One week after that major major major heartbreak of mine, ginawa ko na lang abala ang aking sarili sa aking negosyo. Maya't maya ang pagpunta ko sa tatlong branches ng boutique ko. I need to werk werk werk harder! Kailangan kong kumita. Hindi rin biro ang nagastos ko noong nakaraang linggo. Isang dekada ko yatang ipon ang nagasta ko sa loob lamang ng dalawang araw! Sabi nila isa raw sa pinaka-epektibong paraan para makapag-move on ang isang tao ay ang pagbuhos niya ng buong atensyon sa kanyang career. Pero bakit kahit anong pagpapagod ang gawin ko sa pagta-trabaho at the end of the day, kapag mag-isa na lang ako sa aking kwarto naaalala ko na naman siya... His look, his scent, his touch, his kiss, his warmth. Nababaliw na yata ako. Tulad na lang ngayon I kept on stalking on his f*******

