Mira POV “Anong nangyari sayo?” Tanong ni ate Vangie nang makita niya ang itsura ko. Kadarating lang nila at iba pang mga empleyado galing sa panananghalian. Maraming kainan sa labas at dun sila galing. Hindi ako sumasama sa kanila dahil nagdadala ako ng sariling lunch box para makatipid at dito ko na lang sa opisina kinakain. Gulat na gulat sila ng makita ang tinta sa uniporme ko pati na rin ang aking mukha na namumula pa dahil sa pagkiskis ko ng aking mukha dahil napakahirap tanggalin ng tinta sa balat. “Magpalit ka kaya muna Mira.” wika ng isa sa mga katrabaho ko. “Okay lang po ako ate Linda, saka na lang ako bibili pag sahod ko. May isa pa naman ako sa bahay.” “May mga available pa namang uniporme sa inventory. Marami tayong overstock dun, magrequest ka na lang sa HR para hindi

