Around 5:30 in the morning, I was driving along Tabang Toll Plaza; it was the endpoint of the North Luzon Expressway at Tabang Exit. Pagkabayad ko ng toll fee ay pinaandar ko na ang aking sasakyan. May kadiliman pa ang paligid, nakabukas pa rin ang mga kulay puting ilaw ng mga poste na nasa kahabaan ng Mc Arthur Highway. May mangilan-ngilan rin akong natatanaw na mga commuters na nag-aabang ng masasakyan sa mga nadadaanan kong jeepney stop. Linggo ngayon, marahil ay hahabol ang ilan sa kanila sa misang pang alas sais. Ilang saglit pa ay napadako kay Marco ang takbo ng isip ko. Gising na kaya siya ngayon? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya na iniwanan ko siyang mag-isa sa loob ng aking condo? Somehow I felt guilty for leaving him. I couldn't forget how his eyes blazed

