Merlyn Wala akong magawa, bumalik ulit sa second floor at pumasok sa loob ng k'warto ni Bernard. Nagtagal akong nakaupo sa gilid ng kama at ng mainip ay naka isip na humiga ako. Nakatulog pala ako ng hindi ko namalayan. Napatili ako ng pagdilat ng aking mata nakaupo si Bernard sa tagiliran ko. Malutong na napamura si Bernard. Hindi ko alam kung nagalit sa aking reaksyon sa pagsigaw ko. Nakagugulat naman talaga tulog ka namulatan mo may nanonood sa yo. Ang weird naman noon. “Sorry kung natakot kita,” “A-anong ginagawa mo rito!?” paasik kong tanong sa kaniya. Ang tiim ng titig niya kaya malakas ang tahip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung sa takot ko o dahil sa nanunuot niyang titig akong kinakabahan. “Wala akong balak na masama sa iyo tigilan mo ang masamang tingin mo sa akin. Gigisingin

