SA DUMAAN na araw ay parang hangin lang si Venice kapag nasa malapit siya ni Kenjie. Kapag kakausapin siya nito ay sasagutin lamang siya nito ayon sa kung ano ang paksa ng usapan nila.
Masakit sa kanya na parang wala lang siya sa binata, na para bang naglahong parang-bula ang lahat ng pinagsamahan nila. Isang gabi, kahit bawal siyang mapuyat ay hinintay ni Venice ang muling pag-uwi ni Kenjie.
"Hindi ka pa ba matutulog iha? Malalim na ang gabi. Baka hindi rito matutulog si Kenjie,"sabi ni Don Kristoff ng madatnan siyang nakaupo sa isa sa mga upuan sa may sala.
"G-ganoon po ba, sige po mauna na ho kayong matulog. Aakyat na rin ho ako mamaya,"tugon ni Venice. Pinilit niyang ngumiti rito.
Iiling-iling naman lumapit ito sa kanya.
"Payo ko lang iha, ang mas mabuti pa'y bumalik ka na lang sa Pilipinas. Mas pagtuunan mo na lang ng pansin ang pagbubuntis mo. Kaysa naman na lagi kang nasasaktan dahil sa anak ko."
Napatingin naman si Venice sa gawi ng Don. Masasalamin sa mukha nito ang pagkalungkot sa kasalukuyan nangyayari sa pagitan nila ni Kenjie.
Nagbabadiya na naman mangilid ang luha sa magkabilang mata ni Venice. Ngunit pinigilan niya iyon, ayaw niyang madagdagan ang pagkaawa nito sa kanya.
"H-huwag ho kayong mag-alala T-Tito, pinag-iisipan ko na rin ho ang bagay na iyan. Sa ngayon ay mas nanaisin ko pong nasa tabi lang ako ni Kenjie habang nagpapagaling siya,"wika ni Venice. Nagpapasalamat siya na hindi siya pumiyok matapos niyang magsalita.
Kumurap-kurap naman ang mata ni Don Kristoff tila ba may gusto itong sabihin, ngunit naagaw ng pagbukas ng malaking pinto sa bungad ng mansyon ang pansin nila. Kasabay niyon ang pagpasok ni Kenjie na inaalalayan ng personal Nurse nito.
"A-anong nangyari Marco?"tanong ng Don.
"Napagod ho si Sir, nagpasama po kasi siya sa may rest house nina Valeene,"dahilan nito.
"Sige na ipasok mo na silid si Ken, ikaw ng bahala sa kanya,"mando ni Don Kristoff. Nang tumango ang Nurse ay tuluyan na nitong ipinanhik sa may second floor ang binata.
Muli na naman siyang binalingan ni Don Kristoff, sa sandaling iyon ay nanatili sa mukha nito ang paghingi ng paumanhin sa kanya.
"Pasensya ka na iha, kakausapin ko na lang bukas si Ryu."
"Naku! huwag na ho. Ako na hong kakausap sa anak niyo. Sige na po matulog na po kayo, magtitimpla lang ho muna ako ng gatas,"sagot ni Venice.
Tumango naman si Don Kristoff at isang magaan na dantay sa balikat ang ginawa nito bago ito tuluyan pumanhik.
Nahahapo naman napaupo si Venice, ang piniligil niyang luha ay tuluyan pumatak sa magkabila niyang pisngi. Ang hikbi niya'y naging hagulhol. Hinayaan niya ang sarili na ilabas ang lahat ng sama ng loob niya sa nakalipas na araw. Dahil lang naman sa pambabalewala ni Kenjie sa kanya.
"Masakit pa rin isipin na mas pinapahalagaan pa niyang makasama ang mga bagay na hindi naman dapat inuuna kaysa sa akin na dapat nilalaanan niya ng atensyon at hiram na oras lang..."bulong sa isipan ni Venice. Tuluyan niyang inilapat sa mukha ang magkabilang palad niya upang mapigil niyon ang ginagawa niyang ingay dahil lang naman sa patuloy niyang pag-iyak.
Iinot-inot nang tumayo si Venice, hindi na tuloy napansin nito si Rodnick na nanatiling nakatingin sa kanya sa dilim. Kababakasan ng simpatiya ito.
"Huwag ka ng malungkot Ven, bukas na bukas ay magiging maayos na ang lahat sa pagitan niyo ni Kenjie. Pangako!"Nakasisigurong bulong ni Rodnick.
KINABUKASAN pagkagising niya ng umagang iyon ay nakita niya si Kenjie na nakatayo mula sa paanan ng kama niya. May tangan-tangan itong tray na naglalaman ng mga pang-umagahan pagkain.
Labis na ikinatuwa ni Venice iyon, pakiramdam niya'y nagbalik na sa dati ang pakikitungo sa kanya ni Kenjie.
"Come on let's eat Ven."Tuluyan inilapag nito ang tray sa kama. Natutuwa siya dahil naisipan nitong sumabay sa kanya.
"T-thank you Ken, m-mabuti naman at bumabalik ka na ulit sa dati,"tugon ni Venice.
"H-hindi naman pinayuhan kasi ako ni Rodnick na dalhan kita ng almusal kada-umaga. Dahil parati kang late magising."
Magkagayon ay natutuwa pa rin si Venice sa gesture nito.
Kahit malaki ang ibinagsak ng pangngatawan ng binata at namumutla ito. Para sa kanya ito pa rin si Kenjie na guwapo at laging nangungulit sa kanya.
Agad tumusok si Venice ng hotdog sa may plato at inuumang iyon sa binata.
"Ahhh! sige na Ken, kainin muna,"ungot ni Venice. Nagpa-cute siya rito para tuluyan siyang pagbigyan nito.
Hindi nga siya nagkamali dahil tuluyan kumagat ang binata doon.
"Ahy! gutom na siya, sige isa pa Kenny!"Patiling request ni Venice.
"Ven..."nahihiyang sambit ng binata sa pangalan niya.
Kilig na kilig naman si Venice sa tuwing tinatawag siya ni Ken ng ganoon. Ewan ba niya tanging
kay Kenjie lang siya nakakaramdam ng ganoon.
"Para ka naman bata,"usal ni Kenjie habang ngumunguya. Ipinagkibit lang naman ng balikat iyon ni Venice.
Kahit isipin na ni Kenjie na isip-bata siya atleast kinikilig siya.
"Ano ka ba, ganito lang kapag buntis Ken,"tugon ni Venice. Nag-umpisa na rin kumain ito.
"Parang hindi ka naman buntis,"mayamaya'y naisagot ni Kenjie.
Agad naman ang pagbaling ng mukha ng babae rito.
"Paano mo nasasabi iyan, kaya ba ng sabihin ko na buntis ako inaakala mong nagsisinungaling ako?"
"Hindi naman sa ganoon pero..."Tinitigan lamang siya ni Kenjie sa sandaling lumipas. Para bang kinakabisado na nito ang kabuuan ng mukha niya.
"Pero ano?"Pangungulit na niya. Paano ba naman kasi, hindi na sinagot iyon ng binata. Patuloy lang siya nitong sinubuan.
"Ken!!!"
"Oh! Ven, what?"Kitang-kita ni Venice ang pagkurba ng ngiti sa labi ng binata. Ang ngiting kinahumalingan niya noon pa man.
"Bakit hindi mo na sinagot, ang daya mo naman!"Himutok ni Venice. Akmang isusubo nito ang ini-slice na apple ni Kenjie ng pumaling ang mukha niya sa ibang direksyon. Sa mga sandaling iyon ay nakabusangot na ang mukha ni Venice.
"Ven, sige na kainin mo na 'tu, please..."pakiusap ni Kenjie.
"Sagutin mo muna iyon,"muling pangungulit ni Venice.
"Kailangan pa ba,"bulong ni Kenjie.
"Yes, if course."
Tinitigan muna siya ng maigi ni Kenjie, napasinghap pa si Venice ng biglang ilapit ni Kenjie ang mukha sa kanya. Todo lunok tuloy siya ng laway.
"Ang ganda-ganda mo kasing magbuntis sweety..."anas ni Kenjie. Sa isang iglap ay magkahugpong na ang mga labi nila.
Hindi lang iyon, tuluyan ng ginalugad ng dila ni Kenjie ang bibig ni Venice na agad tumugon sa mapusok niyang pag-angkin rito.
"I love you sweety, I'm sorry sa mga sinabi ko. Sana tanggapin mo pa akong muli..."usal ni Kenjie sa pagitan ng paghahalikan nila.
"Oo naman, ngayon pa na magkakaanak tayo, natitiyak kong labis na matutuwa ang baby natin na nagkaayos na tayo,"tugon naman ni Venice.
Napangiti naman si Kenjie.
"Can we make love Ven,"may pagsamo ang tinig ni Kenjie. Nang tumango si Venice ay tuluyan na siyang kinubabawan nito at pinugpog ng halik ang mukha ni Venice.
"Just be careful sweety, maselan kasi ang pagbubuntis ko,"tugon ni Venice.
"I will..."
Tuluyan naman isinarado ni Don Kristoff at Donya Reyya ang pinto.
"Natutuwa naman ako at nagkaayos na sila,"ani ni Reyya sa asawa. Binalingan nito si Kristoff na nanatiling malalim ang iniisip.
"Okay ka lang dear?"tanong ni Reyya.
"Y-yeah, kaso inaalala ko lang ang pamangkin mo. Kapag oras na malaman niya ang lahat,"may pag-aalala sa tono ni Don Kristoff.
"Huwag mo munang isipin iyon Kris, ang mabuti pa'y hayaan na lang natin sila. Matanda na ang anak mo para magdesisyon sa magiging buhay ng mag-ina niya sakali. Ano man mangyari ay narito lamang tayo, kailangan natin maging malakas para sa kanila."
"Tama ka, siya nga pala na saan si Rodnick?"tanong ni Don Kristoff sa kabiyak.
"Hindi ba siya nakapag-paalam sa'yo? Sabagay, babalik naman siya sa susunod na Buwan."Sa pagbanggit ng huling salita nito ay parehas silang natahimik na dalawa mula sa kinatatayuan.
May lungkot at pagdadalamhati ang masasalamin sa mata ng mag-asawa.
???
DAHAN-DAHAN ang ginawang paglalakad ni Venice sa mga oras na iyon habang tinatakpan ni Kenjie ng palad nito ang mga mata niya.
Sa mga lumipas na linggo ay walang sandali na hindi siya pinapasaya ni Kenjie.
"Sweety... a-ano na naman ba itong surprise mo sa akin? Baka madapa ako,"natatawang sabi ni Venice. Habang kinakapa niya ang palad ng binata.
"Where here! open your eyes now Sweety."
Tuluyan na ngang iminulat ni Venice ang mata matapos na alisin ng binata ang mga palad nito. Ikinurap-kurap muna niya ang mata bago iginala ang pansin sa buong paligid.
"Wow! Ang ganda talaga rito Ken, akala ko hindi na tayo makakapunta rito eh, thanks for making my dream come true!"Kasabay ng pagyakap ng mahigpit ni Venice sa lalaki.
"Oo naman Ven, alam ko naman na itong part ng Japan ang pinakagusto mo. Bakit nga ba dito ang pinakapaborito mo Ven?"tanong ni Kenjie.
Tuluyan nilang itinukod ang siko nila sa bakod na kahoy na naroon. Kitang-kita nila sa harapan nila ang malawak na karagatan. Kasalukuyan papalubog ang araw. Ang iba't ibang kulay niyon ay nagsasaboy ng kagandahan sa magandang tanawin na tinatanglawan nila.
"Wala naman espesyal sa lugar na ito. andito kasi ang mga puno ng cherry blossoms. Sayang nga lang at hindi panahon ng tagsibol, mas magandang tignan kapag nagsisibagsakan na ang mga talutot ng mga cherry blossom,"share ni Venice.
Naramdaman na lang niya ang pagyakap ng binata sa kanya.
"Don't worry Ven, may nextime pa naman,"sagot ni Kenjie.
"Yeah may nextime pa, salamat talaga huh! pinasaya mo ako at ni Baby siyempre. Nae-excite na rin ako sa mga susunod na Buwan,"galak na ani ni Venice.
Maliit pa kasi ang tiyan niya kaya hindi pa halata ang ipinagbubuntis niya.
"Marahil next month o sa mga susunod pang Buwan ay mahahalata na ang tiyan ko, anong gusto mong maging gender ng anak natin?"tanong ni Venice.
Naramdaman niyang pinaharap siya ni Kenjie. Kasunod niyon ang tuluyan pagluhod ng binata sa paanan niya. Hinalikan ng binata ang tiyan niya.
"Lalaki ang gusto kong maging gender niya sweety, para maisunod mo siya sa pangalan ko. Kenjie Ryu Buencamino Jr. pero kahit hindi siya maging lalaki ay okay lang, mamahalin ko pa rin siya. Alam ko naman na kapag naging babae siya'y nakatitiyak kong lalaki siyang maganda, katulad mo."Kasabay niyon ang pagpisil ni Kenjie sa magkabilang pisngi niya. Kasabay niyon ang paghalik ng binata sa tungki ng nagtatawang babae.
"Kabaliktaran naman ng gusto ko Sweety, babae sana ang nais kong maging anak natin. Pero sige payag na akong lalaki ang panganay natin. Sa susunod na lang ang babae, gusto mo naman iyon diba Ken?"
Nang hindi sumagot si Kenjie ay hinila na niya ito pababa ng hagdan.
"Tara! maglakad tayo sa bunganin."Tuluyan ng inalis ni Venice ang mga sapin niya sa paa. Ramdam niya ang preskong hangin na nagmumula sa dagat.
"Bilisan mo naman maglakad,"nasabi ni Venice. Ngunit nanatili lang naglalakad ng marahan si Kenjie.
Bigla naman kinabahan si Venice, kaya upang balikan niya ang binata.
"May nararamdaman ka bang hindi maganda?"alalang tanong niya rito.
"Wala naman sweety, gusto ko lang na pinagmamasdan kita mula sa malayo. Ang ganda kasi ng mga ngiti mo sweety,"ani ni Kenjie. Sa isang iglap ay tuluyan tinawid ng binata ang gahiblang distansiya nila ng babae. Tuluyan na nitong inangkin ang labi nito.
Maya-maya'y nagtatawang lumayo si Kenjie.
"Ven! stop it! Alam mo naman na malakas ang kiliti ko riyan!"Suway ni Kenjie rito.
"Ikaw eh! basta-basta na lang nanghahalik, kaya dapat fair lang tayo!"Patuloy pa rin niyang kiniliti sa may tagiliran ang binata. Kaya hindi pa rin matigil sa kakahalakhak ito.
Tuluyan naman tinigilan ni Venice ang binata, ngunit nanatiling humahalakhak si Kenjie. Sa sandaling iyon ay pinapakinggan lang ng babae ang masiglang tawa nito.
Para kay Venice kaysarap pakinggan ang timbre ng buhay na buhay na halakhak nito.
Patuloy silang naghabulan na nakayapak sa buhanginan. Hindi nila pansin ang pagtitinginan ng mga taong nadadaanan nila.
"I love you Kenjie Ryu Buencamino, ikaw naman..."tuluyan binasa ni Venice ang isinulat niya sa buhangin.
"Hmmm ayuko nga Ven."
"Bakit naman, hindi mo ko mahal?"nalulungkot na ani ni Venice.
"Mahal kita sweety ano ka ba, I love you Venice Santos... hindi ba mas maganda kung sa akin mismo nanggagaling. Kaysa naman sa isinusulat lang buburahin lang naman iyan ng alon,"wika ni Kenjie na tuluyan umakbay sa babae.
"Ganoon! Ito na yata ang pinakamasayang August ng buhay ko Ken. Sana next year, kapag magaling ka na bumalik tayo rito sa Japan Ken. Dapat Month of April kasi ganoon daw ang peak season ng cherry blossoms. Please!"pagmamakaawa ni Venice. Isipin man ni Kenjie na masyado na siyang abusada ay gusto niya lang talaga na makakita ang pagbagsak ng mga cherry blossoms.
"Pag-iisipan ko,"tugon naman ni Kenjie na naglakad na uli.
"Anong pag-iisipan mo, okay, sige, ganito na lang... ako na bahala sa gastos sa pagpunta natin dito. Tutal ikaw na gumastos ngayon, ako naman nextime. So it's a deal? samahan mo ako ulit dito next year okay."
"P-paano kapag busy ako nextyear?"
"Eh, 'di sa susunod uli, ano ka ba. Basta! pumayag ka na kaya ako ng bahala."Muli isang yakap ang pinagsaluhan nila. Naisipan na nilang bumalik, magkahawak sila ng kamay habang binabagtas nila ang pabalik sa hotel nila...
???
FIVE YEARS LATER...
APRIL 4
PATULOY NA naglalakad si Venice sa Miyajima. Hiroshima Prefecture, sa loob ng halos limang taon na lumipas ay pabalik-balik siya sa lugar na iyon. Ilang beses na rin niyang nasaksihan ang pagbagsak ng cherry blossoms. At sa tuwing nasasaksihan niya iyon ay iba't ibang klase ng emosyon ang nararamdaman niya.
Narooon na nasisiyahan siya dahil marami ang naging alaala nila ni Kenjie roon. Nalulungkot, dahil kahit saan siya tumingin ay tanging alaala na lang ang maiiwan sa kanya.
Dahil matapos ang bakasyon nila sa Japan at nakabalik na sila sa States ay isang nakakagimbal na pangyayari ang naganap.
Ang kinatatakutan ni Venice ay nangyari. Isang umagang kailanman ay hindi niya aakalain magiging bangungot.
Nagising na lang siyang katabi niya si Kenjie na wala ng buhay. Ayon sa autopsy nito'y: Kenjie's died peacefully in his sleep na ipinagpapasalamat na lang ni Venice.
Kahit paano'y hindi na mahihirapan ito sa sakit nito. Later on napag-alaman niyang may taning na pala ito, ayon na rin sa ama ni Kenjie.
Matagal na niyang napapansin na ipinapakita lang ng binata na malakas ito na wala lang ang sakit na unti-unting pumapatay dito. Ngunit nagigising siya sa gabi na naririnig niya ang iyak nitong punong-puno ng paghihirap. Dahil ayaw ni Kenjie na masaktan siya lalo kapag nalaman pa ni Venice na mamatay na siya.
Lumipas man ang limang taon patuloy niya pa rin ipinagluluksa ang pagkawala ng lalaking pinakamamahal niya.
Every year ay nagpupunta siya roon para bisitahin ang mga lugar kung saan huli silang naging masaya ni Kenjie. Doon niya rin isinaboy ang abo nito, hiling niya kapag nawala na rin siya sa mundo ay nanaisin niyang doon
din isaboy ang abo niya.
"Mommy!"Isang tili ang umagaw sa pansin ni Venice upang tuluyan siyang mapalingon. Agad na ibinuka niya ang kamay, mahigpit na yakap ang pinagsaluhan nila ni Kenjie Ryu Jr. Kasunod lang naman nito si Cassy, Julian at Rodnick ang napangasawa niya.
Bago nawala si Kenjie ay nakapag-usap na pala ang dalawa, inihabilin siya nito sa lalaki. Gusto nitong kahit mawala ito ay may maging kasama pa rin siya sa pagtanda at may tumayong ama sa anak nilang si Kenjie Ryu Jr.
Hindi aakalain ni Venice na sa kaunting panahon nito'y ang kapakanan nilang mag-ina pa rin ang iniisip nito.
"Tara na Mom, gutom na po ako. Ang sabi ni Ate Cassy may pupuntahan tayong seafood restaurant. May adobong pusit kaya sila roon?"patuloy na pangungulit nito. Humawak na ang bata kay Venice.
Katulad ng ama nito'y iisang ulam din ang paboritong kainin ng mga ito. Kahit paano'y hindi nangungulila si Venice sa presensya ni Kenjie dahil maraming pagkakaparehas ang dalawa.
"Okay darling, wait lang..."
"Okay Mommy."
Muli siyang bumaling sa lake, parang nakikita niya ang nakangiting mukha ni Kenjie. Ang halakhak nitong buhay na buhay ay pumapailanlang sa magkabilang tainga niya...
"May isang taong darating sa buhay mo na magbibigay paalala na ang buhay ay hiram lamang at kailangan mong pahalagahan at ejoyin basta sa tamang kaparaanan. Minahal ko siya at mananatili siya sa aking alaala kahit wala na siya,"bulong sa hangin ni Venice bago siya tuluyan sumunod sa mga natitirang taong magmamahal sa kanya hanggang...
WAKAS