Maagang naggising si Bria ngayon dahil na rin sa kanilang meeting sa RSIS.
Ang RSIS o Ramos Secret Intelligence Service ang pinakamagaling na intelligence agency sa buong bansa. Itinatag ito noong 1946 pagkatapos ng World War 2 sa pamumuno ni Hernando Ramos at ngayon ay kasalukuyang director ang kanyang apo na si Fernando "Rando" Ramos na sumunod sa pamumuno ni Zandel Ramos.
Well-trained ang kanilang mga agent at punong-puno ng mga high-tech na gamit kaya palaging nagtatagumpay sa misyon.
Pagkatapos mag-ayos ni Bria ay inikot niya ang vase na nakapatong sa mesa. Dahil dito, napunta sa gilid ang kaniyang cabinet at tumambad sa harap niya ang kanilang headquarter.
Humakbang siya papasok dito. Nakita niya na hindi magkamayaw ang lahat sa kung anong gawain. Dumiretso siya sa main office at nakita niya ang ilan na komportable nang nakaupo sa kanilang assigned seats.
Nakita niyang nakaupo na si Jennie ngunit si Niña ay mukhang wala pa. Umupo na rin siya sa kaniyang upuan at matamang naghintay.
Ilang sandali pa ay dumating na rin si Niña kasunod ang kanilang Director na si Rando.
Si Fernando Ramos o mas kilala bilang Rando ay 50-year-old na at siyang pinakamakapangyarihan sa kanilang lahat. Siya ang lubos na ginagalang at walang pasubaling sinusunod ng mga agent ang mga utos niya. Magaling din ito sa pakikipaglaban kaya kinatatakutan siya ng lahat.
Naglakad ito papasok. Tumayo ang lahat at bumati. Agad naman niyang sinenyasan ang lahat na maupo. Nang makarating siya sa unahan ay agad siyang nagsalita.
"Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa. I need you to submit your mission reports as soon as possible starting from the very first day of the year up to your last mission yesterday,” panimula niya.
"This is Monday and deadline will be on Wednesday. Next week will be a different week to all of us. Why? I will start from less important to very important. First, ia-announce na kung sino ang mga newly hired agents of this agency. Ako mismo ang pumili sa kanila kaya walang dayaan na nangyari. Second, is the retirement of RSIS members who already reached 70 years old and above. Bibigyan natin sila ng parangal ayon sa mga nagawa nila. Third, magkakaroon ng promotion ang mga nakikita kong magaling at kuwalipikadong agent dito sa RSIS bilang kapalit sa mga umalis na. Fourth and most importantly, I want you all to be prepared for the arrival of my beloved son. I want you to welcome him with a warm greeting and wide smiles on your faces."
Natuwa ang lahat at pumalakpak sa anunsiyo ng director lalo na sa huling sinabi nito.
"Deputy Director Azrael Montefalco, ikaw na ang bahala sa mga dapat gawin," bilin nito sa DD bago umalis.
Tumayo ang Deputy Director at nagsimulang magsalita. Nasa kalagitnaan na rin ang edad nito na hindi nalalayo sa Director. Buong buhay niya ay siya na ang nagsilbing kanang-kamay ni Fernando at nanatiling tapat sa tabi nito.
"Dahil sa nabanggit ng ating Director na mga gagawin sa susunod na linggo ay magtatalaga ako ng mga mamumuno sa bawat aktibidad na 'yon,” wika niya at tiningnan ang papel na pinagsulatan niya ng mga pangalan kanina.
"Assistant Special Agent In Charge Brianna Emersyn Wixx, ikaw ang mangunguna sa pagtanggap at pagbati sa mga newly hired agents. Ibibigay ko sayo ang limangdaang agents upang sanayin sa gagawing pagsalubong, paghahanda ng darausan nito at magbibigay ka ng dalawang challenge upang makita nating lahat ang galing nila! Isang individual challenge at isang teamwork activity. Senior Special Agent Rolando Madrigal, ikaw ang magiging kasama ni Assistant Special Agent In Charge Brianna. Is it clear to the both of you?"
"All clear, Mr. Deputy Director!" sabay na wika ni Brianna at Rolando.
Tumango siya at tumingin kina Niña. "Assistant Special Agent In Charge Janine Franco at Senior Special Agent Daniel Nuevo, kayo ang bahala sa pagpe-prepare ng venue para sa retirement of some RSIS members. Also, kayo rin ang magte-train sa mga Uniformed Division Officers (UDO) sa pagsaludo sa mga newly promoted RSIS agents. Do you get me?"
"We get you, Sir!" sabay na wika nina Niña at Daniel.
"Special Agent In Charge Carlos Laxamana together with his wife, Jennie Laxamana, kayo ang mangunguna sa pagbati sa anak ng ating Director. Bahala kayo kung anong pakulo ang gusto n'yong gawin para sa kaniya. Basta ang importante, mayroong sasalubong kapag dumating na ang sasakyan niya. Kailangang maging maganda ang pag-welcome n'yo. Ang anak ng ating Director ay hindi basta-bastang binata, nakasalalay sa kaniya ang ranggo ninyong dalawa dahil kapag hindi niya nagustuhan ang ginawa n'yo ay bababa ng ilang baitang ang ranggo n'yo. Am I clear, Laxamanas?"
"Very clear, Deputy Director!" sabay na sagot ni Jennie at Carlos.
Tumango siya at inilapag na Ang papel sa mesa. Tumayo siya nang tuwid at tiningnan isa-isa ang mga agent na naroon. "Ok now, your mission reports should be submitted before the deadline at the office of Assistant Director. Your mission reports will be the basis kung sino ang karapat-dapat na newly hired agents ang bagong makakasama n'yo sa bawat misyon. But of course, hindi muna iyon sasabihin next week dahil siguradong magiging busy ang lahat. Lahat tayo ay kailangang kumilos upang maging madali ang gawain. Isang malaking event ang mangyayari next week at inaasahan namin ang full cooperation of thousands of agents here in RSIS. All clear?"
"Clear!" sigaw ng lahat.
"I'm expecting a beautiful performance to the leaders especially for those who assigned at the arrival of Director's son. Your rank is at risk, Mr. and Mrs. Laxamana."
•••••
Naging abala ang lahat. Halos lahat ay may kani-kaniyang gawain. Sa training ground gaganapin ang pagpapakilala sa mga newly hired agent kaya naman abalang-abala si Bria. Binigay sa kaniya ang limang robots na siyang gumagawa at naghahanap ng designs, taga-abot ng kanilang kagamitan at tagapagpaganda ng mga stage decoration.
Ang kaniyang kasama naman na si Rolando ang nagbibigay ng mga instructions sa kung ano ang tutugtugin at mga kailangang gawin ng mga agent.
Ganoon din sina Niña at Jennie, mayroon ding robots na tumutulong sa kanila upang mas lalong mapadali ang mga gawain.