bc

Got to Get Over You

book_age16+
3.4K
FOLLOW
34.1K
READ
revenge
love-triangle
family
fated
second chance
friends to lovers
playboy
badboy
badgirl
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Bea Esguerra was known for a being the “campus beauty queen” during their college days. Sa kabila noon ay magkakaroon siya ng lihim na relasyon sa isang nerd sa school-si Terrence Gonzales. But in the end she was succumbed with peer pressure and immaturity and broke Terrence heart.

Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, sa hindi inaasahang pagkakataon ay pagtatagpuing muli ang landas nilang dalawa. Bukod pa roon ay muli ring magbabalik sa kanyang buhay ang ex-boyfriend niyang si Marco Sarmiento na nagawa siyang lokohin noon at ipagpalit sa ibang babae.

Kahit na anong gawing iwas ni Bea sa dalawang lalaking nagkaroon ng malaking puwang sa kanyang puso ay pilit na gagawa ang tadhana ng paraan para mapaglapit ang mundo nilang tatlo.

Her ex-boyfriends will keep on pursuing her. No matter how hard the chase, they won’t give up until they win Bea’s heart once again.

Sa bandang huli sino kaya ang pipiliin ni Bea? Ang lalaking nagawa siyang saktan? O ang lalaking dati niyang pinaglaruan?

chap-preview
Free preview
Prologue
Last day of school na ngayon, inaya ako ng mga kabarkada ko na pumunta sa isang sem break party. Ginanap ito sa Neo Party Place. I wore a pink spaghetti strap blouse and denim mini skirt. Kanina pa tawag ng tawag sa cellphone ko si Terrence but I've kept on ignoring his calls. Hindi kasi ako nagpaalam sa kanya na pupunta ako sa party. "Kanina pa nagri-ring 'yang phone mo Bea!" Pagpansin sa akin ng bestfriend kong si Gwen. I just shrugged. Hindi rin naman kasi nila alam ang lihim na relasyon namin ni Terrence. Who would have thought na ang beauty queen ng St. Clements University ay secret boyfriend pala ang isang nerd sa school. Bumaha ng alak courtesy ng mga kabarkada naming sina Jett, Patrick at Mike. All out ang lahat sa paglalasing kaya naman halos tipsy na ang mga taong aming nakakasalubong. Everybody was partying to loud trance music dahil sa wakas natapos na naman ang isang nakakapagod na semestre sa school. Bahagyang umaalon na rin ang paningin ko. Iniwanan ko muna sina Gwen at Charmaine sa gitna ng dancefloor. Naupo muna ako sa naging pwesto namin kanina. Isang lalaki ang biglang lumapit sa akin. "Can I buy you a drink?" Napaangat ako ng tingin sa kanya. He looked cocky on his military cut hairstyle. The dragon tattoo on his right arm became visible as he raised his right hand towards me. Nakipagkamay siya sa akin. "It's nice to meet you again. I'm Denver!" pormal niyang pagpapakilala. Amoy alak na ang kanyang hininga. Bigla ko siyang namukhaan, siya 'yong vocalist ng banda na nag-perform sa pageant night. "I'm Bea! Screw up cocktail na lang sa 'kin." May isang waiter na lumapit sa kanya. Pagkabigay niya ng mga additional orders ay tinabihan niya ako ng upo sa sofa. Mapungay na ang mga mata ni Denver; halatang lasing na. Mas lalong lumakas ang tugtugin sa kabuuan ng venue kaya naman hindi na kami magkarinigan ni Denver sa aming pag-uusap. Dahil dito ay mas idinikit pa niya ang kanyang bibig sa aking kaliwang tainga. "Wala bang magagalit kung aayain kitang mag date some other time Bea?" I granted him my sweetest smile. Hindi na ako nagulat sa sinabi niyang iyon. Kanina ko pa iyon ramdam. He's definitely hitting on me! "Bakit hindi ka makasagot? May magagalit ba?" pangungulit pa niya. Natawa na lang ako. Walang ano-ano ay mas idinikit pa ni Denver ang mukha niya sa akin. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko. His tongue started to explore the inside of my mouth. Halos manlaki ang mga mata ko sa senswal na paraan ng paghalik niya sa akin. He nipped and claimed every corners of my mouth. Hindi na niya alintana ang mga tao sa paligid naming dalawa. I was catching my breath after that unexpected French kiss from Denver. Hanggang sa matuon ang atensyon ko sa pigura ng isang lalaki na kanina pa pala nakatayo sa aming harapan. Kaagad din siyang nagtatakbo paalis nang magtama ang aming mga mata. Hindi ako maaaring magkamali... si Terrence 'yon! Dali-dali akong tumayo sa sofa at tinahak ang daan papalabas ng club. Binilisan ko ang pagtakbo, nagbabasakaling maabutan ko siya sa bus stop ngunit naging bigo ako. Mabilis kong kinuha ang aking cellphone mula sa dala kong shoulder bag. I tried to call his number but he kept on cancelling my incoming calls. I was so frustrated! Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Why do I act as if I care for his feelings, when in reality kulang na lang ay hindi ako lumabas ng campus na kasama siya? Nagdaan pa ang ilang araw, walang paramdam ni-isang text o tawag sa akin si Terrence. Hanggang sa umabot ng isang buwan ang kawalan namin ng komunikasyon. Mabuti na lang din at hindi kami nagkita sa loob ng campus no'ng kuhanan ng classcards. I assumed na baka sa pagkakaalam niya ay wala na talaga kami kaya hindi na rin niya ako kinausap pagkaraan ng insidente sa sem break party. *** Bandang alas sais ng gabi nang tinawag ako ng maid namin at sinabing may naghahanap daw sa akin sa labas. Napapitlag ako pagkakita ko kay Terrence sa labas ng gate ng aming bahay. Mabibikas ang pagiging hapis ng kanyang mukha. Pumayat din siya. Sa loob ng isang buwang hindi namin pagkikita ganito na kalaki ang pinagbago ng pigura niya. "Bea, nagpunta lang ako rito para magpaalam sa 'yo, sa Maynila ko na kasi ipagpapatuloy 'yong pag-aaral ko." I was taken aback from what I heard. I didn't expect that he will be transferring to other school on the next semester. "Pinag-isipan kong mabuti kung dapat pa ba akong magpaalam sa 'yo o hindi na, pero pinili ko pa ring magpaalam. Kung para sa 'yo hindi seryoso kung ano man ang mayroon tayo sa akin hindi, 'yong anim na buwan na relasyon natin pinahalagahan ko 'yon sobra. Wala akong ibang hinangad kung hindi ang mapasaya ka." I almost lost my breath. His eyes mirrored sorrow and profound agony. Huminga muna siya nang malalim bago muling nagpatuloy. "Alam kong ikinahihiya mong ipaalam sa ibang tao na boyfriend mo 'ko. Bakit? Dahil ba hindi ako kasing gwapo ng mga naging ex mo? Hindi nila ako kasing sikat? Wala man ako ng mga katangian na kagaya sa kanila, ako naman 'yong taong may tunay na pagmamahal sa 'yo. Salamat na lang sa lahat ng magagandang alaala. Sana maging masaya ka sa piling ni Denver, bagay na bagay kayo 'di ba? Pareho kayong campus celebrity." Nabanaag ko mula sa suot niyang salamin ang mga luhang unti-unti nang tumutulo mula sa magkabila niyang mga mata. Hindi ko na nagawang makasagot pa sa mga nasabi niya dahil dali-dali na siyang naglakad papalayo. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na lang ang malayang paglalaglagan ng mga luha ko. That was the last day that I ever saw him... That was the last time that I ever saw Terrence. Ganito pala ang pakiramdam ng ikaw naman ang makapanakit. Kasing pait din pala ito nang kapag ikaw ang niloko. Kasing sakit nang kapag ikaw ang sinaktan. At least, kakaibang experience naman ngayon. Iyong dalawang ex boyfriend ko, ako ang ginago at niloko. Ngayon ako naman ang nagpaasa at nangloko. I swear hindi ito gano'n kadali... Hindi rin madaling manggago!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Rebellious Love (Tagalog/Filipino)

read
163.1K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Just Another Bitch in Love

read
39.3K
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
474.7K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.6K
bc

OSCAR

read
248.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook