Patakbong lumapit sa kanila si Bria nang nakangiti habang ang pagkakatali ng buhok nito ay unti-unting natatanggal.
Sa pagkakataong iyon, parang bumagal ang takbo ng paligid kay Alex at tanging si Bria lamang ang tangi n'yang nakita na unti-unting lumalapit.
"Janine, pictur-an mo naman ako oh! Aakyat ako sa taas tapos ku'nan mo 'ko!" paghingi nito ng pabor Kay Niña.
Tumayo si Niña. "Magbibihis na 'ko, Brianna! Si Alex na lang ang kunin mong camera man!" bigkas ni Niña.
Ngumiti ito at kumindat kay Alex na para bang sinasabi niya na 'it's your chance.'
Mabilis namang tumakbo si Bria palapit kay Alex.
Iaabot na niya sana ang camera rito pero natigilan siya dahil naalala niyang galit nga pala siya rito dahil sa wallet niya.
Ang kaninang magandang ngiti ay napalitan ng simangot.
Mukha namang nakuha ni Alex ang ibig sabihin ng pagsimangot ng dalaga.
"Ah Bria, sorry nga pala kung kinuha ko ang wallet mo. Kailangan ko lang talaga kasi ng pera para sa gamot ni Lola Eliz. Pero 'wag kang mag-alala, wala naman akong kinuha sa pera mo. Sorry ulit."
"M-may sakit ang lola mo?" tanong ni Bria.
Tumango si Alex at huminga nang malalim.
"Osteoporosis! Kailangan kong magkaroon ng pera para makabili ako ng bisphosphonate pills. Kaya sorry ulit."
Naawa si Bria sa kuwento ng binata kaya nalusaw ang galit nito. Hindi niya akalain na may sakit si Lola Eliz kahit masigla pa itong kumilos.
Marami silang napuntahan sa buong araw. Sa bawat magagandang lugar ay naroon si Alex upang ku'nan ng litrato sina Bria at Niña.
Ang pagkakataong iyon ay naghatid ng kakaibang saya kay Alex.
Si Bria at Niña naman ay tuwang-tuwa dahil minsan lang silang mabigyan ng pagkakataong makita ang magagandang bagay sa labas ng mundong ginagalawan nila.
Doon na sila nakituloy at nakitulog ng dalawang gabi sa bahay ni Lola Eliz.
Sa loob ng dalawang araw ay nabuhay sila nang normal. Isinantabi muna nila ang kanilang mga gadget, nagpakain ng baboy at manok, naghahatid ng mga gulay at prutas sa palengke at kung ano-ano pa.
Sa loob din ng dalawang araw na iyon ay nabuo ang pagkakaibigan sa pagitan nina Alex at Bria.
•••••••
Nag-aayos na sila ng mga gamit. Ito na ang kanilang huling araw at babalik na ulit sila sa trabaho. Kinakarga ni Alex ang tatlong basket ng iba't-ibang mga prutas sa likod ng kotse ni Bria.
"Lola Eliz, maraming-maraming salamat po at malugod n'yo kaming tinanggap sa bahay n'yo. Isa pong karangalan sa amin ang makilala at makasama ang dating Deputy Assistant Director ng RSIS," bigkas ni Niña.
"Wala iyon, hija. Ako nga ang nagpapasalamat dahil nakita ko ang mga bagong agent ng RSIS kaya parang nakikita ko rin ang dati kong sarili sa inyo," nakangiting wika ng matanda.
Nakasandal sa gilid ng kotse si Bria at nang matapos si Alex sa ginagawa ay tumabi ito kay sa dalaga.
Sabay na nila ngayong tinitingnan sina Lola Eliz at Niña na nag-uusap.
"Magkikita pa ba tayo?" tanong ni Alex.
Tumingin sa kaniya si Bria at huminga nang malalim.
"Hindi ko rin alam! Siguro magkikita tayo ng higit sa isang taon?"
Tumingin ng diretso sa kaniya si Alex.
"Gusto ko ring makita ang mundo ng mga agent. May isa akong kaibigan na tutulungan akong makapasok doon."
"Puwedeng-puwede ka naman sigurong pumasok doon dahil doon na rin galing ang lola mo."
Umiling si Alex sa sinabi ni Bria at napangisi.
"Hindi 'yon gano'n kadali. Kung makikita mo, hindi ko alam kung paano lumaban. Kailangan ko munang matuto bago ako papasok. Alam ko, matagal pa bago mangyari 'yon dahil kailangan ko pang bantayan si lola. Tuturuan muna ako ng kaibigan kong 'yon saka ako papasok ng RSIS."
"Eh sino naman 'yong kaibigan mo?"
Ngumisi ang binata. "Hindi mo na kailangang malaman. Basta isa lang ang masasabi ko, may mataas syang ranggo sa ahensiya n'yo."
•••••
Kasalukuyang nilalakbay ng sasakyan ang daan pabalik sa bahay ni Niña. Lumilipad pa rin ang isip ni Bria sa sinasabing kaibigan ni Alex noong nakaraang anim na buwan.
Sino naman kaya iyon? Malamang kilala niya. Pero bakit wala siyang mahanap na sagot?
Napansin ni Niña ang pagiging tahimik ni Bria.
"Iniisip mo pa rin ba ang kaibigang sinasabi ni Alex?"
Sinabi na ito ni Bria sa kaniya noon pa at maging siya ay wala ring maisagot.
"Malalaman din natin kung sino siya!"
Gabi na nang makarating sila sa bahay ni Niña. Naabutan nilang komportableng nanonood ng TV si Jennie. Siya ang ate ni Niña na siyang pinakapanganay sa kanilang magkakapatid.
"Tamang-tama at umuwi na kayo ngayon. Magkakaroon tayo ng meeting sa headquarter bukas. Kailangan nating pumunta do'n bago mag alas cuatro ng umaga."
Nagulat naman ang dalawa sa sinabi ni Jennie.
"Bakit hindi namin alam 'yon?"
Umirap naman si Jennie sa reklamo ng kapatid.
Kinuha niya ang dalawang cellphone sa bag at ipinakita sa dalawa. Nanlaki naman ang mga mata nila at sabay-sabay na kinapa ang buong damit.
"Papa'nong napunta sa 'yo ang cellphone namin?"
"Hello! Sa kakamadali n'yong lumabas, naiwan n'yo itong cellphone n'yo dito sa table. Mabuti na lang at hindi pa ito nakikita ni Nica. Dahil kung pinakialaman niya ito, baka wala na itong high-tech phone ninyo ngayon," wika ni Jennie at inihagis sa dalawa ang cellphone na pareho nilang nasalo.
Si Nica ang pangalawang anak ni Jennie na limang taong gulang pa lang.
Binuksan ni Bria ang cellphone pagdating sa kuwarto upang tingnan ang mensahe ng Deputy Director (DD).
Deputy Director: All agents of Ramos Secret Intelligence Service (RSIS) must attend the important meeting tomorrow before four in the morning. Any excuses in absence are not allowed. You'll be punished if your face will not be seen at the meeting.