Naninibago si Callea. Sobrang init ng sikat ng araw sa balat niya. Nalulunod din siya sa sobrang liwanag. She never had so much sunshine for a long time. Nakalabas na sila ni Deive ng Nagcarlan sakay ng kotse ng binata. Wala siyang nagawa nang kaladkarin siya ng lalaki sa kotse nito para dalhin sa mall. Sanay siyang nakakulong lang sa Villa Celesta. Kahit sa umaga ay mukha pa ring madilim ang loob ng mansion. Nakakalabas lang siya ng mansion kapag hapon na o kapag madaling-araw pa at papasikat ang araw. Nasanay na ang mga mata sa dilim.. Hinila niya ang mahabang manggas ng damit niya sa braso niya at hinawi ang buhok papunta sa harap ng mukha para di siya tamaan ng liwanag. “Huwag mo ngang itakip ang buhok sa mukha mo!” utos sa kanya ni Deive. Umingos siya. “Nasisilaw ako, eh! Sabi mo

