“WE will miss you, dude! Hindi talaga kami makapaniwala na ikakasal ka na.”
Muntik nang batukan ni Deive ang kaibigang si Sidney nang magsimula itong magdrama. Emosyonal ito kapag nakainom ng alak kahit gapatak lang.
It was in contrast with the party they threw for him. Puno ng naggagandahang babae ang condo ng kaibigan niyang si Lucian. That was heaven for four virile young men. Apat silang matatalik na magkakaibigan. Mga bata pa lang ay magkakasama na sila sa saya at maging sa kalokohan.
“Idinala ba ninyo ako dito para iyakan lang?” tanong niya.
“This is your stag party, bro!” sabi ni Averill at tinapik ang balikat niya.
Napailing na lang siya at uminom ng four seasons cocktail. Di siya pwedeng uminom dahil malayo pa ang ipagda-drive niya mamaya. At lalong di pwedeng makipag-flirt sa mga naggagandahang babaeng nandoon. Gusto lang niyang pagbigyan ang mga kaibigan.
“Hindi ko pa naman kasal. Bakit stag party agad?”
“Magkikita na kayo ng babaeng pinili ng lolo mo para sa iyo, di ba?” Nagsalin si Lucian ng brandy sa baso nito. “And you will stay with her for a couple of months or so. I am sure hindi ka na makakawala sa babaeng iyon.”
“Rock and roll, pare! Kung ganyan din kaganda ang babae, hindi ko na rin pakakawalan. Lalo ka na. Kailan ka ba naging gentleman?” kantiyaw ni Sidney.
Tuluyan na niya itong nabatukan. “Ungas ka pala! Parang maniac naman ang dating ko no’n.”
“You are not a maniac. You are just a lady killer.” Lalo lang tuloy siyang naibaon ng buhay dahil sa sinabi ni Averill.
He was constantly at the dating scene. Wala siyang naging permanenteng girlfriend at di pa sumagi sa isip niya ang mag-settle down at magpakasal. He just wanted to live his life to the fullest. Trabaho at pamilya lang ang sineseryoso niya. Kaya malaking hamon ang ibinigay ng Lolo Jorje niya. Kailangan niyang pakasalan ang apo ng matalik nitong kaibigan kung gusto niyang maitayo ang negosyong pinapangarap at makabawi sa mga “kapalpakan” niya noong nakaraan.
“Kaya nga nagulat kami nang sabihin mong magpapakasal ka na,” wika ni Lucian. “Seryoso ka na ba diyan?”
“I have to. Gusto kong makawala na kay Lolo at maitayo na natin ang floating hotel and restaurant na gusto natin.”
Matagal na nilang pangarap na apat na magkakaibigan na magtayo ng a cruise ship. Pare-pareho silang nakatali sa mga family business nila. Siya nga ay nai-train na para mamahala sa Hontiveros Coco Industries, isang kompanya na nag-e-export ng mga coconut products sa abroad. Hindi iyon ang pangarap niya. Iyon lang ang gusto ng lolo niya. At ito na ang tsansa niya magawa ang gusto niya. Handa na ang nakababata niyang kapatid na si Keiran. Ayaw lang siyang pakawalan ng lolo niya. Di siya makakakuha ng magandang recommendation para makapag-loan sa mga bangko at maitayo ang negosyong gusto niya kundi siya papayag sa mga kondisyon nito.
“Do you think it is right? This is the new millenium!” angal ni Sidney. “Hindi na uso ang arranged marriage.”
“I think it is fitting,” wika ni Lucian. Then he glanced at him menacingly. “Your womanizing reputation nailed you down.”
He whispered an oath. Isa sa anak ng malaking kliyente nilang naka-base sa Argentina ang naghahabol sa kanya. He turned her down. Di nito matanggap kaya ipinagkalat nito na nabuntis niya ito. Muntik na siyang mapikot. Gusto ng kliyente nila na pakasalan niya ang anak nito. He refused. He didn’t even kiss that lunatic. Paanong mabubuntis niya? Dahil doon ay nawalan sila ng malaking kliyente.
Hindi niya kasalanan kung habulin siya ng mga babae. He was guilty about enjoying women’s company. Pero sa puntong ito ay inosente siya.
“Tumatakbo ka sa kasal tapos magpapakasal ka rin naman pala,” iiling-iling na sabi ni Sidney. “Hindi ko yata makuha iyon.”
“Any woman will do except Rubie Canales! And besides, Callea is so fine. She’s sweet and innocent and she has a face of an angel,” dugtong niya. Isa itong tagapagligtas. Huling beses niyang nakita si Callea ay noong fifteen years old ito bago siya naging busy sa pagbiyahe sa iba’t ibang bansa. And according to Tomasino Lopez, Sr. she’s still an angel. Nasa mansion lang ito lagi ng mga Lopez sa Nagcarlan, Laguna. Ni hindi pa nagkaka-boyfriend. How lucky can he get?
“Hmmm… not your type!” maagap na wika ni Averill. “She’s too sweet for your taste.”
He liked his women wild and sophisticated. Iyong mga babaeng walang interes sa commitment. But he didn’t have a choice now, did he? Naniniwala siya na madadaan ang lahat sa magandang usapan. Makukuha niya ang gusto niya kung susundin niya ang lolo niya. He had to endure it.
Tumayo siya at tinapik isa-isa ang balikat ng mga kaibigan. “I have to go, guys! Don’t worry. I can handle this perfectly,” he declared with full confidence.
I am in total control of the situation.
Lumitaw ang malalim na dimples niya sa magkabilang pisngi nang maisip iyon. Kayang-kaya niyang mapasunod ang inosenteng si Callea sa anumang gustuhin niya. Nakalinya na sa isang kontrata ang lahat ng gusto niyang mangyari. Idi-discuss niya iyon oras na makuha na niya ang loob nito. He could easily charm her.
Subalit unti-unting nabawasan ang kompiyansa niya nang ma-trap siya sa South Luzon Expressway ng ilang oras na papuntang Nagcarlan, Laguna. Pasado alas nuwebe na ng gabi nang makalagpas siya sa exit. Alas otso ang dinner na ihinanda ni Callea sa kanya. His grandfather said so. Minus pogi points ito.
Matapos ang mahigit isang oras ay papasok na siya ng bayan ng Nagcarlan. Napapitlag siya nang mag-ring ang cellphone niya. Muntik na niyang maibato iyon nang makitang tumatawag ang Lolo Jorje niya. Nag-ipon muna siya ng kompiyansa bago iyon sagutin. “Hello, Lolo!”
“Nasaan ka na, Deive? Alam mo ba kung anong oras na?”
Napalunok siya nang makitang ten thirty na ng gabi. “Alas diyes y media po.”
“At nasaan ka na?”
“Nandito na po ako sa Nagcarlan!” Pilit niyang pinasigla ang boses. “Malapit na po ako sa Villa Celesta.”
“Saan banda?”
“Ahhh…” Pilit niyang inaninaw ang mga establisimyento sa madilim na gabi. “Dito po ako sa may Neneng’s Sari Sari Store.”
“At saan banda iyan?”
“Dito po malapit sa puno ng dalawang mangga na may katabing puno ng sampalok.” Pero di siya sigurado kung puno ng sampalok dahil madilim.
“Pinaglololoko mo ba ako?” singhal nito na halos ikabingi niya. “Kanina pang alas otso ang usapan ninyo ni Callea. Anong oras na? Wala ka pa rin sa Villa Celesta. Saan ka galing? Sa mga babae mo?”
Napangiwi siya. “Hindi po. Na-traffic po ako sa SLEX kanina.”
“Sinusubok mo talaga ang pasensiya ko! Baka nakakalimutan mo. Your womanizing landed you into trouble in the first place. Magpasalamat ka dahil inaalala pa rin kita hanggang ngayon. Look what I got you. A perfect wife. Maganda si Callea at mabait. Marunong din siya ng mga gawaing bahay. And she’s very cultured with arts. She’s an artist.”
“Yes. I know. She’s perfect. Thanks for choosing well, Lolo.” Pilit niyang itinago ang sarkasmo. Di niya ma-imagine kung ano ang magiging future nila. Ni minsan kasi ay di sumagi sa isip niya ang mag-asawa. So many girls, so little time. At dahil kay Callea Lopez, matatapos na ang kaunting oras na nailaan para sa kanya.
“Mabuti at nakatatak iyan sa utak mo. Give my kisses to Callea.” At nagpaalam na ang lolo niya sa kanya.
“Callea! Callea! Perfect siya kung kaya niyang tapatan ang ideas ko sa negosyo.” A naughty smile formed on his lips. “And if she’s scorching hot in bed.”
Napasipol siya. A lady in public but a vixen in bed. Now that’s the idea.
Nasa gitna siya ng pangangarap nang mapansin niyang may biglang tumawid sa sa harap ng sasakyan niya. “Whoa!”
His car screeched in a halt. Humangos ang ilang tambay mula sa kalapit na pondohan. “Pogi, ayos ka lang?”
“Huwag ako ang intindihin ninyo. Iyong nasagasaan ko.” Kailangan iyong dalhin sa ospital. Sana ay buhay pa.
“Wala ka namang nasagasaan. Iyong itim na pusa lang biglang tumawid.” At nakita niya ang itim na anino na kumakaripas ng takbo patawid.
“Pusa? Di ko agad nakita iyon.” He was worried about nothing.
“Kapag may dumaang itim na pusa sa harap mo ay mamalasin ka.”