Nag-isip muna si Ms. Abalos bago sumagot. “Ah… 3 years old po.” anito. Para akong nabingi sa sinabi nito. “A-are you sure 3 years old lang?” muli kong tanong at baka nagkakamali lang ito. “Opo sir, may birthday invitation pa nga siyang ibinigay sa akin last week kasi mag fo-four na yung bata sa isang Linggo.” paliwanag ni Ms. Abalos. Para akong tinaksan ng dugo sa ulo dahil sa narinig. Nanghina ang aking mga tuhod at napaupo. Napapikit ako at nanginginid ang aking kalamnan ngayon. Kung 3 or 4 years old lang ang bata ay hindi ako ang ama. Para akong tatakasan ng bait sa mga oras na ito. So, may pamilya na si Mira? Sila ba yung kasama niya sa mall nung makita ko siya? Ang kababata nitong si Alfred ang kasama niya at nakaakbay sa kanya habang buhat ang bata. So, totoo ngang sumama si

