C3-Brother's promise

1191 Words
Si Elizabeth Mandaue o mas kilala bilang Eliz ay naging kasapi ng RSIS sa loob ng dalawampung taon. Nagsimula s'ya bilang Investigative Protection Officer (IPO) hanggang sa tumaas ang ranggo bilang Deputy Assistant Director. Hindi sya pumalpak sa mga misyon kaya maraming nagagalit at naiinggit sa kaniya. Hanggang sa inatake ang pamilya niya nang hindi namamalayan habang nasa kalagitnaan siya ng misyon! Pag-uwi niya ay natupok na ng apoy ang kaniyang bahay. Mayroon pang usok na makikita rito. Nanghina ang kaniyang tuhod at napaluhod sa lupa nang makita ang kalagayan ng bahay at maisip ang kaniyang pamilya. Naisip niyang maghiganti at hanapin ang mga taong nasa likod ng mga ito. Ngunit narinig niya ang iyak ng sanggol niyang apo mula sa babae niyang anak. Hinanap niya ito at nakita niyang nakahiga ito sa bilog na lalagyan na hinding-hindi masisira kahit anong mangyari. Kinuha niya ang bata at naisip niyang lalayo nalang siya kasama ang apo at maninirahan sa isang lugar na payapa. Ipinasa niya ang resignation letter pero hindi iyon inaprubahan ng kanilang Director. Sinabi nito sa kaniya na kung gusto niyang umalis, pwede siyang umalis at kung gusto niyang bumalik ay bukas para sa kaniya ang RSIS. Matapos ikuwento ni Lola Eliz ang kanyang buhay sa dalawang dalaga ay naisipan ng mga ito na magtungo sa likod-bahay kung saan naroroon ang mga alagang manok at baboy ng matanda. Maya-maya pa ay dumating na ang apo nito na bagsak ang balikat. “Lola!” malungkot na wika nito sabay mano. “Bakit ngayon ka lang? Tamang-tama, may mga bisita tayong magaganda!” Biglang nagliwanag ang mukha ni Alex nang marinig ang sinabi ng lola. “Talaga po? Kanila po ba ang nakaparadang kotse diyan?” “Oo, kanila nga! Halika, ipakikilala kita!” masayang wika ng matanda at hinila ang apo sa likod ng bahay. Biglang tumunog ang detector ni Bria. “Warning! Warning! The man who grabbed your wallet is approaching. Get ready!” Galit na tumayo si Bria at nang marinig ang pagtawag sa kanila ng matanda ay lumingon ito habang ang mga mata ay nanlilisik. Natigilan si Alex at biglang namutla dahil hindi niya inaasahan na muli niyang makikita ang babaeng dinukutan niya ng wallet. Bakit nga ba hindi niya namukhaan na ang kotse palang iyon ay sa kanila. Tiningnan siya nang matalim ni Bria at mabilis na sumugod sa lalaki. “Ikaw!” Tatakbo sana siya ngunit hinablot ni Bria ang damit niya. Sinuntok ni Bria sa mukha si Alex ngunit mabilis itong nakaiwas pero pag-iwas ng binata ay mabilis siyang sinipa ni Bria sa kanang parte ng mukha. Napadapa siya sa lupa! Hinawakan ni Bria ang buhok ng binata at isinakto ang kaniyang tuhod sa sikmura nito kaya napadaing siya. “Nasaan ang wallet ko?” galit na sigaw ni Bria. Nanginginig na kinuha ni Alex ang wallet sa bulsa ng kaniyang shorts. “Eto na!” mahinang wika niya. Hindi pa nakuntento si Bria at muli niya itong sinipa sa mukha dahilan upang mapasubsob si Alex sa kulungan ng baboy. ••• “Señorito Alex pala ha! Lampa naman pala!” nanggigigil na wika ni Bria. Kasalukuyang ginagamot ni Lola Eliz ang mga pasa sa mukha ng apo. Madalas naman ang pagdaing nito. “Pagpasensiyahan mo na, hija, itong apo ko at mayabang talaga 'yan! Wala namang maipagyayabang,” bigkas ni Lola Eliz. Lihim namang natawa si Niña. “Lola, may maganda po ba kaming mapupuntahan sa lugar na ito?” tanong niya. “Marami, hija. Makikita ninyo ang tinatawag naming Downhill falls, Stone bridge, Garden of Roses at iba pa lugar na ito. Kaya lang medyo malayo 'yon dito eh.” Nagkatinginan ang dalawang babae at ngumiti. “This vacation will definitely be fun,” maligayang wika ni Bria. Una nilang pinuntahan ang Downhill falls kasama si Alex. Hindi na sumama si Lola Eliz dahil sasakit lang daw ang tuhod niya sa kakalakad. Bitbit ni Alex ang isang bayong na puno ng prutas habang kinakain ang isang Manggang malapit nang mahinog. “Maliligo ba kayo? Mukhang hindi naman. Wala kayong dalang damit eh,” bigkas ni Alex sabay kagat nang malaki sa kinakaing Mangga. Nginitian siya ni Niña at ipinakita ang kaniyang cellphone. “Cellphone?” Tumango si Niña. “Hindi lang ito basta cellphone. Tingnan mo ha!” May pinindot s'yang kung ano roon at lumabas sa screen ang yellow button. “Give me simple clothes!” wika niya. “As you wish, Agent Franco!” sagot ng cellphone. Dahan-dahang lumabas ang isang supot. Ipinakita niya sa lalaki ang laman nito. Isang set ng damit at panyapak sa paa. Manghang-mangha si Alex sa nakita. Hindi siya makapaniwala na may ganoong uri ng kagamitan ang babae. Nang marating nila ang talon ay naglatag sila ng tela at doon naupo samantalang si Bria naman ay panay ang kuha ng litrato sa falls. Pasimpleng pinagmasdan ni Alex ang dalaga. Hindi niya maikakaila na maganda ito, may tamang tangkad at magandang pangangatawan. Napahawak siya sa kanyang mukha, namamanhid pa rin ito dahil sa mga sipa na natamo. Napangiti na lamang siya nang makita ang ngiti ni Bria na labas ang ngipin habang nakatanaw sa paligid. Natauhan lamang siya nang sikuhin siya sa tagiliran ni Niña. Kanina pa siya nito kinakausap pero hindi niya napapansin dahil nakatuon ang atensiyon niya kay Bria. “Hoy! Natulala ka na diyan sa kaibigan ko ah!” asar nito sa kaniya. Ngumiti lang sya. “Ganda niya, ‘di ba? Alam mo, mabait naman ‘yang si Bria pero ‘wag na ‘wag mong gagalitin dahil baka hindi ka na masikatan pa ng araw,” wika ni Niña habang tumatawa. Tumingin si Alex kay Niña habang patuloy itong nagsasalita, ngunit agad ding ibinaling ang paningin kay Bria. “Wala na siyang magulang. Nabaril ang nanay at tatay niya noong five years old pa lang siya. Ang kuya niya naman na 15-year-old na noon ay bigla nalang nawala pagkatapos mailibing ang mga magulang nila. Pero bago mangyari iyon, inihatid muna siya ng kuya niya sa bahay namin. Magkapatid ang mga mama namin kaya kami lang ang pinagkatiwalaan ng kuya niya noon. Sinabi nito na hindi niya kayang alagaan si Bria, pero babalik siya. Sisikapin niyang makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang trabaho bago niya babalikan si Bria at pagbabayarin ang mga taong nasa likod ng p******************g nila. Sabay kaming lumaki ni Bria at masasabi ko na ganoon din ang takbo ng isip niya. Patuloy pa rin niyang hinahanap ang mga taong pumatay sa magulang nila,” kuwento ni Niña. “Eh nasaan na ang kuya niya ngayon?” tanong ni Alex. Umiling si Niña. “Hindi namin alam. Pagkatapos ng araw na ’yon, wala na kaming nasagap na balita tungkol sa kaniya hanggang ngayon. Hindi rin namin sinabi kay Bria na buhay pa ang kuya niya lalo na’t hindi kami sigurado kung buhay pa nga ito.” “Bakit 'di n’yo sinabi sa kaniya?” “Dahil iyon ang bilin ng kuya niya. Hindi pa siya sigurado na magiging maayos nga ang buhay niya at ayaw niyang umasa si Bria dahil baka hindi matupad ang pinangako niya.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD