CHAPTER SEVEN

3709 Words
KASALUKUYAN nasa ituktok ng bundok si Venice. Naisipan niyang maglagi muna roon para maiwasan si Kenjie. This past few days ay lalong naging masigasig si Kenjie sa panliligaw sa kanya. Lalo itong nagpursige na mapa-oo siya. Hindi na alam ni Venice ang gagawin na pagtataboy sa lalaki. Hindi niya matukoy kung paano at laging nalalaman nito ang schedule niya. Napag-alaman na lang niya na kinakuntyaba nito si Chloe. Kaya pati sa pagpunta sa Cafe niya ay iniwasan niya rin. Tanging sa phone call at email na lang niya ipinadadaan ang lahat ng transaction sa loob ng business niya. "Ano pa ba kasing kailangan kong gawin para layuan mo ako Ken!"Sigaw ni Venice sa ituktok ng bundok. Kahit magsisigaw siya roon ay walang makaririnig sa kanya. Pinapalibutan lamang siya ng mga punong-kahoy at damong ligaw sa paligid. Sa pagkakadiskubre niya sa lugar na iyon ay tuluyan siyang na-inlove sa magandang tanawin na makikita doon. Sadiyang payapa at tahimik ang lugar kaya kahit paano ay nagkakaroon ng piece of mind si Venice. Napapikit siya at tuluyan napalanghap ng sariwang hangin. Tuluyan niyang inihiga ang sarili sa damuhan, pinupuno niya ng sariwang hangin ang baga niya na galing sa bundok na kinaroroonan. "Sinasabi ko nga ba dito kita makikita sweety,"ani ng pamilyar na tinig kaya upang marahas na maimulat ni Venice ang mata. Agad humayon ang naniningkit niyang mata sa kinaroonan ni Kenjie. "P-paano mong nalaman na narito ako?"gilalas na sambit ni Venice na tinitigan mula ulo hanggang paa ang binata na kasalukuyan may dalang naputol na sanga ng puno. Sa mga sandaling iyon ay naka-hiking attire ito, sinamahan pa nito ng cowboy hat. Sa leeg naman nito ay nakasabit ang isang Digital camera. Kitang-kita niya ang ilan nakabukas na butones ng suot nito. Literal napalunok ng sunod-sunod si Venice. Agad niyang iniiwas ang mukhang namumula. "Ako pa ba Ven, saan ka man magpunta malalaman ko."Tuluyan itong umupo sa tabi niya. Agad naman tumayo si Venice. "Ang pinakaayaw ko ay sinisira ang lakad ko!"gigil niyang sabi. Akma niyang tatalikuran ito ng mabilis pa sa alas-kwarto na hinawakan ni Kenjie ang kamay niyang nakabitin sa ere. "Lagi na lang ba ganito Ven, hindi ka ba talaga makapirmi sa iisang lugar na kasama ako. Ano bang problema, nakakasiguro naman tayo na mahal natin ang isa't isa. Bakit kailangan mo akong iwasan?" "Aba! at saan mo nakuha ang ideyang iyan. Paano ka nakakasisiguro na may gusto ako sa'yo, aber." "W-wala,"nanginig pa ang tinig ni Kenjie. Muli rin nitong sinundan ang sasabihin pagkatapos. "Hindi naman ako manhid Ven, nakikita ko naman at nararamdaman." "Pwes! Mali ka ng sapantaha mo. Kahit na kailan hindi kita gugustuhin, iyan sana ang itataktak mo sa utak mo!"mariin na sabi ni Venice. Sa mga sandaling iyon ay nasilayan muli ng babae ang sakit na rumaan sa mukha ng binata. "Bawiin mo ang sinabi mo Venice, n-na hindi iyan totoo. Nagpunta ako rito para patunayang mahal kita."Kasabay niyon ang paglalabas ng binata ng isang maliit na kahon. Nang buksan iyon ni Kenjie ay napamulagat na lang din si Venice sa nakitang laman niyon. Isang sing-sing na sa tingin niya'y hindi basta-basta ang halaga. Dahil na rin sa diyamanteng nakadikit roon. "P-para saan i-iyan Ken?"nauutal na pagtatanong ni Venice kahit alam na niya ang isasagot ni Kenjie sa kanya. "Ngayon lang ako nakakasiguro sa nararamdaman ko sa'yo, matagal ko ng gustong gawin 'tu. Matagal ko na dapat ginawa ito, kaso lagi kang umiiwas Ven, please can I ask you something. Can you tell me a honest answer, w-will you be my wife?"tuloy-tuloy nyang sabi sa nawiwindang na si Venice na nakatitig lamang sa lalaking nakaluhod sa may paanan niya. Sa pagitan ng pag-iisip ni Venice ay muling nanariwa sa kanya ang mga alaala niya noong pagkabata niya. Nagpakasal at nagsama ang mga magulang niya. Ngunit sa huliy iniwan pa rin ng ama niya ang Mama niya. Worse ay ipinagpalit ito sa babaeng mas may kaya, maganda at mas bata! Ngunit umasa pa rin naman si Venice na hindi magiging katulad ng pagsasama ng mga magulang ang magiging romance story niya sa ama ni Casven na si Lucas. Pero nagkamali siya. Dahil matapos siyang mabuntis ay inaakala niyang paninindigan at pakakasalan siya ng lalaki. Umasa siya na kahit mga bata pa ang edad nila ay makukuha niya at mararanasan niya ang happily ever after sa piling ni Lucas. Ngunit hindi iyon natupad, dahil unti-unti itong nagbago. Iniwan din siya nito pagkatapos na makakita ito ng babaeng sa tingin nito na mas karapat-dapat nitong panindigan at iharap sa dambana. Takot na takot na siyang umasa sa isang bagay na imposible. "Dati-rati naniniwala ako na may happy ending Ken, pero ng maranasan kong mabigo sa unang lalaking inakala kong hindi ako sasaktan. Doon pa lang tuluyan ko ng itinaktak sa isip ko na tatanda na lang akong mag-isa kaysa paasahin ko ang sarili ko sa isang karanasan na panandalian lang pala." "Venice, iba naman ako sa kanya. Totoo ang nararamdam ko, pinapangako ko hindi kita hahayaan masaktan,"pagsusumamo ni Kenjie. Mapait na napangiti si Venice pagkarinig pa lang niya sa salitang nanulas sa bibig nito. "Katulad ng sinabi ni Papa at ni Lucas na nangakong hindi ako iiwan at sasaktan. Pero nasaan sila ngayon? hayun sumama sa iba. Pakiusap Ken, huwag mong hayaan na bigyan ako ng dahilan para kamuhian kita sa huli!"Kasabay niyon ang marahas niyang pag-alis sa kamay ni Kenjie. "W-Wait! Venice..."ngunit hindi na nakasunod ang binata. Dahil sa maling tapak niya sa lupa upang tumayo at mabilis na masundan nito ang babae ay tuloy-tuloy siyang natumba at nahulog sa bangin. Natataranta naman binalikan ni Venice ang binata. "Oh, my God! Kenjie Ryu! T-tulong! tulong!"Nagsisigaw na si Venice. Nagbabakasali siyang may makarinig sa kanya. Lalo siyang kinain ng pangamba ng mapansin niya ang dugong umagos sa noo ng binata na nanatiling nakahandusay sa ibaba. Agad niyang kinuha sa loob ng hand bag niya ang android phone niya. Nanginginig siyang tumawag ng tulong sa emergency hotline. Muli niyang dinakwang ang ilalim ng bangin, kung saan naroon na nanatiling walang-malay si Kenjie. Lalong nag-iiyak si Venice ng makita niyang hawak pa rin ng binata sa kamay nito ang sing-sing. "I'm sorry Ken... sorry!" ??? MGA NAGMAMADALING yabag na palapit ang naringgan ni Venice ng mga sandaling iyon. Kitang-kita niya ang humahangos na pagdating ng Tita Reyya niya at ni Don Kristoff. "A-anong nangyari iha, kumusta si Kenjie?"alalang tanong ng ama ni Kenjie. "S-si Kenjie, nahulog po sa may b-bangin sa bundok,"paputol-putol na salaysay ni Venice. "B-bangin? Bundok? Paano nangyari iyon iha. Takot umakyat sa bundok si Kenjie dahil minsan na siyang nadisgrasya noong highschool siya sa pay-akyat niya ng bundok." "What ever darling, nakakasiguro naman ako na itong si Venice ang dahilan kung bakit umakyat si Ryu sa bundok. Kaya walang sino man ang dapat ang sisihin kung 'di lang naman siya!"Akmang sasampalin ni Reyya ito ng biglang namagitan si Don Kristoff. "Tama na Reyya, hindi iyan ang dapat natin inuuna. Nasa peligro ang buhay ni Kenjie ngayon, magdasal na lang tayo sa ikakabuti niya." Wala naman nagawa si Reyya kung 'di ang magtimpi. Muling humayon ang pansin ni Venice kay Jonathan at sa babaeng kasama nitong dumating. "Tita,Tito how's Ryu. Is he's alright?"tanong ng babae. Nang matitigan ito ni Venice ay naikurap-kurap pa niya ang mata. Dahil si Valeene pala iyon. Ang secretary at matalik na kaibigan ni Kenjie. Ibang-iba na ngayon ang ayos nito, kumpara sa dati. Pweding-pwedi na itong magustuhan ni Kenjie. Lalo siyang nanliit sa sarili sa pagiging masyadong close ng babae sa pamilya ni Kenjie. Natitiyak ni Venice na mas bagay ito kay Kenjie. Sa kaisipin iyon ay lalong nadagdagan ang dinadalang bigat sa dibdib ni Venice sa lumipas na sandali. DAHIL sa ilang gabi na puyat sa pagbabantay ni Venice ay hindi na nito napigilang makatulog mula sa pagkakaupo niya sa tabi ng hospital bed ni Kenjie. Tatlong araw kasi itong unconscious, sa lumipas na araw ay labis ang pag-aalala ni Venice sa binata. Sinisisi niya ang sarili dahil siya ang dahilan kung bakit ito nasa ganoon kalagayan ngayon. Kung maibabalik lang niya ang nakalipas ay babawiin niya ang lahat ng nasabi sa binata. Ipinapangako niya sa sarili, oras na magising ito'y papayag na siya sa gusto nito: Ang magpakasal siya rito. Unti-unting nagmulat si Venice ng maramdaman niya ang paghipo ng isang palad sa ulonan niya. "Thanks God! you're awake Ken!"tuwang-tuwa na usal ni Venice. Kulang na lang ay yakapin niya ito, ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi pa kasi ito tuluyan nakakarecover. "O-okay ka lang Ken, m-may masakit ba sa'yo? A-ano gusto mo, tell me?"sunod-sunod na tanong ni Venice sa lalaking nanatiling tinititigan siya. Hindi pa rin umiimik si Kenjie ng magsimulang pumasok sa loob ang ama nito at ang Tita Reyya niya. Ang Doctor ay sinuri muna siya, kahit paano ay nakahinga ng maluwag si Venice dahil maayos naman ang pagsasalita nito at ayos naman ang eyesight ng binata. Pwera lamang sa nanakit pa rin ang sugat sa ulo, ilan bruises at fracture nito. Napagawi ang tingin ni Venice sa nabuksan na pinto, napatutok ang pansin niya kay Valeene na kapapasok pa lamang. Kasunod nito si Jonathan. "Mabuti naman at okay ka na Ken,"usal ni Valeene na masuyong hinawakan ang kamay ng binata na matipid lamang napangiti. Gusto sanang tabigin ni Venice ang kamay na humahawak sa palad ni Kenjie ngunit nagpigil siya. Unti-unti'y lumapit si Venice, ewan niya ngunit kanina pa siya kinakain ng kaba. Napalunok muna ng laway ito bago siya tuluyan magsalita. "H-hai Ken,"wika ni Venice na kumaway pa sa binata. Tumutok naman ang pansin ni Kenjie sa babae, matagal siyang tinitigan nito na tila kinikilala siya. Parang pinupokpok ng martilyo ang dibdib ni Venice ng mag-umpisang mangunot ang noo ni Kenjie. "Hello... k-kilala ba kita miss?"litong tanong ni Kenjie. "H-huwag ka naman magbiro Ken, si Ven 'tu ang-"ngunit pinigilan niya ang sarili. Nahihiya siyang sabihin na siya lang naman ang babaeng mahal nito at gustong makasama sa habang-buhay. Pero paano ba niya sasabihin iyon, marami sila sa silid. Iniiwas na lang ni Venice ang pansin, ang ama naman ni Kenjie ay muling tinawag ang Doctor para matignan uli ang kalagayan nito. Kinailangan nilang lumabas sa silid, sa mga sandaling iyon ay tahimik silang naghihintay sa sasabihin ng manggamot. Makalipas ang ilang minuto ay tuluyan lumabas sa silid ang Doctor na tumitingin sa binata. "Ano pong nangyayari sa anak ko Doc, bakit hindi niya maalala si Venice. Pero mukhang lahat naman naman kaming narito ay kilala niya."si Don Kristoff. "Sorry to say but the patient is suffering from global amnesia. Dahil siya ang huling nakasama ni Kenjie kaya siya ang tanging hindi maalala ng binata. He suffer a traumatic experience, matanong ko miss Santos. Bago ba siya nahulog sa bangin ay naging maayos ang pag-uusap niyo ni Mr. Buencamino?"explain ng manggamot. Umiling lamang si Venice, kinagat niya ang ibabang labi upang hindi manulas ang hikbi sa kanya. "P-pero babalik din po ang mga alaala niya 'di ho ba?"Umaasa si Venice na magiging positibo ang sagot ng Doctor. "I'm sorry let's take a chance. For the meantime ay hayaan muna natin makarecover ang pasyenti. Hindi ko masasabi kung makakaalala pa siya. Kadalasan ang mga pasyenti ko na dumadaan ay hindi na muling bumabalik ang alaala,"nasa tinig nito ang pakikisimpatiya sa babae. Bago tumalikod ito ay tinapik pa siya sa balikat nito. "Ang mabuti pa'y umuwi ka na Venice, look at yourself. Magpahinga ka muna sa inyo,"agaw-pansin ng Tita Reyya ng babae. "S-sige po, babalik po ako bukas Tita,"usal ni Venice. Nahuli pa niya ang pag-ikot ng mata nito na halatang naiinis sa kanya. Maya-maya'y naramdaman na lang ni Venice ang paghila palayo sa kanya nito. Habang ang ama at sina Valeeene ay tuluyan ng pumasok sa silid ng binata. "Pwedi ba Ven, huwag ka ng magpapakita kay Kenjie. Kung pwedi ay sundin mo na lamang ang naging usapan natin noon. Layuan muna ang pamilya namin!"gigil na asik ni Reyya sa natigagal na si Venice. "P-po? pero Tita, h-hindi ko magagawa iyan. Dahil nakakatiyak ako na muli rin akong maalala ni Kenjie,"sa sandaling iyon ay naiyak na si Venice. "Hoy! huwag mo akong dramahan huh! Ven. Katulad na katulad ka ng Nanay mo!"tungayaw sa kanya nito. "Excuse me! huwag niyong isina-sali ang Mama ko!"galit na sabi ni Venice. Tinapik na niya ng tuluyan ang daliri na nakaduro sa kanya. "Ganoon, pwes sumunod ka. Hindi ka pa ba nagigising sa pangangarap mo sa anak ko. Talaga bang naniniwala ka na magiging kayo ni Kenjie? Gumising ka Venice. Kita mo, maging ang tadhana ay hindi nakikiayon sa inyo!"sa sandaling iyon ay iniwan na siya ni Reyya. Naikuyom ni Venice ang palad, ngayon na nakakasiguro na siya sa nararamdaman. Ano man sabihin ng Tita niya at ng ibang tao ay hinding-hindi na siya uli maduduwag. "Maaalala mo rin ako at kapag dumating ang sandaling iyon. Hindi ko na hahayaan na palagpasin pa ang pagkakataon na mahalin ako ng isang katulad mo Kenjie, ipinapangako ko iyan..." NAKATLONG katok muna si Venice sa pinto ng silid kung saan naroon si Kenjie na nakaconfine. Narinig niya ang tinig nito na pinapasok siya sa loob. Matipid na ngumiti si Venice ng madatnan niyang mag-isa na lamang ito sa loob. Kasalukuyan itong nakaupo habang nakatutok ang pansin ng binata sa telebisyon. Dahan-dahan na umupo si Venice sa upuan na nasa tabi ng kama nito. Nag-alis muna ng bara sa lalamunan ang babae bago siya nagsalita. Nakaisang minuto na rin siyang naroon, ngunit nanatiling hindi siya pinapansin ni Kenjie. "K-kumusta ka Ken, okay na ba ang pakiramdam mo? Nabalitaan ko baka bukas pwe-pwedi ka ng makauwi." Ngunit nanatili lamang hindi siya tinatapunan ng pansin ng binata. Tahimik at tila wala siya roon. "Ken, h-hindi mo na ba ako naaalala talaga? L-limot mo na rin ba ang nararamdaman mo sa akin at-"Ngunit hindi na siya pinatapos ni Kenjie. Nang hawakan ni Venice ang kamay ng binata ay mabilis din nitong inalis iyon. Parang libo-libong karayom ang tumusok-tusok sa puso ni Venice ng mga sandaling iyon. Tuluyan bumukal sa magkabila niyang mata ang butil ng luha hanggang sa nagsipatakan na iyon mula sa pisngi niya. "Huwag mo akong hahawakan, hindi kita kilala. Makakaalis ka na,"mariin ang mga katagang nanulas sa labi ni Kenjie. "Ken, b-bigyan mo naman ako ng oras... makakaalala ka rin. S-sorry kasi naging duwag ako, nasaktan kita. Pero this time, pinapangako ko hindi na uli kita ipagtutulakan,"nagsusumamo ang tinig ni Venice. "G-gusto ko ng magpahinga. Umalis ka na."patuloy ni Kenjie na iniwas ang pansin sa babae. Magsasalita pa sana si Venice ng tuluyan bumukas at pumasok si Valeene. "Andito ka na naman? Pwedi ba layuan mo si Kenjie!"Nakataas ang kilay na sabi nito na agad lumapit sa kama. "Hindi kita susunduin, bakit sino ka ba,"mainit na rin ang naging pagsagot ni Venice. Matalim na siyang nakatitig kay Valeene na may nakakalukong ngisi sa labi. Humalikipkip pa ito habang tinititigan siya. "Hindi mo naitatanong pero ikakasal na kami ni Kenjie,"nagmamalaking anunsiyo ni Valeene na maluwang na ang pagkakangiti ng mga sandaling iyon. "Nagsisinungaling ka, hindi 'yan totoo! Sabihin mo Ken she's lying..."mapait ng samo ni Venice sa binata. Ilang sandali pa siyang tinitigan ni Kenjie. Walang ibang masalamin na emosyon si Venice sa mukha nito. Katulad na lang kung paano nito binitiwan sa harapan niya ang mga salitang sumugat-sugat sa puso niya. "Yes, Valeene is telling a truth. Magpapakasal kami." HINDI alam ni Venice kung paano siya nakaalis sa harapan ni Kenjie. Ang huli niyang naalala ay pinagtulakan na siya palabas ng silid ni Valeene. Iyak lang siya ng iyak ng nasa loob na siya ng sariling kwarto. Hanggang sa marinig niya ang tunog ng caller tone niya. "H-hello,"sagot ni Venice na suminghot-singhot pa. Sa mga sandaling iyon ay halatang malat na malat ang tinig niya sa tagal niyang pag-iyak. "Hai Mommy! Nabalitaan ko ang nangyari sa'yo,"bungad sa kanya ni Cassy. "Ang alin?" pagde-deny ni Venice. "Hay naku! mader, ako pa ba pagsusinunangalingan mo. Hindi ba obvious ang nangyari sa'yo at kay Kenjie na ngayon ay ikakasal na sa secretary niyang si Valeene." Dahil sa narinig ay lalong napaluha si Venice. Hindi niya matanggap na ganoon na lang basta mawawala ang lahat ng pinagsamahan nila ni Kenjie. "Don't cry na Mommy, hindi pa naman sila ikakasal eh. May chance ka pa para makuha mo siya ulit,"pang-uudyok ni Cassy. "T-teka saan mo ba nalaman ang tungkol diyan."Agad na sinalinan ni Venice ng tubig ang baso na nasa sidetable niya. Pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya. "Ah, eh, huwag mo na lang alalahanin iyon Mommy. Ang mabuti pa'y mag-isip tayo ng paraan para muling bumalik sa'yo si Daddy Ken!"malanding pang-che-cheer up ni Cassy sa ina. "Ano bang pinagsasabi mo?"Nagugulumihan na anas ni Venice na agad kumuha ng tissue sa lagayan upang maipamunas sa sipon na tumutulo sa ilong niya ng mga sandaling iyon. "Hindi ba't sinabi ko dati sa pustahan natin, kung matatalo ka at mainlove ka ng tuluyan kay Kenjie ay papayag ka sa anuman hihilingin ko." "Anak naman, pwedi saka na iyan. Alam mo naman na nasa stage pa ako ng pagka-broken hearted kay Ken eh." "Huwag kang mag-alala, paraan ito para muli kang maalala ni Kenjie..."Saka nito isinalaysay kay Venice ang plano nito, ayaw sanang sumang-ayon ni Venice. Ngunit desperada na rin siya na bumalik ang dating Kenjie na mahal na mahal siya. KASALUKUYAN pumipirma si Kenjie ng mga papeles sa loob ng private office niya ng marinig niya ang tinig sa intercom ng secretary niya. Sa pagpayag ni Kenjie sa pag-iisang dibdib kay Valeene ay tuluyan siyang kumuha ng bagong secretary. "What's the problem Miss Saavedra?"tanong ng binata. Ngunit walang sumasagot, kaya muling itinutok ng binata ang pansin sa ginagawang pagbabasa. Dahil sa nangyaring aksidenti ay marami siyang aasikasuhin sa opisina. Akma niyang ililipat ang pahina ng dokumentong binabasa ng marinig niya ang pagbukas ng pinto. "Pasensya na sir, pero nagpumilit po si Miss Santos na pumasok,"paumanhin ng secretary niya. "It's okay, maari mo na kaming iwan."Tuluyang hinarap ito ng binata. Isinantabi na muna niya ang inaasikaso para makapag-usap sila ni Venice na ngayon ay nanatili lamang nakatayo. "You can sit Miss Santos,"wika ni Kenjie na matipid lamang nangiti. Naupo naman si Venice, ngunit habang umupo ay nanatili lamang niyang tinititigan niys si Kenjie na agad naman umiwas ng pansin sa babae. Hindi nito matagalan makipagtitigan ng matagal. "Do you need something?"casual na tanong ni Kenjie na nag-alis muna ng bara sa lalamunan. "Sigurado ka na bang p-pakakasalan mo ang babaeng iyon... I mean mahal mo ba si Valeene kaya mo siya pakakasalan?" "Hindi ko alam kung kailangan ko dapat sagutin iyan,"nakakalukong sagot ni Kenjie. "So mahal mo siya."Napatango-tango naman si Venice na lihim na nasasaktan sa naging konklusyon. "Teka!pwedi, mas okay na hindi mo na lamang ako pinupuntahan dito. Para na rin hindi natin nagugulo ang isa't isa,"wika ni Kenjie. "May nalalaman ka na ba dati?"takang-tanong ni Venice. "Hindi mo naman ako masisisi kong mag-usisa ako pagkatapos ng naging paghaharap natin last time,"naitugon ng binata. Kahit paano ay nagkaroon ng lakas ng loob si Venice na ituloy ang binabalak na isinuhestiyon ni Cassy sa kanya. "Ken, a-ayaw mo bang balikan natin uli iyong mga lugar kung saan tayo nagkasama?"tanong ni Venice. "Sa tingin mo, ano ang makukuha ko kapag pumayag ako?"diretsang tanong ni Kenjie na tinitigan siya sa mata. "Marami Ken, I'll promise pagkatapos nito kapag wala ka pa talagang maalala. Hinding-hindi na kita guguluhin." Tinitigan lamang siya ni Kenjie, kapag hindi pumayag ang lalaki sa naisip niyang "balik-alaala operation" ay wala na siyang magagawa kung 'di pabayaan na lang ang lahat. Kung iyon man ang plano ng Diyos sa kanila tatanggapin na lang niya. "Sige pumapayag ako,"tugon ni Kenjie. Nagulat pa si Venice sa agad na pagpayag ni Kenjie. Hindi na tuloy napigilan ng babae na lumapit at yakapin ng buong-higpit ang binata. "Ahy! sorry Ken, natutuwa lang ako,"pagpapaumanhin ni Venice. "Ayos lang, mabuti pa'y ngayon na tayo lumabas. I'll cancel my schedule for today." Unti-unti naman napalayo si Venice mula sa pagkakayakap sa binata. Matapos na tumikhim si Kenjie na hindi mapakali sa katatapos na tagpo sa pagitan nila. Matapos na maghabilin pa ng ilang importanteng sasabihin si Kenjie sa secretary nito'y tuluyan na silang lumabas sa opisina nito. Kotse na lang ni Kenjie ang ginamit nila sa pagpunta sa Buencamino Seafood Restaurant. Kung saan una siyang nameet ng binata. "Naalala mo pa ba dito tayo unang nagkita Ken. Hindi ka nga agad nakasunod sa akin dahil natulala ka lang sa akin,"wika ni Venice na kinikilig sa pagkakaalala sa naging nakaraan nila ni Kenjie. Napatango-tango lang naman si Kenjie at marahan inililibot ang tingin sa buong restaurant nila. Lahat ng mga staff nila ay bumabati sa kanila. "Fifteen years ago ay kinukulit-kulit mo ako lagi. Dahil kinailangan mong pumasok bilang waiter dito sa sarili niyong restaurant. Sobrang pasaway ka kasi noon. Naalala ko isang beses nadaanan ka namin ni Casven sa Bayan. Nakita kita dati kung gaano ka kabayolenti, paano ba naman kasi grabe ka mambully. Nagbasag ka ng mga bintana sa bahay niyong binu-bully mo,"natatawang pagkwe-kwento ni Venice. "Talaga? Naalala mo 'yun?"ammuse na saad ni Ken na nangingiti. "Oo naman, pero alam mo magmula ng namasukan ka rito at ako ang nag-train sa'yo ay bumait kana. Iba talaga ang charm ko."kumindat-kindat pa si Venice. "Sure ka ba na iyon talaga ang dahilan bakit ako bumait? Baka ikaw lang nag-iisip niyon." "Of course not, lantaran mo kaya inaamin dati sa akin na dahil ako ang dahilan kung bakit ka nagbago." "Ganoon? ikaw Ven. Ganiyan ka na ba sa akin noon?"tanong ni Kenjie. Pumasok na sila sa elevator. Pupuntahan nila ang rooftop. "H-hindi, eh. Sobrang sungit ko dati sa'yo,"amin ni Venice na hindi tumitingin sa direksyon ni Kenjie. "Ganoon ba, hindi ko ma-imagine na maghabol sa'yo dati." "Sinasabi mo bang nagsisinungaling ako?"hindi makapaniwalang sabi ni Venice. "Hindi naman, naisip ko lang kung ganoon na kita katagal na mahal. Bakit hanggang ngayon hindi pa kita napapakasalan?" Hindi nakapagsalita si Venice. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon ni Kenjie. Paano ba niya ipapaliwanag sa binata na ilang beses siya na inayang magpakasal nito. Ngunit siya itong panay lang ang tanggi. Hindi alam ni Venice kung guni-guni lamang niya ang nakitang rumaan na lambong sa mata ng binata habang nakatitig ito sa kanya sa repleksyon ng pinto ng nakasaradong elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD