Merlyn “K'warto ito ni Bernard?!” Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ako galit sa kaniya. Sa amo niya ako nanggigil. Sino siya sa akala niya mahilig mag desisyon para sa iba at pakialamero sa buhay ko. Tumayo ako para lumapit kay Eden. Parang takot pa yata itong si Eden. Mukha ba akong bruha kaya siya natatakot? Inirapan ko si Eden napalunok ito. Gusto ko sanang matawa sa itsura ni Eden. Hindi alam kung aatras siya, oo aabante. Dahil nataranta bawat hakbang ko aatras din siya. “K'warto niya ito huh?!” “Opo ma'am Merlyn. K'warto po ito ni sir Bernard. M-may p-problema po ba, ma'am?” alanganin niyang ngiti tila sinilip pa ako. “Kakausapin ko lang, ngumiti na ako. Ito naman si ate Eden dadaan lang ako. ‘wag kang matakot kaya nga umalis ako sa kama dahil lalabas ako at susugurin ang g

