NAIIYAK si Callea habang isa-isang inililigpit ang mga kalat sa kuwarto niya. Nalukot ang mga sketches niya pero wala namang nawarat. Nakakalat ang mga costumes niya at nagkalas-kalas na ang mga kalansay. She could easily fix those. Ang hindi niya mare-repair ay ang gulong nagawa niya. Narinig niya ang padabog na pag-eempake ng gamit ni Deive sa kabilang kuwarto. Hindi niya ito maharap. Paniniwalaan ba siya nito? at ang tanong, matatanggap ba nito ang pagkatao niya kahit na sabihin niya ang totoo? Sa ganoong ayos siya naabutan ni Marina pagpasok ng kuwarto. “O! Bakit nandito ka pa, Señorita? Paalis na iyong pakakasalan mo. Hindi na daw siya babalik dito sa mansion. Pati nga sa akin nagagalit. Kasabwat daw ako sa pananakot mo. Ano namang kinalaman ko doon?” “Pasensiya na. Nalaman niya an

