C6-Changed?

1043 Words
Dumating na ang linggong pinakahihintay ng lahat. Umaga pa lang ng Lunes ay naroon na ang lahat sa training ground. Ang mga agent na may papel sa pagsalubong sa newly hired agents ay maayos na nakapila sa ground habang ang iba na walang gagawin ay maayos na nakaupo sa mga upuan sa gilid. Ang mga director naman ay nakapuwesto sa entablado. Ang mga uniporme ng agents na sasalubong ngayon ay ibang-iba sa mga nakagawian nilang kasuotan. Dark blue ang kanilang suot na uniform mula sa cap, dress at boots na may tatak na RSIS. Nang tumunog na ang alarm, hudyat na nagmamartsa na papasok ang mga bagong agent ay nagsimula nang tumugtog ang mga agent na naka-assign sa musika na tinuruan ni Rolando. Sa gitna ay may pulang carpet na magsisilbing daanan nila. "Agents and officials, let us welcome the newly hired agents of Ramos' Secret Intelligence Service," anang emcee na itinalaga ni Bria. Ang mga newly hired agents ay nakapuwesto na sa dulo ng red carpet. "We have 570 Uniformed Division Officers, 453 Investigative Protection Officers, 898 Special Agents and 1 Deputy Special Agent In Charge." Nagulat ang lahat sa huling sinabi ng emcee. Who's this last agent? Bihira lamang mabigyan ng mataas na ranggo ang isang baguhan. Ngunit ang higit na pinaka nagulat sa lahat ay si Bria. Hindi niya akalain na ang isang baguhan ay tataas ng isang ranggo sa kaniya. "For the rank of Uniformed Division Officer, we have UDO Marisse Evangelio, UDO Marky Ferdinand—" Isa-isang tinawag ang lahat. Ang mga agent na sumasalubong at bumabati sa mga bago ay nakikipagkamay sa kanila habang ang mga nasa likod ay sumasaludo na lang. Nakikipagkamay rin si Bria sa kanila dahil siya ang nasa harap bago aakyat sa entablado ang mga bagong agent at makikipagkamay naman sa RSIS officials. "Special Agent Rico Lastimosa and Special Agent Melinda Garcia." Nang matawag na ang lahat ay bumukas ang gate at pumasok ang dalawang naka shades na agent. Nanlaki ang mga mata ni Bria nang makilala niya kung sino ang huling lalaking nakasunod sa dalawa. "And now, agents and officials! Let us all rise to welcome the new Deputy Special Agent In Charge Alexander Ortega!" Sabay-sabay na tumayo ang lahat habang naglalakad sa red carpet si Alex. Hindi alam ni Brianna kung bakit sobrang lakas ng t***k ng puso niya sa lalaking matagal na niyang 'di nakikita. Ngunit napansin niyang may kakaiba sa binata! Hindi siya nakikipagkamay sa mga agent. Taas-noo itong naglalakad at hindi siya ngumingiti na taliwas sa nakilala niyang Alex. Ang kaniyang mga kamay ay nakasuksok sa dalawang bulsa ng slacks at dire-diretso ang lakad. Maayos na maayos ang porma nito na para bang sanay na sanay magsuot ng coat and tie with matching shades. Napatingin si Alex kay Bria nang nginitian siya nito pero hindi niya pinansin at nilagpasan niya lang. Umakyat siya sa entablado. Nalungkot si Bria dahil imposibleng makalimutan siya ni Alex. At hindi naman ganoon katagal ang huli nilang pagkikita kaya hindi siya makapaniwala. Natapos ang programang iyon na balisa si Bria. Maayos na sana eh! Pero dumating pa si Alex at hindi man lang siya nginitian. "Hoy! Lalim ng iniisip natin ah!" biglang sulpot ni Niña. Napatigil sila sa paglalakad nang makitang lumabas ng Director's room sina Boss Rando at Alex. Hindi sila nito nakita. "Grabe ang lakas ng aura ni Alex ngayon ha! Ang laki ng pinagbago niya ngayon! Pero teka! Bakit magkausap sila ni Director?" Lumingon sa kaniya si Bria. "Hindi mo ba naaalala? Magkaibigan ang tatay ni Boss Rando at si Lola Eliz kaya malamang malapit siya kay boss." Tumango-tango naman si Niña sa sinabi ng kaibigan. Nakita nilang tinapik ng Director ang balikat ni Alex saka diretsong umalis. Tumalikod si Alex dito dahilan upang humarap siya sa dalawang dalaga. Naglakad siya papalapit sa kanila ngunit nagulat ulit ang mga ito nang hindi sila pinansin ni Alex at nilagpasan lang na parang hangin. "Sandali! Alex!" hinabol ni Bria ang binata ngunit hindi siya nito naririnig! Hinawakan ni Alex ang doorknob ng Office of Deputy Special Agent In Charge / DSAIC's Office nang biglang may malamig na kamay ang dumantay sa kamay niya. Nagtataka siyang napalingon kay Bria. "What?" iritadong tanong niya. Hinahabol pa ni Bria ang hininga niya. "Kanina pa kita tinatawag pero di mo'ko naririnig! Haaayy pambihira ka naman!" reklamo nito. Kumunot ang noo ni Alex at agad tinanggal ang kamay niya sa doorknob. "Naging Deputy Special Agent In Charge ka lang, nakalimutan mo na'ko! Grabe, ibang-iba ka na!" patuloy ni Bria. "Miss, I don't wanna waste my time. So please, if you have nothing important to say to me, just get out of my way!" supladong turan ni Alex. Lalong nagtaka si Bria. "Aba! Tingnan mo nga naman oh! Naging agent ka lang ng RSIS, daig mo pa ang Americano sa pag e-english ah!" Ymiling-iling pa ito. Lalo namang nainis si Alex sa dalagang kaharap niya. "Why? And who are you, anyway?" Itinaas niya ang kanang kilay at sumandal sa pader sa gilid ng pinto. Tumawa si Bria. "Grabe talaga! Six months lang naman tayong hindi nagkita pero ibang-iba ka na. Ni hindi mo na nga ako kilala!" Umiling pa siya na parang dismayado. Umiling din si Alex. "You crazy, feeling close b***h! Kung wala kang mahalagang sasabihin, umalis ka na! You're wasting my time!" Akmang bubuksan niya ulit ang pinto pero pinigilan ulit siya ni Bria. "Teka! Hindi mo na ba'ko talaga naaalala?" Huminga siya ng malalim at tumingin ng diretso sa mata ng binata na puno ng pagmamakaawa. "Ako si Bria, 'yong babaeng dinukutan mo ng wallet noon pero sa huli, naging magkaibigan pa rin tayo! Sabi mo pa nga, tutulungan ka ng kaibigan mong makapasok di—" Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil itinaas ni Alex ang palad nito. "Stop! Stop! I don't know a girl named Bria, okay? So please, stop pestering me!" bigkas nito. Napanganga na lang si Bria sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Gusto niyang malaman ang mga nangyayari. Nang mapagtanto ni Alex na wala nang sasabihin sa kaniya si Bria ay sinamantala niya ito upang tuluyang makapasok sa loob ng opisina. Natauhan na lang si Bria nang marinig ang pagsarado ng pinto. "You've changed, Alex. A lot!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD