C1-Wallet

987 Words
“Take the first road on the left.” Niliko ng kaibigan ni Bria na si Niña ang kotse sa kaliwa ayon sa navigator. Si Niña ang nagmamaneho ng sasakyan habang si Bria ay aliw na aliw sa mga nakikitang magandang tanawin. Bihira lang silang bigyan ng kahit tatlong araw na bakasyon sa isang taon kaya naman ay lulubos-lubusin na nila ang pagkakataong ito. Si Bria at Niña ay parehong magagaling na agent ng RSIS o Ramos’ Secret Intelligence Service. Dito sila nagsanay upang maging magaling at bihasa sa pakikipaglaban. Sila ay magpinsan at matalik na magkaibigan. Ipinasok sila ng kanilang mga magulang sa RSIS noong labindalawang taong gulang pa lamang sila dahil ang mga ito rin ay mga agent ng nasabing ahensiya. “Hoy, babae! Ikaw naman ang mag-drive, pagod na ’ko!” bigkas ni Niña sa kaibigan. “O sige, pero kumain muna tayo sa malapit na kainan. Nagugutom na kasi ako,” sagot ni Bria. Pinindot ni Niña ang red button sa gilid ng navigator at nagsalita, “Take us to the nearest diner.” Tumunog ang navigator. “Scanning the area, searching for the nearest diner,” wika nito. Maya-maya pa ay nakahanap na ito ng kainan. “Go straight ahead and turn to the right.” Ginawa nga ni Niña ang sinabi sa kaniya at nang makita ang kainan ay dali-daling bumaba si Bria sa sasakyan at kinu’nan ng litrato ang kainan na diretsong lumabas sa camera. Pumasok sila sa loob at sinalubong ng isang dalagita. “Magandang umaga po. Tuloy po kayo, ma’am,” magalang na bati nito. Sa wari ng dalawa ay ito ang tagapagsilbi rito. Napalingon sa kanila ang mga kumakain dahil sa kanilang astig ngunit sexy na porma. Pumuwesto sila sa tabi ng bintana. Gawa sa kawayan ang lugar kaya naman malayang nakakapasok ang hangin. “Ano po ang gusto n’yong kainin, ma’am?” tanong ng dalagita. “Ano ba'ng inihahain ninyo rito?” tanong ni Bria. “Meron po kaming Sinigang na Bangus, Pansit, Kaldereta, Inihaw na isda at Tinolang Manok.” “Bigyan mo nalang ako ng Kaldereta at Inihaw na isda, samahan mo na rin ng kanin.” Nilista ng dalaga ang sinabi ni Bria at bumaling kay Niña. “Pansit lang ang akin,” bigkas nito. “Kuhaan kita ng picture d'yan, Niña.” Itinutok ni Bria ang camera kay Niña. Pagpindot n’ya sa button ay saktong umirap si Niña. “Ay! Ano ba yan? Ngumiti ka naman!” reklamo niya. “Tss… ‘Wag mo nga kasi akong pictur-an!” naiinis na saad nito. Eksaktong dumating ang kanilang pagkain kaya itinago na niya ang camera at nagsimulang kumain. “Halatang hindi ka nakakain ng breakfast,” puna ni Niña nang mapansin ang dire-diretsong subo ng kaibigan. Ngumiti si Bria. Hindi nga siya nakakain ng breakfast dahil excited siya ngayong araw. Pumasok sa kainan ang isang lalaki! Maganda ang porma nito na gaya ng suot ng mga businessman. Inilibot niya ang paningin sa buong lugar at nang mamataan ang dalawang babaeng mukhang mayaman ay ngumisi ito at agad na lumapit sa kanila. “Hi, mga miss!” bati niya kina Bria at Niña. Tumingin lang ang mga ito sa kaniya at muling ibinalik ang atensiyon sa pagkain. Umupo siya sa bakanteng silya sa kanilang mesa. “Alam ninyo, ako ang pinakamayaman sa lugar na ito kaya naman ay iginagalang ako ng lahat,” sambit pa niya. Natawa naman ang mga lalaking kumakain sa kabilang table na nakarinig ng sinabi ng binata. “Ako nga pala si Alexander. Tawagin n’yo nalang akong señorito Alex…” Tuluyan na nga nitong pinagyabang ang sarili na ikinainis ng dalawa. Ayaw na ayaw nilang makarinig ng mga mayayabang na salita lalo na kung wala silang nakikitang puwedeng ipagyabang nito. “Ako ang may-ari ng buong lupaing ito kaya naman malaki ang utang na loob sa ’kin ng mga taong naninirahan dito. Ako rin ang nagbigay ng puhunan sa mga tindahan dito at---” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bigla siyang tiningnan ng matalim ni Bria. “Kapag hindi ka tumigil, lilipad ka sa bintanang ito!” banta ng dalaga. Kinabahan siya sa sinabi nito pero naisip niyang babae lang ito at mukhang hindi naman sila gagawa ng ganoong bagay kaya tumawa siya na mas lalong ikinainis ng dalawa. Nang makitang tumingin na rin nang matalim sa kaniya ang isa pang babae ay dahan-dahan siyang sinidlan ng takot. Napalunok siya at tumayo. “S-sige, aalis na—” “Umalis ka na kung ayaw mong basagin ko ang pangit mong mukha!” matapang na sigaw ni Niña. Dahil sa takot ay kumaripas ito ng takbo palabas. Nang matapos na nila ang pagkain ay lumapit sa kanila ang dalaga at sinabi kung magkano ang kanilang babayaran. Kumindat kay Bria si Niña hudyat na siya na ang magbayad. Kinapa ni Bria ang kaniyang bulsa, pero hindi niya mahanap ang wallet. Kinapa niya pa sa ibang bulsa pero wala rin. Doon siya nagduda na baka dinukot ng lalaking iyon ang wallet niya. “Oh! 'Wag mong sabihing wala diyan ang wallet mo!” bigkas ni Niña nang mapansing hindi mahagilap ng kaibigan ang wallet nito. “Okay, fine. Magkano nga ulit ang pagkain namin?” muli niyang tanong sa dalagang tagasilbi. “Php150 po lahat.” Kinuha niya ang dilaw na pera sa pitaka at iniabot sa dalaga. “Ay! Sorry po, ma’am! Kakabukas pa lang po namin kaya wala pa po kaming panukli,” bigkas nito. “You can keep the change,” sagot ni Niña . “Tanong ko lang, nakita mo ba 'yong lalaking umupo dito sa table namin kanina?” tanong ni Bria. “'Yon po bang lalaking umaastang mayabang?” Tumango si Bria. “Oo.” “Ay opo! Manloloko po 'yon! At marami na po siyang nabiktima lalong-lalo na po ang mga mukhang mayaman at bagong salta sa lugar na ito,” sagot ng babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD