Merlyn
Dumilat ako. Saglit akong natulala ako sa kisame. Nagtataka ako hindi na ito kotse. Nasaan ako nakahiga na ako sa…n-naririto ba ako sa ospital?
Ang anak ko. Puno ng takot na bulong ko. Mabilis ko iyon kinapa ang aking tiyan. Naiiyak ako sa labis na galak dahil nasa sinapupunan ko pa ang baby ko.
L-ligtas ang anak ko. Hindi kami napahamak tahimik akong umiiyak dahil ang saya-saya ko kasama ko pa ang baby ko.
Maya-maya naalala ko si Philip. Narito din kaya siya sa ospital? May tumulong ba sa amin? Pareho ba kaming na-rescue? Inikot ko ang aking paningin sa kinaroroonan ko. Nasa ospital na nga ako. Pagtingin ko sa aking paanan. Bumungad sa akin may nakaupo sa sofa. May-edad na magandang babae. Nakangiti ito sa akin ngunit kitang-kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata kahit nakangiti ito sa akin.
“S-sino po kayo?” mahina kong sambit. Wala akong nakuhang sagot dahil kinumusta niya ako.
“Salamat dahil gising ka na, hija. Kumusta na ang pakiramdam mo?” malungkot na nakangti na saad niya sa akin.
Bumangon ako agad itong nataranta nilapitan ako. “Hija, ‘wag ka muna bumangon magpahinga ka pa. Baka makasama sa inyo ng apo ko,” aniya hinawakan ang kamay ko.
Apo?
Namilog ang aking mata natigilan akong pinagmasdan siya.
Siya ba ang mama ni Philip? Kasi narinig ko ‘apo’ ang tawag niya sa baby ko. Nasaan kaya akong ospital? Kasi huli kong natandaan malayo pa kami para makarating sa Sta. Isabel.
“Merlyn, ako ang mama ni Philip. Tawagin mo rin akong mama Esmeralda,” malambing ang boses na saad niya sa akin. Hindi nga nagsinungaling si Philip ng sabihn niya maganda ang mama nito at mabait.
“Mama Esmeralda,” bulong ko ngunit umabot pala sa pandinig niya.
“Thank you,” tugon pa nito tila maiiyak.
“G-gusto k-ko po p-puntahan si Philip,” pakiusap ko sa kaniya.
Napatda si mama Esmeralda. Kumurap kurap pa ang kaniyang mata. Bakit kaya? Kinabahan ako sa nakikita kong reaksyon at malungkot n'yang mata.
Please ‘wag naman sana. Wala na akong ibang pamilya. Paano kami ng baby ko kung mayroon masamang nangyari kay Philip. Sana ay okay lang ito ayaw kong mag-isa nasanay na ako kasama si Philip kahit dalawang buwan pa lang kami ikinasal.
“Please po gusto kong puntahan si Philip. Okay lang po ba siya?” tanong ko ulit ngunit biglang may bumara sa lalamunan ko. Hindi ko maintindihan bakit nadadala ako sa malungkot na mata ni mama Esmeralda.
Napayuko ang ginang. Kaya napalunok ako. Lalo na ng mapansin ko ang pamumula ng kaniyang mata. May nasilip akong luha nakadungaw na nagpipigil lang ito umiyak.
No! H-hindi pu-puwede mawala si Philip…nag-umpisa na akong humikbi. Hinawakan ni mama Esmeralda ang kamay ko kaya lalong lumakas ang iyak ko.
“W-wala na siya Merlyn, hindi pinalad na umabot dito sa ospital…” umiyak na rin ang mama Esmeralda. Niyakap niya ako. Sabay kaming umiyak habang yakap namin ang isa't isa.
Pagkalipas ng sampu minuto na ma emosyanal naming pag-uusap ni mama Esmeralda, kumalas ako sa kaniya tipid akong ngumiti.
“Hindi po ba kayo galit sa akin?”
Tila nagulat pa siya sa aking tinanong. “Kasi hindi nakaligtas si Philip, ako buhay na buhay—”
“Hija hindi namin naisip iyan. Hindi mo rin iyon kagustuhan. Kahit masakit sa amin na iniwan kami ni Philip. Hindi kami magagalit sa ‘yo,”
“Salamat po mama Esmeralda,” tugon ko naiiyak ako habang nakatingin sa kaniya. Naisip ko mayroon pa rin pala mababait na tao. Dati kasi sa itinuring kong pamilya. Kaunting pagkakamali ko lang. Ako na ang sisihin ni tiya Sally. Kasama pa ang anak niya halos sakalin na ako sa sobrang galit nila. Makakatikim pa ako ng malakas na sampal at masasakit na salita.
Pero dito sa mama ni Philip. Hindi pa nila ako kilala, pero wala akong natanggap na panghuhusga galing sa kaniya. Pag-unawa ang ipinaramdam niya sa akin. Salamat, akala ko bukod kay Philip, wala na talaga magmamalasakit sa akin.
“Oh, Merlyn. Bakit naman umiiyak ka ulit hija?”
“W-wala po ma'am Esmeralda. K-kasi ngayon lang po ako nakaranas ng walang panghuhusga.”
Niyakap niya ako hinaplos ang buhok ko. Uminit ang dibdib ko sa bawat dantay ng haplos niya. Ang swerte ng mga anak nito mapagmahal na tao.
Bumukas ang pinto kaya kumalas ako ng yakap sa mama Esmeralda at lumingon ako para lang mawala sa aking sarili sa bagong dating na lalaki.
Sino ito ang g'wapo niya naman sobra. Ito ang tamang description ng mga ideal man ng kadalagahan. Talk dark and handsome. Tila ba sanay magbilad sa araw dahil sa kayumanggi n'yang balat. Pero sobrang seryoso naman. Iyon bang matatakot ka magkamali sa harapan nito dahil sa awtoridad nitong personality.
Shit, anong ginagawa ko. May asawa akong tao pero humahanga pa ako sa ibang lalaki. Uminit ang pisngi ko sana lang hindi mapansin ng mama Esmeralda. Nakakahiya rito humahanga ako sa ibang lalaki habang ang anak n'yang si Philip ay hindi pinalad na mabuhay.
“Ehem!” tumikhim ito ngunit bakit pakiramdam ko para sa akin iyon dahil sa akin siya nakatingin.
“Hija anak ko rin ‘yan si Bernard, siya ang Kuya ni Philip,” saad ni mama Esmeralda na kinalaglag ng aking panga.
What the heck! Siya ang kapatid ni Philip? Kumunot ang noo ko at inalala ang mga sinabi ng asawa ko. Pangit daw ang kuya nito kaya walang babaeng magkagusto kaya nga inabot sa edad na thirty. Kaya raw nagagalit ang kuya nito kasi nga kapag nakita raw siya ng babaeng nililigaw ni Bernard. Sa kaniya na nagkakagusto ang babae.
Nainis pa ako ng kasama sa kwento ‘yan ni Philip. Asawa niya ako nagawa pang sabihin. Sa mga nagawang maganda na lang ni Philip sa akin ako naka focus, para hindi kami mag-away.
“I'm glad you're awake.”
Seryoso itong naglalakad palapit sa amin ni mama Esmeralda. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya sa tiim kasi ng titig sa akin sinong hindi maiilang.
“Ma, naayos ko na ang burol ni Philip,” saad nito pero nakakaurat lang dahil sa mama niya iyon sinabi pero sa akin nakatingin. Uso ba iyon sa kaniya kakaiba naman talaga. Malungkot ulit ang mama Esmeralda, kaya inabot ko ang kamay niya at pinisil ko iyon.
“Bernard, kailan naman lalabas si Merlyn?” tanong sa kaniya ni mama Esmeralda.
“Bukas na po ‘ma,”
Hay salamat naroon na ako sa burol ni Philip. Gusto ko sa huli makasama ito.
“Hijo, Ikaw ba ang bantay ni Merlyn, mamaya?” napatingin ako sa mama Esmeralda. Bigla akong nag-aalala ayaw kong makasama ng kami lang dalawa nitong si Bernard. Hindi yata ako makahinga ng maayos kung ito ang kasama ko magdamag.
“I've already sent Manong Manolo here to pick you up. Kanina po tumawag malapit na siya,”
“Merlyn, babalik ulit ako bukas. Bawal sa akin magpuyat kaya kapag gabi, si Bernard ang kamasa mo. Malayo pa ang Hacienda Natividad kaya alas-tres pa lang uuwi na ako,"
“O-okay lang po maraming salamat,”
Hinaplos niya ang buhok ko. Ngumiti ako bigla ko kasi na miss si mama ko.
“May pag-uusapan din kami ni Merlyn, mamaya,” saad ni Bernard na kinalingon ko sa kaniya. Kumunot ang noo ko. Unang pumasok sa isip ko baka pauuwiin niya ako sa Maynila, dahil wala na naman si Philip. Edi, sige madali naman akong kausap kung gano'n ang desisyon nito.
Bumuntonghininga ang mama Esmeralda. Animo mabigat na topic ang pag-uusapan namin ni Bernard.
“Basta ‘wag mong i-pressure si Merlyn. Alalahanin mo makakasama ang stress sa buntis,” bilin nito sagot lang naman ni Bernard humugot ng hangin.