Alas otso ng gabi na ako nakauwi galing sa apartment ni Millet. Napakaraming nakaka-stress na pangyayari ngayong araw. Nabuko na kami ni Terrence ng fiancée niya. But at the end of the day, nakuha ko pa rin ang kasiguraduhan mula sa taong pinakamamahal ko na hindi niya ako bibitiwan hanggang sa huli. Pagkatapos kong ma-stress ng bongga kahapon, naging isang napakalaking hamon ang araw na ito para sa akin-ang pagpasok ko sa aming opisina sa Cher Hotel. Ang hotel na pagmamay-ari ng karibal ko na si Cher Pineda. Baka mamaya ay ban na pala akong pumunta roon. Baka bigla na lang akong damputin ng mga guards at ipagtabuyan ako papalabas ng hotel. Nakakahiya naman kapag naranasan ko ang ganoon. Ngunit wala naman akong choice, kailangan ko talagang pumasok sa aming opisina dahil sa tambak ang

