Deive was ready for battle. Malapit nang mag-alas dose ng gabi. Naroon na ang antique na krus mula sa mini museum ng pamilya nila, isang bungkos na Dead Sea salt at ikinuwintas din niya ang bawang. Nagsuot nga rin siya ng kulay pula para di siya lapitan ng mga kaluluwa. Lahat ng natatandaan niyang pamahiin ng lola niya ay ginawa na niya. Bahala na kung nakakahilo man ang amoy ng bawang. Ang importante ay maprotektahan niya si Callea. Alas diyes pa lang ng gabi ay tinapos na niya ang pakikipag-kwentuhan kay Callea. Gusto niyang tiyakin na mahimbing na ito kapag nakipaglaban siya sa masasamang loob. Oras na matalo niya ang masasamang espiritu, mamahalin siya nito. At di na rin ito magdadalawang-isip na pakasalan siya. “It is time,” usal niya nang makitang limang minuto na lang bago ang a

