Hindi na nakapagtataka ang pagka-late ko ngayong araw. Hangover sucks!
8:30 AM na ako nakarating sa Admin's Office. Pinagtitinginan ako ng mga ka-opisina ko habang mabilis akong naglalakad papunta sa cubicle ko. I could feel the blood rose up on my cheeks.
Wish ko lang sana ay hindi mainit ang ulo ni Ma'am Geronimo ngayon kasi siguradong mabubugahan ako ng apoy no’n. Ginapangan ako bigla ng kaba. Kaya binilisan ko na ang aking paglalakad.
Pagkaupo ko sa swivel chair ay nagpalinga-linga ako sa paligid. Napabuntong hininga ako habang nakahawak ako sa aking dibdib. Thank God at wala si Ma’am Geronimo, hindi niya ako nakitang late.
Agad kong kinuha iyong transcript na ginawa ko kahapon habang nasa meeting kami kasama ang mga taga-Praxis Engineering Firm. Bigla ko na naman tuloy naalala iyong over-confident at sarcastic kong ex boyfriend na si Terrence.
Maganda naman ang konsepto ng proyekto namin lalo na iyong overall presentation namin kahapon, wala na siyang ginawa kung hindi i-reject iyon.
Pumunta ako saglit sa pantry upang makapagtimpla ng kape. Pagkabalik ko ng aking cubicle ay kinausap ako ng officemate ko na si Xavier.
“Bea may emergency meeting daw tayo, punta muna raw tayo ng conference room,” aniya.
“Ah okay, sige susunod na lang ako kukuhanin ko lang iyong planner ko,” ang naging tugon ko habang hinahalo ko ng kutsara ang tinimpla kong kape.
Makalipas ang tatlong minuto ay pumunta na ako ng conference room ng departmento namin. Pagkabukas ko ng pinto, nanlaki ang aking dalawang mata sa lalaking aking nakita.
Si Marco...
Double crap!
Ano na ba ang nangyayari sa mundo at bigla-biglang nagpapakita sa akin lahat ng ex boyfriend ko?
Kung nakaya ko ang naging pagkikita naming muli ni Terrence kahapon, heto yatang pagkikita naming muli ngayon ni Marco ay hindi ko na kakayanin!
Kalorkey!
Earth, swallow me whole now please!
Nag-krus ang mga mata naming dalawa. His reaction after seeing me was unreadable. Mapait ko siyang tinignan. Nakasuot siya ng isang pormal na black corporate suit. Pagkatapos noon ay binabaan ko na siya ng tingin.
Nakabalik na pala siya ng Pilipinas. Kailan pa? Don’t tell me na makakasama rin namin siya ngayon sa meeting?
Hindi ko alam kung bakit kahit na anong pilit ko na iwasang matingnan si Marco ay hindi ko magawa. Hindi ko makontrol ang paglalakbay ng mga mata ko patungo sa direksyon niya. Abala silang nag-uusap ng isang lalaki na sa tingin ko ay kasama niya.
Napakurap-kurap na lamang ako habang tila dina-disect ng utak ko ang bawat parte ng katawan nitong si Marco. Hindi maipagkakaila na mas lalo siyang gumwapo ngayon, mas pumuti rin siya dala siguro ng pamamalagi niya sa Canada sa loob ng limang taon. It really suited his damn ass bad boy features. Mas na-highlight ang matangos niyang ilong at manipis na mga labi.
Kahit naka-corporate suit siya ngayon astig pa rin tignan ang porma niya. You could still feel the roughness on his aura. His haircut of short sides with medium length hair on top really matched his ruggedness.
Alam kaya ito nina Gwen, Mike at ng buong barkada? Pagkatapos niya kasing magpunta at magtrabaho sa Canada wala na rin sila masyadong naging communication nina Mike, nagkaroon na sila ng malaking gap simula noong mag-break kaming dalawa at ipagpalit niya ang aming barkada sa girlfriend niyang si Tricia.
Naalala ko na naman tuloy iyong nakaraan namin. Why does the past keep on haunting me now?
Marahan akong naglakad patungo sa bakanteng upuan ng conference room, sa tabi ni Millet. Mga apat na upuan ang nasa pagitan namin ni Marco.
Sa gitna ng conference table nakaupo ang supervisor namin na si Ma'am Geronimo.
“Kumpleto na ba tayo?” ma-awtoridad na tanong niya.
“Yes Madam,” tugon naming lahat.
“Nagpatawag ako ng meeting upang ipakilala sa inyo ang mga project manager ng Praxis Engineering Firm na naka-assign sa Cher Hotel 2 Project. Sa Engineering Department naka-assign si Engr. Michael Estrella.”
Tumayo si Engr. Estrella pagkatapos banggitin ang pangalan niya, tumango muna ito sa aming lahat bago muling naupo.
“Sa Planning and Design Department naman ang naka-assign ay si Architect Marco Sarmiento.”
Tumayo rin si Marco pagkatawag sa pangalan niya sabay ngiti sa aming lahat pagkatapos no’n ay muli na itong naupo sa kanyang silya.
“Ang head pa rin ng Cher Hotel 2 Project is Engr. Gonzales, pero ang madalas nating makakasalamuha sa trabaho sa project na ito ay sina Engr. Estrella at Architect Sarmiento.”
Tila nag-slow motion ang paligid ko pagkarinig ko ng mga sinabing iyon ni Ma'am Geronimo. Napalunok ako. Kung suswertehin ka nga naman talaga sa buhay!
What a great opportunity it is to work with two of my exes!
“Millet hindi ako makapaniwala!” Natataranta na ako sa paraan ng aking pagsasalita habang papalabas kami ni Millet ng conference room.
“Anyare friend? Mukhang shock na shock ka riyan?”
“Nakita mo ba si Marco?”
“Marco? Iyong gwapong architect na taga-Praxis?”
“Oo, si Marco!”
“Oo, si Architect Sarmiento. So ano’ng mayroon sa kanya?” takang-takang tanong niya. Nakakunot ang kanyang noo.
“Siya iyong kinukwento ko sa iyong ex boyfriend ko no’ng college na nagpunta ng Canada!”
“Whaaaat? Of all the people?” Millet’s eyes nearly went out of its socket due to astonishment.
“Kaya nga e. Sa dinami-dami ba naman ng architect sa mundo!” naiirita kong puna habang sapo ko ang aking noo.
“Baka naman pinagtatagpo kayo ng tadhana?” I was caught off guard. Mabilis akong umiling.
“No way! Tapos na iyong sa 'min ni Marco, wala ng part 2 o season 2 whatever you call it,” determinado kong sagot.
“Gano’n talaga kalaki iyong galit mo sa kanya? O baka naman mahal mo pa kasi kaya galit ka pa rin? Sabi kasi nila kapag galit ka pa ro’n sa ex mo ang ibig sabihin daw no’n ay hindi ka pa nakakamove-on,” giit pa ni Millet.
Tinaasan ko siya ng kilay “Hindi ba pwedeng naka-move on na talaga ako pero sagad sa buto pa rin ang galit ko roon sa tao? Wala na talaga akong feelings para sa kanya.”
Natawa na lamang siya sa akin. Awtomatiko siyang sumagot.
“Well, ako kasi dati no’ng single pa ako, galit na galit ako sa mga ex ko ayoko talagang makita ang mga pagmumukha nila, pati sa sss pinagba-block ko silang lahat ; ‘yong gano’ng level friend! Pero no’ng naging boyfriend ko na si Andrew, nagbago ako nawala na iyong ka-bitteran ko sa buhay. Na-realize ko na kaya pala hindi kami nagkatuluyan no’ng mga past boyfriend ko kasi makakakilala pala ako ng mas hihigit pa sa kanila. I think friend you deserve to have someone na mamahalin ka ng totoo, mag-boyfriend ka na kasi ng maka-move on ka na sa kanilang lahat.” Sa pagkakataong ito naging seryoso ang aura ng kaibigan kong si Millet. She seemed sure enough with her words. Napaisip tuloy ako nang malalim dahil sa mga sinabi niyang iyon.
Marahan akong tumango. “Tama ka, kaso sa mga nanliligaw sa akin ngayon wala pa talaga iyong hinahanap ko na spark.” I looked at her intently.
“Sabagay mahirap naman pilitin na mahalin mo iyong isang tao for the sake na masabi lang na may lovelife ka. Dadating din ‘yon friend, malay natin baka iyong isang ex mo naman pala ang meant to be for you, si President Terrence.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa huling sinabi ni Millet. Napalingon pa ako sa paligid namin upang makasiguro na walang ibang nakarinig sa mga sinabi niya. Hinila ko muna siya sa isang bahagi ng corridor.
Pinilit kong hinaan ang boses ko. “Naku friend don't you ever mention his name again nasisira ang araw ko!” Umirap ako sa ere.
“But you can't deny it friend, he is so damn good looking at sobrang successful pa. I am wondering if he is still single. What do you think?” Ngumisi ako bilang ganti sa mapanuri niyang titig.
“For sure maraming girlfriends ‘yon. Ang mga lalaking hindi pinapansin at walang nagiging girlfriend noong highschool at college ay nagiging talamak na babaero pagtanda!” buong kasiguraduhan kong saad sa kanya.
Nanliit ang mga mata ni Millet, tila may kung anong binabasa sa mga mata ko. “Paano kung mahal ka pa rin niya? Ikaw ang nangloko sa kanya di ba? Sumagi na rin kasi sa isip ko ‘yon friend e, hindi kaya naging bitter siya sa 'yo noong huling pagkikita n’yo kasi may feelings pa rin siya sa iyo?”
“I don't care!” iritable kong tugon. Ngunit ayaw pa ring magpaawat nitong si Millet. Pilit niyang hinuhuli ang mga mata kong kanina pa umiiwas sa pang-i-interrogate niya.
“When you saw him the last time, you don't find him attractive? Friend, tell me honestly. Kung si Rina nga panay ang pagke-kwento sa mga ka-department namin tungkol do’n sa super hot na presidente ng Praxis Engineering Firm. Medyo suplado nga lang daw.”
“Oo gumwapo nga siya. Sobrang malaki ang pinagbago niya,” Pinilit ko pa ring gawing normal ang tono ng boses ko kahit na naiilang na ako sa pinag-uusapan namin ni Millet.
“Gotcha! I know you still like him. You still like Terrence.” Isang malisyosong ngisi ang pinakawalan ng kaibigan ko. Nagkakibit-balikat lang ako at pinagpatuloy na muli ang paglalakad patungo sa direskyon ng cubicle ko.
“What do you mean by still?” tanong ko kay Millet na nakasunod pa rin ng lakad sa akin.
“Base sa kwento mo, sa tingin ko minahal mo si Terrence no’ng naging kayo noong college, nadala ka lang sa peer pressure, sa iisipin ng ibang tao kaya hindi mo siya nagawang panindigan. Pero minahal mo talaga siya hindi dahil sa itsura niya minahal mo siya dahil sa pagkatao niya.” Mabilis akong napahinto sa ginagawa kong paglalakad upang harapin siya.
Suddenly I was lost for words. Hanggang sa makabalik na ako sa aking desk ay hindi na maalis sa isipan ko ang mga napag-usapan naming iyon ni Millet.
How can I move on from my past if I will be working with two of my exes for the Cher Hotel 2 Project? Why do I feel like I was trapped in a tangled-web now?
Fate! Why are you are so cruel to me?