Chapter 9

1525 Words

Biglang binitiwan ni Callea si Deive na parang napaso at dali-daling bumaba ng kama upang makalayo dito. Nag-init ang pisngi niya. Hindi siya makapaniwala na magagawa niyang maging agresibo dahil lang gusto niya itong gamutin agad. At bakit biglang naging s****l iyon samantalang inosente naman siya? Yumuko siya at di ito magawang salubungin nang direkta. “I am sorry.” Nang sulyapan niya ay nananatili pa rin ang mapaglarong ngiti sa labi nito. Na parang ine-enjoy nito ang “pangha-harass” niya dito. Nakakahiya! Ano na lang ang iniisip nito sa kanya? Na sabik siya sa lalaki? Baka magsibangon mula sa libingan ang mga ninuno niya at sabunutan siya. Saan na ba napunta ang isip niya? May mukha pa ba siyang ihaharap dito? Napasinghap siya nang ibuka nito ang harap ng roba na parang si Super

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD