Jake POV Umorder si Mark ng steak habang ako naman ay hirap na hirap na mamili ng kakainin dahil sa tuwing titingin ako sa menu ay naaalala ko si Mutya nang kumakain ito ng itlog at tuyo. Sana naman ay kumakain silang dalawa nang maayos. Sa huli ay pinili ko ang BLT sandwich dahil ito ang pinakamura sa menu, ganun pa man ay may kamahalan pa rin. “Hindi ka ba gutom? Hindi mo masyadong ginagalaw yang pakain mo?” wika ni Mark na abala sa paghihiwa ng kanyang pagkain. Napailing ako at napabuntong hininga. “Iniisip ko ang mag-ina ko, kumain na kaya sila?” “Jake, gutumin mo man o hindi yang sarili mo, hindi magbabago kung ano man ang ginagawa nila ngayon.” “Ganyan din ako mag-isip dati pero nang makita mismo ng mga mata ko kung anong klaseng buhay merun siya dahil sa akin, parang hindi ko k

