Isinaklob ni Callea ang lace na belo sa ulo at itinabing sa magandang mukha. Suot niya ang pangsimba na Maria Clara cut. Puti ang buong damit niya pati ang belo. Hanggang sakong ang saya niya. Mukha pa rin iyong bago ang damit dahil iniingatan niya. Hindi iyon babagay sa modernong damit ng ibang magsisimba. Katatakutan na naman siya. And Deive would be horrified if he sees her. Ngayon na lang ulit siya lalabas ng kuwarto para magsimba. She’d been sulking for days, trying to heal the wound that renewed. Magsisimba lang siya at gusto pa rin niyang magmukmok pagbalik. It was Deive’s fault. He was taking over her house. He was taking over her life. Wala siyang balak na makaharap ito sa loob ng ilang araw na dadating. Wala itong alam sa mga pinagdaanan niya. Gusto niyang kimkimin na lang iyo

