Merlyn
Dalawang araw ko lang pinag-isipan ang isasagot kay Philip. Lalabas din ako ngayon sa hospital pagdating ni Philip. Umuwi lang siya kaninang umaga upang ipalinis niya ang condo unit doon na raw kasi ako uuwi paglabas ko rito.
Bumuntonghininga ako. Hinaplos ko ang halata ko ng tiyan. “Baby, tama naman siguro ang desisyon ni mommy diba? Para sa iyo rin kaya pakakasalan ko ang ama mo kahit hindi ko siya mahal.”
Napag-aaralan naman iyon. Madali na lang matutunan sa kagaya ni Philip na mabait at guwapo rin naman hindi siya mahirap mahalin.
Hindi na tayo mahihirapan sa bahay ni tiya Sally, dahil may bago na tayong masisilungan at gagawin ni mommy ang lahat para sa ikabubuti mo. Patuloy kong kausap sa anak ko na para bang nauunawaan niya ako.
Bumukas ang pinto si Philip ang dumating. Napunta ang aking tingin sa hawak niya at nagtagal ang titig ko roon. Hinaplos ang dibdib ko ng labis na saya dahil sa hawak ni Philip na bouquet. Ang sweet naman nito. Unang beses kong makatatangap ng bulaklak at halata iyon na mamahalin at galing pa sa ama ng anak ko.
“For you dahil lalabas na kayo ni baby,” saad nito inabot niya sa akin ang pulang rosas.
Dinala ko iyon sa ilong ko para amoyin. Ang bango. “Thank you, Philip,” nakangiti kong sabi sa kaniya.
“Para sa ina ng anak ko hindi ako magsasawa na bigyan siya ng mamahalin na bulaklak," tugon niya at inilahad ang kamay sa 'kin.
Tumingin ako roon hindi ko agad tinanggap.
“Sorry,” saad ni Philip binaba ang palad niya. Nagulat pa ito ng kunin ko iyon at pinisil.
“Payag na kong magpakasal sa iyo. Yes, Philip pakakasalan kita,”
“Really?” masayang masaya niyang sabi. Hindi na ako umiwas ng alalyan niya akong tumayo at niyakap. Noong una naga-atubli pa ako, ngunit sa masayang tawa ni Philip. Walang hindi mahahawa kaya naman nakangiti akong yumakap pabalik sa kaniya.
Nakangiti akong hinaplos ang likuran. Nang kumalas hinawakan niya ang magkabila kong pisngi nagkatinginan kami. Napalunok ako ng unti-unting lumalapit sa akin ang mukha ni Philip.
Pumikit ako upang iyon ay maramdaman. Ngayon lang ako mahahalikan ng nasa sariling katinuan. Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan. Hindi pa nakalapat ang halik ni Philip sa labi ko, ewan ko bakit bigla akong umiwas.
Napaawang ang bibig ni Philip dahil sa aking mabilis na pag-iwas. Hindi ko maintindihan bakit ko iyon nagawa s kaniya. Feeling ko lang iyon ang dapat kaya hindi ko pa tinanggap ang halik niya sa labi ko.
“I'm sorry Philip. H-hindi ko sinasadya na saktan ka."
“Hey, ayos lang, Merlyn. Masyado rin akong naging mabilis. Nakalimutan ko bago ito lahat sa iyo. Hindi mo ako masisi dahil matagal na kitang na miss at ang ganda mo. I promise hindi na mauulit unless ikaw ang humalik sa 'kin,"
Natawa na ako sa huli n'yang sinabi. "S-salamat Philip, nauunawaan mo ako. nahihiya kong sagot sa kaniya. "Pero sabihin mong maganda ako hindi yata ako naniniwala. Pero salamat sa papuri,"
“Yeah,” tumango pa si Philip. Hindi nga lang pumayag na hindi niya ako mahalikan ngunit sa pisngi ko na siya humalik.
“For now ito muna,” aniya tinutukoy ang paghalik niya sa pisngi ko. Tumango ako wala naman masama kung hahalik siya sa pisngi ko. Pero hindi ba iyon unfair para kay Philip? Halik sa pisngi para lang kami niyan magkaibigan. Tipid ko s'yang nginitian. Nakita ko naman okay lang sa kaniya na ganoon muna kaya wala akong dapat ipag-alala.
“Thank you Philip, ang nice mo sa akin. Pangako pag-a-aralan ko na mahalin ka,”
“No, no, don't pressure yourself okay? Ayos lang mag-a-antay ako kung kailan mo ako mamahalin. Pero ngayon lalabas ka na at pumayag ka rin naman na magpakasal na sa akin. Let's go sa city hall ngayon na tayo magpakasal,” wika nito nakangiti.
Lihim akong napalunok. Ayaw ko lang dagdagan pa ang disappoinment niya kanina, dahil umiwas akong halikan niya sa aking labi. Kaya nakangiti akong sumang-ayon pinakita ko masaya ako sa aking desisyon.
Sa city hall nga kami tumuloy. Mabilis ang pangyayari pag-uwi namin sa condo niya around Makati. Kasal na kami ni Philip.
“B-bakit pala hindi ka nag-invite ng kamag-anak mo kanina.”
Natigilan si Philip saglit hindi nakasagot. Pero ayaw ko naman isipin niya pakialamera ako dinaan ko na lang sa biro.
“Kasi wala tayong witness na kamag-anak mo. Pero kung hindi ka naman komportable dahil biglaan nga naman itong kasal natin. Ayos lang woi. H’wag ka ng mag-isip diyan.”
"Gusto ko rin may alam ka kahit paano sa pamilya ko. Kahit man lang sa pangalan nila."
“Name ni mama ay Esmeralda, isa siyang teacher ngunit hindi siya nagturo simula ng mag-asawa. Si papa ay isang dentist. I have one brother. Mas matanda sa akin ng dalawang taon. Magkaiba kami ng Tatay.”
“Okay,” saad ko. Pero napaisip ako sa kapatid niya. Ibig bang sabihin ay thirty na ito dahil si Philip, twenty eight daw siya.Tanders na pala iyong kuya ni Philip. May asawa na kaya? Kasi ganiyan edad may asawa at anak na.
“Si Kuya Bernard ko mayaman iyon. Pinakamayaman sa buong Sta. Isabel. Daddy kasi niya ang nagmamay-ari ng halos lahat ng lupain ng buong Sta. Isabel. May Hacienda rin siya. Hacienda Natividad.”
“Edi mayaman ka rin dahil kapatid mo siya,” pabiro ko mahina pinalo ang balikat niya.
“Hindi naman mayaman ang daddy ko. Oo maykaya, dahil nga dentist at may sarili siyang clinic. Pero kung itatabi mo sa kayamanan ni kuya Bernard. Wala pang ¼ kung ano ang mayroon ako.”
“Ano ka ba hindi naman mahalaga ang sobrang yaman. Kung masaya ka at nabibili mo naman ang gusto mo na signature na damit, sapatos at alahas. Kaya swerte ka pa rin. Ako nga hanggang tingin na lang ng mga tindang damit sa palengke. Hindi ko pa kayang bilhin dahil mahirap lang ako,”
“Isa pa mabait ka, Philip malaking kayamanan na iyon,” muli kong sabi sa kaniya.
“Salamat Merlyn,” sagot niya. Akala ko nga tapos na kami pag-usapan ang kuya nito. May sinabi pa ulit si Philip. “Tama ka Merlyn. Lamang ako sa kaniya dahil siya, hanggang ngayon ay malungkot pa rin mag-isa sa buhay. Samantalang ako maganda at mabait ang asawa ko. May bonus pang anak at iyon ang wala siya at hindi kailanman mangyayari,” tugon ni Philip. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa huli niyang sinabi.
“I-ibig kong sabihin matanda na siya pero wala pang asawa.”
Hindi ko pinakita kay Philip nabigla ako sa nalaman ko. Ayaw ko s'yang i-judge ngunit kapatid niya iyon kahit sabihin ng half brother lang hindi dapat ganoon manalita sa kapatid. Wala pa pala asawa kahit na thirty na. Pihikan siguro dahil mayaman. Ganun naman ang mayayaman s'yempre nga naman pipili sila ng kanilang ka-level.
“Hindi lang siguro marunong manligaw o pihikan siya sa babae.”
“Walang babaeng magkakagusto sa kaniya dahil nga iba ang ugali niya," tugon ni Philip. “Noong bata pa kami. Lahat ng bagay na magustuhan ko sinusulot niya!"
“Philip?” nagulat ko sa biglang paglabas ng inis sa salita niya. Pinagmasdan ko siya wala akong kibo. Si Philip naman ay kakamot kamot sa batok niya nakangiti na ngayon
“Kapatid mo pa rin iyon pagpasensyahan mo na lang," tingin ko naman ng tumango siya nakauunawa sa ibig kong sabihin. Tinapik ko siya sa balikat.
“Yeah tama ka Merlyn. Kapatid ko pa rin iyon at iyon din ang palagi kong tinatamin sa aking isipan. Halika ihahatid na kita sa iyong k'warto."
Natigilan ako tinitigan siya. Hindi dahil gusto ko sa iisa kami ng k'warto matulog. Nagulat lang ako dahil ang gentleman ni Philip. Kahit ako kanina pa kabado pagkatapos naming ikasal. Kasi iniisip ko paano kapag matutulog na. Hindi pa kasi ako handa.