Kinabukasan sobrang nalungkot ako dahil paggising ko ay nalaman kong may sakit si Marco ngayon. Mayroon siyang lagnat. Sobrang lamig kasi ng klima ngayon dito sa Paris, kung hindi talaga sanay ang katawan mo sa lamig, you will probably catch a flu here. Sa buong maghapong ito ay mamamalagi na lamang kami sa aming silid. Bukas na ang pinakahuling araw ng aming pagbabakasyon dito sa Paris siguro naman bukas ay magiging okay na ulit ang pakiramdam ni Marco. I decided to order soup for him for his breakfast so he could also drink his medicine. Habang kumakain siya, “Ayan kasi Baby may pahubad-hubad ka pa kahapon ng polo mo. Nasa Paris kaya tayo at 12 degrees Celsius ang average temperature dito ngayon. Ang hilig kasi mag show-off ng abs, nalamigan ka tuloy!” pagbibiro ko kay Marco. He ju

