CHAPTER NINE

4081 Words
ISANG KAIGAYA-GAYANG sikat ng pang-umagang araw ang nasilayan ni Kenjie pagkagising niya sa umagang iyon. "Goodmorning,"mahinang usal ni Kenjie sa tulog na tulog na babae. Hinayaan na muna ng binata ang sarili na pagmasdan ang mukha nito. Hindi niya aakalain kagabi na hahantong sila ni Venice sa isang mainit na tagpo sa kama. "Ang nangyari sa atin kagabi sweety ay isa sa hindi ko malilimutan, I love you with all my heart and I promise hinding-hindi kita hahayaan na masaktan pa."Natigilan si Kenjie at mataman na nag-isip. Matapos niyang magbihis at makapagsulat ng notes na inilapag niya sa katabing lamesa ng kama ni Venice ay tuluyan na siyang lumabas ng bahay nito. Sa araw na iyon ay marami siyang dapat ayusin bago niya muling harapin si Venice. Hiling niya na sana kapag nagkaharap sila ay walang magbago. UNTI-UNTING iminulat ni Venice ang mata, kinusot-kusot niya muna ang mata. Naramdaman niya ang hapdi sa ibabang parte ng katawan niya at p*******t ng kasu-kasuan. Agad siyang pinamulahan ng maalala niya ang nangyari sa kanila kagabi ni Kenjie. Dahil sa pagkakaala sa binata ay mabilis na iginala ni Venice ang pansin sa paligid ng silid-tulugan niya. Nalungkot bigla si Venice ng mapagtanto niyang wala na ang binata. Napansin niyang alas-nuebe na ng umaga. Tuluyan niyang ini-abot ang isang kapirasong notes na nakalagay mula sa side table niya. "I enjoy last night sweety, hope you'll feel the same too. Just wait for me here tonight, I'm gonna tell you something is that okay? see you! I can wait to touch you again..." Kenjie ❤️ Ilang beses na binasa iyon ni Venice. Kilig na kilig siya, kulang na lang ay magtitili siya. Pero kung gagawin niya iyon ay para na siyang loka-Loka. Kaya ang ginawa na lang niya ay itinakip na lang niya ang mukha sa unan at doon nagtitili ng nagtitili hanggang sa napaos na ang tinig niya. Maya-maya'y tuluyan na siyang nagpunta sa kusina, dahil kanina pa kumakalam ang sikmura niya. Matapos niyang makapagluto ng agahan niya ay nagmadali na siyang naligo. Sa totoo lang ay hindi niya yata kayang pagbigyan ang hinihiling ni Kenjie sa kanya. Ang hintayin niya ang muling pagkikita nila mamayang gabi. Aminin man niya o hindi ay namiss na agad niya ang binata. Napatunayan niya kagabi kung gaano niya ito kamahal. Bago siya magpunta sa opisina nito ay ipinagluto na muna niya si Kenjie ng adobong pusit, paboritong ulam ito ng binata na lagi niyang inihahanda noong pumasok ito bilang waiter sa sariling restaurant ng mga ito. Dahil sa nangamoy siya ay kinailangan niyang maligo ulit para mawala ang malansang amoy na dumikit sa katawan niya. Patuloy siyang humihimig habang naliligo sa dutsa ng shower. Excited na siya sa gagawin panunurpresa sa binata. MALAPIT na siyang matapos sa ginagawa sa office niya ng biglang mag-appear ang Viber niya at makita niyang tumatawag si Cassy. Tuluyan na niya iyon sinagot. "Hola! Papsy Ken, how are you? Nasabi mo na ba ang lahat kay Mom hmmm?"unang tanong nito. "Not yet Cas, but I promise pagkatapos na pagkatapos ko rito sa office at makausap si Valeene na ikansela ang kasal namin dahil si Venice talaga ang mahal ko. After that, aamin na ako sa Mom mo na never ko talaga siyang nakalimutan,"tugon ni Kenjie habang nakatitig sa kaharap na computer laptop. Hindi na tuloy napansin ng lalaki ang pagpasok ni Valeene sa pinto. "Totoo ba ang narinig ko?"ang parang maiiyak na ani my fiance niya na hindi maipinta ang pagmumukha. Nagulat man si Kenjie ay nakuha pa nitong magpaalam kay Cassy at kausapin ng masinsinan si Valeene na tigmak na ng luha ang magkabilang mata. "I'm sorry Val, I didn't mean na ilihim ito ng matagal,"alo ni Kenjie na lumapit pa sa babae. Pero agad na pumiksi si Valeene at matalim na tinitigan si Kenjie. "No! pinagmukha mo akong tanga, ginamit mo ako sa pansarili mong pakinabangan! Bakit ba kasi Ken ano bang nakita mo sa babaeng iyon para gawin mo sa akin 'tu. All this year's Ken nanatili ako sa tabi mo hindi kita iniwan, pero all of a sudden magmula ng magkita kayo ay nabalewala na ako!"Nasasaktan na sabi ni Valeene. "I'm so sorry Valeene,"mababa ang tinig na ani ni Kenjie. Hanggang sa dumating na rin si Jonathan na narinig ang lahat ng usapan nila. "Walang-hiya ka!"angil ni Jonathan sa binata. Isang suntok ang pinadapo nito. Hindi nakailag si Kenjie kaya nasapol ito sa panga, sa sandaling iyon ay napaupo ito sa carpeted na lapag. "Ang sama mo Ken, ginamit mo pa si Valeene sa mga kalokohan mo! Alam mo namang espesyal sa akin si Val pero hindi mo na naisip iyon dahil makasarili ka. Pumayag ako sa kasal, dahil inaakala ko hindi mo siya sasaktan na iingatan mo siya. Pero anong ginawa mo, ginamit mo siya! Tara na Val! iwan na natin ang lokong 'yan!"galit na galit na sabi ni Jonathan. Tuluyan na nitong hinila palabas si Valeene na nag-iiyak pa rin sa nalaman. Napakuyom naman ng kamao si Kenjie, iinot-inot siyang tumayo. Hanggang sa mahagip niya ang isang bultong kabisadong-kabisado niya mula sa labas ng pintuan ng private office nito. "K-kanina ka pa d-diyan, Venice?"halos hindi lumabas ang tanong na iyon sa bibig ni Kenjie. Parang nagdilim ang buong paligid niya na halos hindi siya makahinga ng maayos. Akma siyang lalapit sa babae ng bigla itong umimik, kalakip niyon ang gumagaragal na tinig. "H-huwag kang lalapit! D-diyan ka lang!" "Ven... sweety... let me explain,"sumamo ni Kenjie. "No! ano pa bang e-explain mo. Dinig na dinig ko ang lahat mula pa kanina! Niloko mo sila, k-kami! Nagsinungaling ka! Akala ko nagbago ka na. P-pero maling-mali pala ako!"Nanginginig na hiyaw ni Venice. "Hindi naman sa ganoon Ven, naipit lang ako sa naging sitwasyon ko. A-akala ko kasi k-kapag nagpanggap akong hindi kita naalala, madali na kitang makakalimutan. Pero hindi, habang tumatagal lalo akong nahihirapan na turuan ang puso ko na kalimutan ka..."eksplika ni Kenjie. "Ganoon? Hanggang kailan mo pananatilihin ang pagsisinungaling sa akin? Hanggang kailan!"gigil na sabi ni Venice. Lalapit sana si Kenjie ngunit muli na naman itong pinigilan ni Venice. Sa mga sandaling iyon ay kinasusuklaman niya ito. Pinakaayaw niya ay ginagawa siyang tanga! "Not for long sweety, please forgive me. Minsan ka ng nawala sa buhay ko Ven... pakiusap not this time!"Halos maglumuhod na ang binata ng mahawakan nito ang binti ni Venice. "Sorry but we're over! goodbye Ken,"huling sambit ni Venice bago niya tuluyan natanggal ang kamay nito at tinalikuran ito. Sakay na siya ng dala niyang kotse ng muli na naman niyang naramdaman ang pagragasa ng masaganang luha sa magkabilang pisngi niya. All this time ay puro kasinungalingan at pagpapaikot ang ginagawa sa kanya ng binata. LUMIPAS nga ang ilang araw, magmula ng malaman ni Venice ang pagpapanggap ng binata. Tila ba umayon na rin si Kenjie sa naging kahilingan niyang tigilan na siya nito. "Bakit ganyan ang itsura mo Mom, hindi ba't iyan naman ang gusto mo ang tumigil na siya sa kakahabol sa'yo,"paninisi ni Cassy. Kasalukuyan kasi itong kausap ni Venice mula sa Skype. " 'Yun nga eh, ewan ko ba naiinis ako sa sarili ko. Lalo na sa'yo alam mo ba!"inis na tugon ni Venice na nangalumbaba sa may lamesa niya. "Mommy, sa totoo lang ako naman kasi talaga ang may kasalanan kung bakit ganoon ang ginawa ni Kenjie,"wika nito. Inamin na rin ng anak niyang si Cassy na ito ang nagsudgest at nagpumilit sa binata na magpanggap siyang may amnesia- para marealize niyang mahal niya ito. Lalo tuloy naguilty si Venice. "Anong plano mo Mommy, bumalik na sa States si Kenjie."maya-maya'y narinig niyang sabi ng anak. "I don't know..."bulong ni Venice. "Look Mom, wala naman mangyayari kung magmumukmok ka na riyan ang mabuting gawin mo ay ayusin mo muna ang sarili mo. Kaya kapag nagkaharap kayo uli ni Kenjie ay magiging maayos na ang pag-kikita niyo,"payo ni Cassy. "Sige anak, siguro tama ka. Masyadong naging mabilis ang lahat. Maybe, kailangan pa namin bigyan ng space ang isa't isa ni Ken,"tugon ni Venice. Bagama't nalulungkot ay sa tingin niya ay iyon ang mas mainam na gawin niya. "Don't worry Mommy, kilala ko si Ryu. Mahal ka niyon, nakatitiyak kong babalikan ka niya tiwala lang!"Kasabay ng pagwink ni Cassy sa kanya mula sa screen ng laptop. GANOON nga ang ginawa ni Venice, magmula ng lumipad pabalik si Kenjie ay inabala na muna niya ang sarili. Mas nagfocus siya sa cafe, makalipas ang isang Buwan ay balik sa normal ang routine niya. Ngunit ang estado ng puso niya, nanatili pa rin sa dati. Araw ng linggo, naisipan niyang magpunta sa simbahan para maka-attend ng misa. Naglakad siya papasok, mabuti at iilang tao na lamang ang nakaupo. Maraming bakanteng upuan sa paligid. Matapos niyang makapamili ay naisipan magdasal ni Venice. "Sana panginoon kahit nasa malayo siya naalala pa rin niya ako. Sana mahal pa niya ako, sana bumalik na si Kenjie..,"dasal ni Venice. Matapos niyang umusal ng panalangin ay tuluyan na siyang napadilat ng mata. Sa muli niyang pagtayo ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Hindi na namalayan ni Venice na tuluyan siyang nawalan ng malay at bumulagta sa semento. Dali-dali naman nagkagulo sa loob ng simbahan, hanggang isang lalaki ang lumapit. "Give me way, I'm a Doctor. Kilala ko siya, exuse me!"Agad hinawi ni Rodnick ang mga tao. Pinulsuhan muna ng lalaki ito, nang matiyak nitong nasa maayos naman si Venice ay binuhat na nito ang babae at agad na isinakay sa loob ng sasakiyan nito. UNTI-UNTI naman iminulat ni Venice ang mata, tuluyan niyang sinapo ang ulo. Napatitig siya sa lalaking nakaupo sa may tabi ng kama niya. Kitang-kita niya ang relieved sa mukha nito, ngunit nanatiling naroon pa rin ang pag-aalala sa mata nito patungkol sa nangyari sa kanya. "I-ikaw pala Rod, a-anong nangyari?"tanong ni Venice. "Sa simbahan Ven, nakita na kitang pumasok kanina. Kaso, nahihiya naman akong lapitan ka. Pero nabigla na lang din ako ng tumimbuwang ka sa lapag matapos mong tumayo mula sa luhuran,"brief explain ni Rodnick sa kanya. Napatango-tango naman si Venice tila inaalisa nito ang nangyari kanina. "Kumusta na ang pakiramdam mo Ven?"tanong muli ni Rodnick makalipas ang ilang sandali na pananahimik niya. "Mabigat pa rin ang pakiramdam ko Rod, siya nga pala... kumusta ka na? long time no see. Nakabalik ka na pala galing Germany."Matipid na ngiti ang itinugon ni Venice. Masama pa rin kasi ang pakiramdam niya. Actually ilang araw na siyang nahihilo at walang gana. Sabay silang napasulyap ng kasama ni Venice ng makarinig sila ng pagkatok mula sa pinto at pagpasok ng Doctor na siyang tumingin sa kanya. "Hai! goodmorning I have a goodnews to your wife Mr. Almario,"umpisa ng manggamot. "I'm sorry Doc pero hindi ho kami mag-asawa,"agad na sabi ni Venice. "Oh! Pasensiya na, akala ko kasi siya ang ama ng ipinagbubuntis mo. Congratulations Miss Venice. Your three weeks pregnant." Literal na nanlaki ang mata at umawang ang labi ni Venice. Si Rodnick naman ay nanatili lang naman tahimik sa sumunod na sandali. "I prescribed you some vitamins para sa'yo at pampakapit para sa bata. Maselan kasi ang pagbubuntis mo, dahil na rin sa nasa late fourty's ka na ng edad mo. Don't worry everything will be fine basta take a full time rest. Bawal din ang stress at mabibigat na gawain okay. Alalahanin mo lagi ang mga payo ko alright. Excuse me, I'll be taking my rounds..."Matapos iyon ay lumabas na ito. Nanatili naman nakatitig sa kawalan si Venice. Naroon sa dibdib niya na masaya siya na nalulungkot. Masaya siya na nagkaroon ng bunga ang gabing may nangyari sa kanila ng lalaking mahal niya. Kalungkutan, dahil hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Kenjie na magkakaanak na sila. Nag-aalala siya na nagbago na ang nararamdaman ng binata sa kanya. "Hey! Ven, huwag ka munang mag-isip ng kung ano-ano. Nakakasiguro naman ako na labis na matutuwa si Kenjie kapag nalaman niyang magkakaanak na kayo,"agaw-pansin ni Rodnick na tinapik-tapik pa ang braso ni Venice. "P-paano mo alam n-na si Kenjie a-ang ama nito Rod?"takang tanong niya. Napangiti naman ang lalaki, pero kapansin-pansin na may lungkot na nakabalong sa matang nakatunghay kay Venice. Kaya upang umiwas siya ng tingin. "Hindi naman sa pagka-chismuso Ven, maliit lang ang Bayan na ginagalawan natin. Marami naman na akong naririnig kahit nasa Germany pa ako. Saka balita ko na wala ka ng naging steady boyfriend since fifteen years ago. Katulad ni Kenjie na papalit-palit din ng girlfriend sa States,"tugon ng binata. "A-ano bang pinagsasabi mo Rod, masyado ka yatang nahihilig sa panunuod ng mga drama show sa telebisyon kaya pati ang relasyon meron ako at si Kenjie ay ganyan mo na rin na-vi-visualize."Iiling-iling na sabi ni Venice. "C'mon Ven, matagal na tayong magkakilala. Kahit naman na hindi na tayo nag-uusap akala mo ba'y basta-basta ko makakalimutan kung sino ka talaga. Alam ko noon pa man na may nararamdaman ka kay Kenjie, ayaw ko lang na ako magsabi sa'yo. Gusto kong ikaw mismo ang makadiskubre. But, it seems, pinanitili mo na lang ilihim ang lahat. Bakit dahil iyon ang inutos sa'yo ng Tita Reyya mo."Sa hinaba-haba ng sinabi ni Rodnick ay nanatili lang naman tahimik si Venice. Muli naramdaman niya ang magaan na dantay ng palad ni Rodnick sa may palad niya. "After my failed marriage with Ayesha narealize ko na baka pwe-pwedi na tayo. Pinilit kong ibaling sa kanya ang nararamdaman ko but it seems hindi ko makita sa kanya ang naramdaman ko sa'yo. Hopefully ay ganoon din si Kenjie sa'yo. Don't worry Ven, tutulungan kita para muli siyang bumalik sa'yo." Malungkot naman napangiti si Venice. Hindi niya alam, bahala na. Sa dami ng masasakit na salita na sinabi niya kay Kenjie ay baka mas pinili na nitong layuan siya tuluyan. ??? KASALUKUYAN siyang nagdidilig ng mga bulaklak sa hardin niya ng may isang kotse ang tumigil sa harap ng bahay ni Venice. Nakita niyang si Rodnick ang bumaba, sa araw-araw na lumilipas ay lagi itong bumibisita sa kanya. Hindi na siya pinayagan nitong magmaneho, bagkos ay ito ang naghahatid-sundo sa kanya mula sa mga pinupuntahan niya. Sasalubungin sana ni Venice ang lalaki ng makita niyang umibis din mula sa loob ng kotse nito ang Papa niya. Naroon din ang Tita Reyya niya. "Hai! kumusta ang pakiramdam mo iha, nasabi pala sa akin ni Rod ang kalagayan mo. Masaya akong malaman na mas pinili mo ng bumuo ng sariling pamilya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko na mas pipiliin mong tumandang mag-isa anak."Naluluhang bungad ni Ginoong Arturo kay Venice. Kasabay niyon ang pagyakap nito ng mahigpit sa kanya. Gusto sanang lumayo ni Venice, ngunit tila wala siyang lakas na gawin iyon. Ang totoo ay namiss niya ang mga yakap ng ama, may bahagi ng puso niya na tila gumaan. "I'm sorry Pa..."umiiyak na tugon ni Venice. Tuluyan tumugon si Venice sa yakap ng ama. Lahat ng hinanakit niya rito'y biglang nawalang parang-bula "No iha, ako ng dapat magsorry dahil iniwan ko kayo ng Mama mo,"patuloy ng matandang lalaki. "H-hindi Papa... Alam ko na po ang totoong dahilan k-kung bakit niyo kami iniwan dati. Kinailangan niyong gawin iyon para may pera na magamit si Mama sa pagpapa-opera. Matagal ko na pong alam, bago pa po mamatay si Mama ay sinabi niya ho sa akin. Patawarin niyo ko kung naging matigas po ako sa mga Taon na lumipas." "Salamat anak, siya nga pala narito ang Tita Reyya mo, hinihingi niya rin ng kapatawaran ang mga ginawa niya sa'yo dati sa inyo ni Kenjie,"baling ng ama niya matapos silang maghiwalay sa pagkakayakap. Napatitig naman si Venice sa nakakabatang kapatid ng Papa niya. "Sorry iha, nadala lang kasi ako ng hinanakit ko sa'yo noon. Kasi naman masama ang loob ko sa ginawa niyong pagtalikod ni Ate Vilma sa Kuya ko. Akala ko magiging masaya akong makaganti sa'yo kapag napaghiwalay at napahirapan ko kayo ng Mama mo. Pero maling-mali ako. Dahil pati ang step-son ko'y nagdusa rin sa lumipas na panahon,"mahabang salaysay ni Reyya. "Wala na iyon Tita, nakalipas na ho ang lahat niyon,"tugon ni Venice. "Salamat iha, totoo nga ang sinabi ni Kenjie napakabait mo. Siya nga pala may sasabihin nga pala ako sa'yo. Pero bago iyon ay mas mainam na pumasok muna tayo sa loob."si Reyya. "Ahy! Oo nga po pala, sorry po."Iiling-iling na pagpapasensya ni Venice. Agad na niyang iginiya papasok ng bahay ang mga ito. Naghanda na rin siya ng sandwiches at juice. Nagutom siya sa ginawang pagdidilig sa labas kanina. Pinabayaan lang naman niyang makakain sila, bago muling nag-usisa si Venice. Kalalapag palang niya ang basong iniinuman ay nagsalita na si Reyya. "Iha, alam mo na ba ang totoong dahilan ni Kenjie bakit bumalik siyang muli sa States?"tanong nito. "Po? W-wala naman pong binabanggit si Ken sa akin Tita,"takang tanong ni Venice. Mataman munang nag-isip si Reyya bago sabihin ang isang bagay ng tungkol sa step son nito. Tinitigan muna niya sa mata ang pamangkin. Hindi niya mawari, pero may pakiramdam siyang hindi niya magugustuhan ang maririnig na sasabihin ng Tita Reyya sa kanya... HALOS hindi mapaniwalaan ni Venice ang narinig mula sa Tita Reyya niya. Mabuti na lamang at nanatili siyang nakaupo ng mga sandaling iyon. Kung 'di bumulagta na siya. "Are you alright Ven? Ang mabuti pa'y pumasok ka muna sa silid mo para makapagpahinga ka. Alalahanin mo ang ipinayo ng O.B Gyne mo. Tita, please, hindi po makakabuti sa kanya ang mga sinasabi mo,"pakiusap ni Rodnick. "Gusto ko lang naman na malaman ng pamangkin ko ang katotohanan hijo. Gusto kong kahit paano'y may maging dahilan si Kenjie para lumaban sa sakit niya,"patuloy ni Reyya. "Ayos lang ako Rod, saka Tita, salamat ho at sinabi niyo sa akin ang lahat. Huwag ho kayong mag-alala, kakausapin ko po ang O.B ko kung maari akong bumiyahe papunta sa States. Gusto ko rin naman pong nasa tabi ako ni Kenjie lalo ngayon na hindi po maganda ang lagay niya,"wika ni Venice. Kagyat ang paglatay ng galak sa magandang mukha ng Ginang. Tila nabunutan ito ng tinik sa dibdib. "Oh! thanks God! Ven. Kahit paano ay makakabawi ako kay Ryu, kung ganoon ay aalis na kami ng Papa mo. Kauuwi ko lang galing States, sana pagbalik ko rito ay maari na kitang isama pabalik. Natitiyak kong masisiyahan si Kenjie at papayag na siyang magpagamot. Tara na Kuya Art,"yakag ni Reyya. Nagyakap muna ang mag-ama bago tuluyan lumabas ang mga ito ng bahay niya. "Salamat sa pang-unawa Rodnick, ngayon pa lang ay ipinagpapasalamat ko na okay lang na isama ni Reyya sa pagbabalik niya sa States. Kahit na dinadala na ni Venice ang magiging anak niyo, after then kapag nakabalik na ang anak ko'y maari niyo ng pag-usapan ang pagpapakasal,"ani ni Arturo. Akmang sasagutin at itatama ni Venice ang akala nito ng maramdaman niya ang mahinang pagpisil ng kamay ng lalaki sa balikat niya. Kaya upang matigilan siya. Nakita niya ang pagdating ng driver ng Tita Reyya niya mula sa labas ng gate. Naiwan na lamang silang dalawa ni Rodnick. "Para saan iyon Rod? Bakit hinayaan mong isipin ni Papa at Tita Reyya na sa'yo itong ipinagbubuntis ko?"takang-tanong ni Venice na naguguluhan sa nais na gustong mangyari ng lalaki. "Matagal kong pinag-isipan ito Ven, handa akong akuin ang resposibilidad sa bata. Maging ama ng dinadala mo. Noon pa man na nagsasama kayo ni Lucas ay nangarap akong makasama kita. Maybe, ito ang sign na-" "Tama na Rod, a-ayukong pag-usapan iyan. Ni ayaw kong isipin ang bagay na iyan. Alam ko, nararamdaman ko gagaling si Kenjie. Gagawin ko ang lahat para pumayag siyang magpagamot. Kapag wala ka ng gagawin dito ay maari mo na kung iwan, g-gusto kong mapag-isa."Matapos sabihin ni Venice iyon ay tuluyan niyang tinalikuran ito. Dumiretso na siya ng higa, sa sandaling lumapat ang mukha niya sa unan ay agad ng bumalong sa mata niya ang luha na kanina pa niya tinitimpi. MAKARAAN ang isang linggo ay tuluyan lumipad papunta sa States si Venice at ang Tita Reyya nito. Sakay na sila ng family driver ng mga Buencamino kung saan patungo sila sa mansyon ng mga ito sa Gallena ILlinois . "Rod, hindi mo naman kailangan na samahan kami ng Tita Reyya ko sa pagpunta rito sa States eh,"mayamaya'y nasabi ni Venice rito. "I Don't mind at all Ven, it's my pleasure to be with you. Huwag kang mag-aalala bago naman ako sumama rito ay nakapag-usap naman kami ni Ken,"tugon ni Rodnick. "G-ganoon ba, okay..."wika na lang ni Venice. Ang totoo kinakabahan siya na hindi niya mawari, but deep inside ay nae-excite siya sa muling pagkikita nila ni Kenjie. Pagdating na pagdating pa lang nila sa mansyon nina Kenjie ay agad na silang sinalubong ni Don Kristoff. Bagama't mainit ang naging pagtanggap nito sa kanila ay ramdam ni Venice ang pagkabalisa nito sa nangyari sa nag-iisa nitong anak na si Kenjie Ryu. "Kumusta ka Venice, matagal na din ng huli tayong nagkita. I-I'm glad na napapayag ka ng asawa ko na pumarito,"salubong ng Don. Nasa living room sila. Sa dami ng nadaanan nilang naglalakihan bahay ay ang bahay ng mga Buencamino ang isa sa pinakamalaki at moderno. "S-sir maari ko na po bang makita si Kenjie?"umpisa ni Venice. Bagama't pagod ay gusto na niya itong makita at makausap. "P-pasensya ka na iha, pero siguro sa ibang oras mo na lang siya kausapin. Sa ngayon ay mas maganda na magpahinga ka muna, naihanda ko na ang magiging silid niyo. Sige na Reyya ihatid mo na sila..."utos ng matandang lalaki. Ayaw sanang sundin ni Venice iyon, ngunit naisip niya na mas mabuting makapagpahinga muna siya. Para may lakas siya ng loob na harapin si Kenjie. Sa gabing iyon ay payapang nakatulog si Venice, sa isipin na nasa malapit lang ang lalaking mahal niya at ang ama ng ipinagbubuntis niya. KAHIT maagang nakapagpahinga si Venice ay late pa rin siyang bumangon. Sa pagtayo niyang iyon ay nakaramdam siya ng pagkahilo, hahawak sana sa katabing lamesa ito ng maramdaman niya ang pag-alalay sa kanya ng isang napakapamilyar na hawak. Nang itaas niya ang paningin ay nagkasalubong ang mata nila ni Kenjie. "I-ikaw nga ba iyan K-Ken?"nasisiyahan ani ni Venice. Akmang hahawakan niya sa mukha ang binata ng bigla itong umiwas. "Pasensya ka na kung bigla-bigla akong pumapasok sa silid mo. I'm just checking you,"nakaiwas na tugon ni Kenjie. "G-ganoon ba."Gustong magdamdam ni Venice dahil tila siya estranghera sa harapan ng binata. Hindi siya sanay na ganito ito sa kanya. "Sige na Ven, see you around,"wika pa nito. Akmang tatalikod ito ng maramdaman niya ang paghawak ng kamay at pagpigil ni Venice sa kanya. "Mag-usap tayo Kenjie, alam ko na ang lahat na may C-colon cancer ka, believe me gagaling ka pa Ken. Kaya please undergo a chemo therapy. Help yourself, p-para sa anak natin. Listen I'm pregnant a-at ikaw ang ama."Sa wakas nasabi ni Venice. Lumipas ang ilang segundo, ngunit nanatiling walang naging reaction ang binata. "K-Ken wala ka bang sasabihin, h-hindi ka ba natutuwa sa ibinalita ko. M-magiging Daddy ka na!"galak niyang pang-uulit. "I'm sorry Ven, pero hindi akin ang batang iyan."Parang bomba na sumabog sa harapan ni Venice ang sinabi ni Kenjie. Hindi siya makapaniwalang sasabihin iyon nito mismo sa kanya. Hindi na napigilan ni Venice ang sarili kaya upang isang malutong na sampal ang ginawa niya. "H-hindi ko alam k-kung bakit ang lakas ng loob mong sabihin na hindi sa'yo ang ipinagbubuntis ko. Kilala mo ko Ken, this long fifteen years matapos kaming maghiwalay ni Lucas. I-ikaw lang ang tanging lalaking pinagbigyan kong makapasok sa buhay ko!"Naghihinakit na saad ni Venice. "I'm sorry Ven, mali siguro ang naging desisyon ko na bumalik pa sa buhay mo."Parang kutsilyo iyon na sumasaksak sa dibdib ni Venice. Parang ibang Kenjie ang nasa harap niya ng mga sandaling iyon. "B-bakit Ken, nasasaktan ako sa sinasabi mo sa akin ngayon. Please, k-kung may nagawa man akong hindi mo nagustuhan inihihingi ko iyon ng sorry. Sana pagbigyan mo akong makabawi sa'yo..."patuloy na pakikiusap ni Venice. Ang totoo mas natatakot siyang mawala pa sa kanya si Kenjie. Kaysa sa ano pa man meron siya ngayon. Tuluyan siyang nilapitan ni Kenjie, isang masuyong dampi sa pisngi ni Venice ang naramdaman niya na ginawa nito. Nahinuha niya ang lungkot sa mga mata ng binata. "Mas nanaisin ko pang mawala na parang bula. Kaysa ganito na nasasaktan ako ng paulit-ulit dahil sa pagmamahal sa'yo. Ubos na ubos na ako, hindi ka pa ba nagsasawa? Kasi ako, pagod na. Tama na, malaya ka na..."Wala ng nagawa si Venice ng tuluyan siyang iniwan ng binata. Kasabay ng pagsasara ng pinto nito ay ang tuluyan pagdusdos niya pasalampak sa lapag. Hinayaan niya ang pagragasa ng mainit na likido sa magkabilang pisngi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD