“KUMUSTA na ang groom-to-be? Itigil na ba ang kasal? O gusto mong tulungan ka namin para takasan siya?” tanong ni Sidney nang ka-video conference niya ang mga kaibigan sa laptop niya. Mabuti na lang at dinala niya ang laptop niya at may internet connection din sa lugar. Di kasi sapat ang cellphone lang sa kwentuhan nilang magkakaibigan. “Ako? Tatakas kay Callea?” Pumalatak siya at ngumiti na parang nangangarap ng gising. “No, dude! She’s an angel. Dapat matikman ninyo kung gaano siya kasarap magluto.” Nagpalatakan ang iba niyang kaibigan. Hinaplos ni Lucian ang sariling baba. “You got it bad, dude! Ngayon ka lang nagsalita nang ganyan tungkol sa isang babae. A nymph? An angel?” “I don’t really mind marrying someone like her. She’s gorgeous. Maalaga rin. And she has a sweet voice…” Nar

