Pakanta-kanta pa si Callea habang nagluluto sa kusina. Ginadgaran niya ng keso ang ham and chicken omelet. Sinulyapan niya ang sariwang prutas sa mesa. Ano kaya ang gusto ni Deive? Mandarin orange o mango shake? Nagulat pa si Marina na pupungas-pungas pa pagpasok ng kusina. “O! Bakit ikaw ang nagluluto? Hindi ba sabi ko ako ang magluluto para sa iyo.” Tipid lang siyang ngumiti at itinupi ng siyansye ang omelet. “Napagod ka na kahapon sa pagtulong sa akin. Kaya okay lang kung babalik ka muna sa higaan. Ako na ang bahala dito.” “Ako na ang bahala diyan. Ipagluluto ko pa iyong bisita mong pogi.” At ngumuso paitaas para tukuyin si Deive na natutulog pa sa itaas. “Artistahin ang mapapangasawa mo! Na-traffic daw siya kaya di nakarating agad.” Tumaas ang kilay niya. “Talaga? Traffic lang?” S

