Sunud-sunod ang subo ni Callea. Dahil di siya pwedeng mag-isip ng gross at nakakatakot na bagay habang naghahapunan para kontrahin ang mga mapang-akit na tingin ang ngiti ni Deive sa kanya, itinuon na lang niya sa pagkain ng marami ang matinding frustration niya. “Hmmm… masisira ang diet ko sa sarap ng pagkain dito. Mapapagalitan ako ng gym instructor ko,” wika ni Deive na sunud-sunod din ang subo. “Si Marina ang nagluto niyan.” Nang kupkupin niya si Marina, nakitaan niya ito ng potensiyal na galing sa pagluluto. Kaya nitong pasarapin kahit na simpleng luto lang ng gulay. Kaya naman itinuro niya dito ang lahat ng nalalaman niya sa pagluluto. “She’s good. Ilang taon mo na dito si Marina?” tanong binata. “Two years.” “Bakit siya ang kinuha mong katulong?” kaswal nitong tanong. “Hindi

