Merlyn Alas-tres y medya ng hapon dumating ang tinutukoy ni Bernard na si Manong Manolo. Pinakilala ako rito ni mama Esmeralda. Asawa raw ng mayordoma sa bahay nila. So ibig sabihin ba niyan. Iisa ng tirahan nitong si Bernard at mama Esmeralda? At…si Philip din? Pero ayon naman kay Philip. Sa Sta. Isabel kami uuwi at nabanggit niya ang Hacienda Natividad ay matatagpuan sa Sta. Isabel. Baka nga sa bahay nitong Bernard kami uuwi. Pero malaking palaisipan sa akin same sila ng surname ni Bernard. Natividad din si Philip at dalawang taon lang ang agwat nila ni Bernard. Pero five years pa lang pumanaw ang daddy ni Bernard. Kaya nagtataka ako, ayaw ko lang magtanong kay Philip baka masamain nito. Naisip ko kasi cheating? Sinarili ko na lang ang gusto kong itanong noon sa asawa ko. Nakita ko na

