ang nagpresenta na maghugas ng kinain nila. "Kung gusto mong magshower Ken, mauna ka na."Taboy ni Venice. Nanatili kasing nasa likuran niya ito at patuloy lang siyang pinapanuod sa ginagawang paghuhugas sa sink. "A-ayaw mo bang sumabay sa akin?"pilyong tanong ni Kenjie na ikinanlaki ng mata ni Venice. "Heee! manigas ka! Huwag mo nga akong binibiro ng ganyan!mauna ka na doon!"Kasabay niyon ng pagsaboy ni Venice rito ng sabon galing sa sabon na pinaghuhugasan nito ng plato. Tatawa-tawa naman si Kenjie sa naging reaksyon niya. "Akala ko kasi, makakalusot ako."Ngingiti-ngiti ito matapos na mahimasmasan sa pagtawa. Iniikot naman ni Venice ang mata at nagpunas na ng basang kamay mula sa towel sa may refrigerator. Agad naman sumunod si Kenjie matapos na dumiretso si Venice palabas ng kusina. "May gagawin ka ba mamayang gabi Ven? Pwedi ba kitang maimbitahan uling lumabas?"Habol nito sa kanya. "Ken... diba't sinabi ko na tigilan mo na ako,"nakikiusap ang tinig ni Vence. Bigla naman ang paglambong ng mukha ni Kenjie na hindi naniniwala sa sinabi niya. Iniiwas na lamang ni Venice ang pansin rito. Tuluyan na niyang kinuha sa harapan ng bahay niya ang dyaryo. Binuklat niya iyon at itinutok na lang ang pansin roon. Napansin niyang umakyat si Kenjie mula sa itaas. Maya-maya ay nakita niya muli ang tuluyan pagbaba ng binata mula sa hagdan. Sa mga sandaling iyon ay suot-suot na nito ang pinatuyo niyang kasuotan nito kahapon na nabasa kagabi. Napansin niya rin na nag-quick shower din ito dahil basa ang buhok nito at amoy na amoy niya ang bath soap niya lang naman. "Aalis na ako sweety, susunduin na lamang kita mamaya,"pinal nitong sabi sa babae. Upang tuluyan iangat ni Venice ang mukha sa direksyon ni Kenjie. "A-ano bang sinasabi mo Ken, hindi ba't nakapag-usap na tayo? Please can we just remain friends. " Naglakad naman ito palapit sa kinaroroonan sofa ni Venice. Kung 'di napigilan ng babae ang sarili ay tiyak niyang mapapasinghap pa siya sa biglang paghawak ni Kenjie sa pisngi niya na marahan hinimas lang naman nito. Ang init na nanulay doon ay nagpalambot sa buong kalamnan niya. "Yes... maliwanag naman sa akin lahat iyon. Hindi na ba tayo pweding lumabas bilang magkaibigan lang naman?"nakakalukong sambit ni Kenjie na titig na titig sa mata ni Venice. Tila napapaso ang babae sa titig na ipinupukol ng kaharap niyang lalaki para putulin niya ng tuluyan ang pagkakahugpong ng titig nila. "O-okay."Wala na ngang nagawa si Venice kung 'di pumayag sa nais ng lalaki. Nang makaalis si Kenjie ay nahahapong isinandig na lang ni Venice ang likuran sa sofa. Kung lagi pa rin naman nangungulit si Kenjie na makipagkita sa kanya ay lalo lang siyang mahihirapan na dumistansiya rito. "Bakit ba ang kulit-kulit mo. Malapit na malapit na akong maubusan ng magiging dahilan sa'yo para tanggihan kang lumabas..."naibulong ni Venice na nakatitig mula sa kisame. Ang matamis na ngiti ay nanatiling nakapagkit sa labi niya. BAGO siya umuwi upang maghanda sa gagawin nilang paglabas ni Kenjie ay ginugulgol na muna ni Venice ang sarili sa cafe shop niya. Takang-takang nga ang mga staff niya sa kakaibang sigla niya sa araw iyon. Sa buong maghapon na pamamalagi niya sa cafe ay hindi nakarinig ang mga ito ng sermon niya. Bagkus, puro positive comments ang ibinibigay niya sa mga staff niya na ikinatuwa naman ng mga ito. Bago tuluyan umuwi ay dumaan muna siya sa puntod ng Mama niya. Ikwenento lang naman niya rito ang mga naging araw niya. Kahit paano ay nagkaroon ng kaliwanagan at lakas ng loob na siya na harapin ang mga taong huhusga sa pagiging malapit nila ni Kenjie. Matapos ang ilang sandali na pagmumuni sa sementeryo ay tuluyan na siyang nagpaalam sa ina. Payapa siyang nagbiyahe papunta sa beauty salon na pagmama'y ari ng isa sa malalapit niyang kaibigan na si Sophia. Feel niyang magpahair cut at highlights ng buhok. Pati pedicure at manicure sa kuko niyang matagal niyang hindi naaasikaso ay ipapaayos niya rin. Magiging abala siya panigurado, gusto niyang maging magandang-maganda ngayon gabi. Hindi lang para kay Kenjie at sa mga taong maaring madatnan nila sa kung saan man siya nito dalhin. Kun'di para rin sa sarili niya ang gagawin, dahil ayaw niyang madis-appoint ang binata. HINDI alam ang gagawin ni Venice sa mga sandaling iyon. Ngingiti ba siya o hindi? Paano ba naman kasi, hindi ine-expect ng babae na family reunion ng pamilya ni Kenjie ang pupuntahan nila mismo. Akala niya ay hindi na siya muling babalik sa Buencamino Seafood Restaurant. Pero mukhang nakatadhana na yatang pumunta siya ulit roon, dahil na rin sa binata. Kung alam lang sana ng babae na doon siya dadalhin ni Kenjie ay hindi siya papayag na sumama ngayon gabi. "Are you alright sweety?"Kenjie ask. "O-oo naman,"pinilit niyang pinasigla ang tinig. Magmula ng dumating sila sa party ay hindi pa sila nauupo. Paano ba naman kasi, abala pa rin si Kenjie sa pakikipag-usap sa mga kamag-anakan nitong sumasalubong sa kanilang pagdating. Saan man siya tumingin ay alam ni Venice na maiimpluwensiya at may masasabi sa lipunan ang ilan sa mga kamag-anak ng binata. Kaya lalong nanliit si Venice sa sarili. Hustong natanaw niya mula sa may 'di kalayuan ang Tita Reyya niya na napagawi rin ang tingin sa kanya. Napahinto siya at hindi nakapaglakad, kaya maging si Kenjie ay napansin din ang pagtigil niya. Tuluyan nitong hinayon ang tingin sa direksyon kung saan nakatitig ito. "May problema ba Ven?"tanong ni Kenjie. "W-wala naman Ken, s-siguro mas magandang umuwi na lang ako,"lantaran amin ni Venice. Gusto pa sana niyang idagdag na hindi niya gustong makaharap ang Tita niya. Ngunit wala na siyang pagpipilian dahil kanina pa sila napansin nito at ngayon ay naglalakad na palapit sa kinaroroonan nila. "Oh, kumusta iho?"pagbati ni Reyya na nakipagbeso-beso pa sa binata. Habang si Don Kristoff naman ay niyakap lang naman ng binata. "Okay naman Tita, by the way meet my date tonight. Your neice, Venice..."pagpapakilala naman ni Kenjie sa kanya. "Oh, is that really you Venice? Hindi kita agad nakilala."Saka ito pekeng nagtatawa. "Nice to see you again Tita, hello Sir Buencamino goodevening ho,"pagbati naman ni Venice na pinilit na ngumiti pagkatapos. Alam niyang hindi siya gusto ng Tita niya na nasa party ng mga ito. Noon pa man ganito na ito, magkagayunman ay labis niyang ikinatutuwa na maayos na ang pakikitungo ni Kenjie at ni Tita Reyya niya. "Ikaw na ba iyan iha, wow! parang hindi naman nagbago ang itsura mo noong huli tayong nagkita. Kaya hindi ko masisi itong nag-iisa kong anak na si Kenjie na mahumaling sa'yo iha." "Hindi naman ho, salamat sir."Namumula sa mga sandaling iyon si Venice. "Siya nga pala iha, narito pala si Arturo at Seth. Hindi mo ba sila babatiin?"wika ni Reyya. Napawi naman ang ngiti sa labi ni Venice. Sa sandaling iyon ay tuluyan nasira ang gabi niya. "Anyway, enjoy the party may kakausapin lang kami..."pamamaalam ni Reyya na tila natuwa sa naging reaksiyon ni Venice. "Okay ka lang?"tanong naman ni Kenjie nang mapansin nito ang pananahimik niya. "Oo okay lang ako,"maikling tugon niya. "Sino pala iyong sinasabi ni Tita Reyya na Arturo at Seth, Ven?"tanong ni Kenjie matapos silang makaupo sa isang lamesa na nakakalat doon. "Huwag mo ng itinanong, ang mabuti pa'y ihatid mo na ako Ken."Nakasimangot niyang tugon. "But Ven, kadarating lang natin,"segunda nito. "Sumama ang pakiramdam ko,"palusot ni Venice. Tuluyan nitong kinuha sa waiter ang isang baso ng champagne na ipinarada nito sa harapan nila. "Okay sige, wait at magpaalam lang ako kina Dad,"tugon ni Kenjie. Akma itong tatayo ng isang lalaking may edad na ang huminto sa may table nila. May kasama itong lalaki na marahil umeedad ng earliest twenties. Kung sa unang tingin ay man version ni Venice ito. "Kumusta ka iho, kasama mo pala ang unica iha ko, siya nga pala ako si Arturo Santos at ito naman si Seth bunso ko,"bati ni Arturo sa binata. Agad naman nakipagkamay si Kenjie sa lalaki at sa kasama na rin nito. Ngunit hindi hinawakan ni Seth ang kamay ni Kenjie na nakabitin sa ere. Pinasadaan lamang siya ng binata mula ulo hanggang paa. "Just call me Dad kapag uuwi ka na, may pupuntahan pa ako."Kasabay niyon ay agad na itong tumalikod at dumiretso palabas ng Restaurant. "Pasensya ka na iho, ganoon talaga iyon. S-siya nga pala iha, a-anak Venice. Kumusta ka na?"baling ni Arturo sa tahimik na babae. Nanatiling nakaiwas ito ng pansin, hindi nito inimikan ang ama. "Masama po ang pakiramdam ni Ven Tito, sige po gusto na rin niya pong magpahatid pauwi,"pagpapaumanhin ni Kenjie. Naramdaman niya ang pagtapik ni Arturo sa balikat niya matapos na tumayo at maglakad palayo ni Venice. Hiindi na siya hinintay nito. "Ayos lang iho, sige at baka mainip ang anak ko. Ingat sa pagmamaneho at saka ikaw ng bahala kay Venice,"nasa tinig ng matandang lalaki ang pagtitiwala sa binata. "I will Tito, thank you."Nagagalak si Kenjie dahil para na rin binigyan permiso siya nito sa pag-aalaga kay Venice. Tuluyan na niyang sinundan si Venice. Agad naman niyang nakita ito na nasa tabi ng kaniyang kotse. Napansin niya rin ang mabilis nitong pagpunas ng luha sa magkabilang pisngi. "A-antagal mo naman,"biglang sabi ni Venice. "Sorry sweety, nagpaalam pa kasi ako kina Dad,"tugon niya. Matapos iyon ay tuluyan na niyang pinagbuksan ng pinto si Venice. "Ayos ka lang ba?"tanong ni Kenjie habang patuloy siyang nagmamaniobra ng kotse paalis ng sarili nilang restaurant. Manaka-nakang tintignan ni Kenjie ang katabi na nasa labas ang pansin. "Kung gusto mo ng makakausap narito lang ako Ven..." "Pwedi ba huwag mo na lang ako kinakausap Ken,"masungit na sabi ni Venice. "C'mon sweety mas luluwag ang pakiramdam mo kung ibabahagi mo iyan sa iba. Naalala mo noong pinapayuhan mo ako dati,"pag-a-assurance ni Kenjie. "Magkaiba tayo Ken, kaya pwedi hayaan mo na lang ako!"Nagulat man sa tono na ginamit ni Venice ay ipinagwalang-kibo na lamang iyon ni Kenjie. Napabuntong-hininga na lamang ito at itinuon na lamang ang atensyon sa pagmamaneho. Makalipas ang kalahating oras ay narating na nila ang bahay ni Venice. Napatitig na lamang si Kenjie ng mabilis na tinanggal ng huli ang seatbelt at tuluyan lumabas ng kotse nito na hindi man lang siyang pinagkaabalahan kausapin. Nagmadali naman na bumaba at sinundan ito ng binata. Bago pa mabuksan ni Venice ang maliit na gate ay nahawakan pa niya ang braso ng babae. "G-galit ka ba Ven?"nag-aalalang tanong ni Kenjie. "Hindi, sige na. Maaga pa akong pupunta sa Cafe,"malamig na sagot niya rito. "Susunduin kita bukas rito sweety,"malambing na habol ni Kenjie na tuluyan nang binitiwan ang hawak-hawak na braso ni Venice. Unti-unti naman napaharap ito sa binata. "No need Ken, ngayon pa lang pinipigilan na kita. Huwag ka ng mag-abala, dahil hindi na kita gustong makita pa!" Para bang sinasakal si Kenjie ng mga sandaling iyon at hindi siya makahinga ng maayos. "Ven..."Nasa mukha ni Kenjie ang pagkalito. "Narinig mo naman ang sinabi ko diba? Umalis ka na, huwag ka ng magpapakita sa akin. Hindi na kita gustong makita pa!"Galit na ang tinig ni Venice. "Hindi kita maintindihan Venice, may hindi ka ba nagustuhan sa sinabi ko. Tell me, huwag naman ganito na ipagtabuyan mo ako. Mahal na mahal kita,"pagmamakawa ni Kenjie. Ngunit hindi natinag si Venice. "Tama na napapagod na ako Ken, umalis kana!"Kasabay niyon ang pagtalikod at pagpasok ni Venice sa loob ng bahay nito. Ilang minuto pang nakatayo si Kenjie doon hanggang sa tuluyan na itong napasakay muli sa kotse. Sa ilang ulit na pagtataboy sa kanya ni Venice ay dapat sanay na siya sa ginagawang pagbabalewala sa kanya nito. Patuloy pa rin niya kasing nadarama ang kakaibang pait na rumaraan sa dibdib niya sa tuwing ipinagtatabuyan at nasasaktan siya ng mga salita ng babaeng mahal niya. Gustuhin man niyang sundin ang ipinag-uutos ni Venice pero nanatili pa rin nagmamatigas ang puso niyang nagmamahal ng lubos sa babae. Dahil ipagtabuyan man siya ng ilang beses kusa pa rin siyang babalik para makita si Venice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD