Jake POV Kaninang kanina pa ako kumakatok sa pintuan ng tinutuluyan ni Mira ngunit hanggang ngayon walang sumasagot. Aalis na sana ako para maghintay sa sasakyan ng isang may edad na babae ang lumapit at nagtanong sa akin. “Si Mira ba hinahanap mo?” bungad nito. “Hindi pa yata siya umuuwi.” tugon ko. “Ay, nagtext siya sa akin kahapon pa na babalikan na lang niya mga gamit niya.” “Anong babalikan? Ano hong ibig nyong sabihin?” “Sino ka ba? Bakit mo siya hinahanap?” tanong nito sa akin. Mukhang ayaw basta magbigay ng impormasyon. “Girlfriend ko ho si Mira…” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang hindi naniniwala. “Sigurado ka? Panong mangyayari yun eh may anak na si Mira. Mukha ka pa namang binata.” Hindi ko pinansin ang mga sinabi nito. “Alam nyo po ba kung anong ora

