“MARAMING salamat po sa blusa at palda, Señorito Deive. Aba’y di kami nagkakalayo ng ganda ni Merian de Vera nito,” tukoy ni Marina sa paborito nitong artista na napapanood nito sa TV. “Kahit paano po ay nagmukha akong tao.” Hapon na nang dumating siya dala ang mga pinamili niyang pagkain at iba pang pasalubong. Di niya kinalimutan na bigyan pati ang matandang nag-aasikaso ng mansion at si Marina. Masayang-masaya ito dahil noon lang daw may nagbigay ng regalo sa mga ito bukod sa pamilya Lopez. “Pasasalamat ko iyan dahil sa pag-aalaga mo kay Callea,” nakangiting sabi ng binata. Inilapat nito ang pink na bolero sa katawan. Maluwag iyon para kumasya sa depekto nito sa likod. “Ako nga po ang inaalagaan ni Señorita Callea. Kung hindi po dahil sa kanya, baka namatay na ako sa kalye ngayon. Si

