CHAPTER 05

1227 Words
Merlyn “Talaga uuwi tayo ng Sta. Isabel? Sa lugar n'yo?" iyon agad ang bungad ni Philip, noong hapon pagdating niya galing sa office. Mabilis lang lumipas ang araw dalawang buwan na kaming kasal ni Philip. At limang buwan na rin ang baby ko sa sinapupunan ko. Wala akong pinagsisihan na nagpakasal ako kay Philip. Spoiled kami ng anak ko at one hundred percent gentleman. Maswerte kami ng anak ko dahil siya ang ama ng baby ko. “It's okay kung ayaw mo tayo umuwi,” nakangiting saad ni Philip pinisil ang ilong ko. “Sobra ka, excited nga ako kasi makikta ko na ang lugar n'yo at maging mama mo,” tugon ko sa kaniya. Madalas kasi ni Philip i-kwento ang mama nito. Mabait at maganda raw ito. Makakasundo ko raw iyon kapag nagkita kami kaya ‘wag daw akong mag-alala. Kabaliktaran naman ang sinasabi ni Philip tungkol sa kapatid nito na si Bernard. Laging negative ang sinasabi niya tungkol sa kaniyang kuya Bernard. Ginagawa ko naman ay simpleng ngingiti na lang ako sa kaniya. Tahimik na makikinig habang siya ay nagkwe-kwento sa akin. Kapag naman alam ko na malayo na ang tinatakbo ng topic namin sa kuya niya. Iibahin ko ang pinag-uusapan namin para mabaling ang atensyon niya. Ayaw ko naman husgahan si Philip kung bakit gano'n ang pananalita niya tungkol sa kaniyang kuya. Hindi rin ako maaring maging one sided dahil hindi ko alam ang puno’t dulo ng lahat. Lalo na't hindi ko naman pa nakikita ang kuya Bernard nito. Mabait si Philip, wala akong masasabi sa ugali nito simula ng ikasal kami. Kung walang ginawang mali ang kuya nito. Hindi naman siguro ganito ito magkwento sa akin. Tila ba may ginawang kasalanan ang kapatid nito kay Philip, kung pagbabasehan ko ang pinaghuhugutan ng galit ni Philip kay Bernard. Nag-aantay rin akong magbukas siya ng kwento sa akin. Ayaw kong pangunahan siya baka iyon pa ang pag-umpusihan ng aming hindi pagkakaunawaan na mag-asawa. “Promise hindi ka titingin sa kuya ko,” saad nito kinakunot ng noo ko. Gusto kong mainis sa kaniya bago itong sinabi niya nagulat lang ako. Ayaw ko naman mag-away kami tumango na lang ako. “Sorry kung ganito ang sinabi ko. Sorry, honey. Mahal lang kita natatakot ako dahil maimpluwensya si kuya Bernard kaysa akin,” saad niya mahigpit niya akong niyakap. Napilitan akong ibalik ang yakap niya. Mariin akong napapikit inunawa ko na lang si Philip. Nang kumalas siya ng yakap sa akin ngumiti ako kinurot ko ang pisngi niya. “Ang guwapo mo bakit naman kita ipagpapalit sa pangit mong kuya. Mabait pa at gentleman. Saan pa ba ako? Edi sa iyo lang dahil ikaw naman ang daddy ng baby ko.” Doon ito masayang nakangiti. “Salamat panatag ang dibdib ko dahil sa assurance mo.” “Sus matanda na iyon para sa akin bakit mo iyon iisipin.” Tumaas ang isang kilay ni Philip. Inirapan ko ngumisi ito. “Two years lang ang tanda ni kuya sa akin. Ibig sabihin matanda na rin ako sa ‘yo. Almost nine years ang tanda ko sa ‘yo,” “Eight years lang ah! Birthday ko na sa December 31, kaya twenty na ako. Take note ilang araw na lang po, birthday ko na. Wait lang…Philip doon ba tayo magbabagong taon sa Sta. Isabel?” “Yup! Naglalambing kasi si mama. Sabi ko timing dahil may asawa na ako at dadalhin kita sa Hacienda, may bonus pa siyang apo. Aba'y kinulit ako bilisan ko raw umuwi. Sa biyahe tuloy tayo magpapasko,” Kasi nga tatlong araw na lang pasko na. Iyon din ang araw na uuwi kami sa Sta. Isabel dahil bakasyon na raw nila Philip sa office nila. “Okay lang gusto kong malaman mo na masaya ako dahil ipakilala mo ako sa pamilya mo. Salamat Philip sa lahat,” “Dahil mahal kita kayo ng anak ko,” saad niya at niyakap ulit ako. ---------- Patungo na kami ngayon sa lugar nila Philip. Malayo raw ito sa Maynila. Lampas tatlong oras daw ang biyahe namin. Sarili n'yang kotse ang gamit. Sabi ko nga okay lang naman mamasahe kami, para hindi siya mapagod sa pagmamaneho. Alam ko kasi sobrang layo ng Sta. Isabel dito sa Manila. Na-search ko sa goo'gle. Lampas na raw iyon ng Tanay Rizal. Kaya nag-suggest ako kay Philip mag-commute na lang kami. Ayaw naman niya hassle raw sa byahe. Ako lang ang iniisip niya dahil nga malaki na ang tiyan ko. Bigla kong nahaplos ang tiyan ko. Sabi ng kapitbahay namin. Ang liit kong babae malaki magbuntis. Five two naman ang height ko. Maliit ba iyon? Dahil din siguro payat ako kaya nasabi maliit ako. Baka raw kambal ang baby ko. Na-excite ako ng sabihin n'yang kambal. Ano kaya ang feeling noon. Parang mahirap na masaya kasi nga dalawang baby agad sabay kong aalagaan. “Matulog ka muna malayo pa ang tatakbuhin natin,” saad ni Philip. “Okay lang ba sa iyo? Wala kang kausap paano kung antukin ka habang nagda-drive?” Sa totoo lang inaantok talaga ako dahil nga maaga pa gising na ako kanina. Para akong shunga mababaw tulog ko. Ewan ko ba kung dala lang ito sa iniisip ko na makikilala ko na ang pamilya ni Philip, lalo na ang kuya nito sabi niya pinaglihi sa ampalaya. Kinabahan ako na ewan. Mahigpit daw at walang pakialam sa damdamin ng ibang tao itong si Bernard. Nag-aalala lang naman ako hindi ako matanggap sa pamilya nila. Minsan pa naman nabanggit ni Philip sa akin wala raw makababali sa desisyon ng kuya nito. Kapag ito ang nagsalita. Well kapag hinusgahan niya ako. Ipaglalaban ko ang karapatan ko at anak ko. Asawa ko na si Philip kaya wala na siyang magagawa. “Sige na honey, matulog ka muna ayos lang ako," muli pa n'yang sabi. Naghikab ako kaya natawa si Philip, pati tuloy ako natawa na rin at naluluha na dahil nga sumabay ang aking paghihikab. “See, antok na antok ka nga?” wika niya napangiti na lang ako at pumikit na. Naalimpungatan ako ng tila bumilis ang takbo ng kotse ni Philip. Nanlaki ang mata ko pagdilat ko dahil pati si Philip tagaktak ng pawis habang kinokontrol ang manibela na pabagalan ang takbo. “A-ano ang nangyayari Philip?” Napalunok ito. “Honey, pa-parang nawalan ng preno—” "Ha?" namutla ako natakot ako. Wala pa kaming nakakasalubong na sasakyan ngayon. Natatakot na ako ayaw tumigil ang kotse ni Philip kahit na anong apak niya sa preno. Tahimik akong humikbi. Una kong inaalala ang anak ko sa aking sinapupunan. “W-wala ba tayong p'wedeng hingiaan ng tulong?” nasabi ko pa ‘yan kay Philip. Walang kibo sa unahan lang nakatingin. Naiintindihan ko kung bakit hindi niya ako nasagot dahil abala siya sa pagmamaneho. Pwede rin kami bumaba na lang ng kotse. Pero masukal na ang daan at paliko-liko pa. Saan kami pupulutin noon. Parang mataas din itong lugar panigurado gugulong kami sa baba. Nanlaki ang mata ko ng may paparating na truck. “P-Philip m-may p-paparating na truck babangga tayo!” nataranta kong sabi sa kaniya. Naisip ko ang anak ko pagkatapos pinatong ko ang magkabila kong palad sa harapan sa akin sinapupunan. Ginawa kong pangharang na tila ba kaya niyon protektahan ang baby ko. Iyon din ang huli kong natandaan sumalpok kami ng tuluyan sa nakasalubong na truck.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD