Nagising si Deive sa dagundong ng grandfather’s clock. Nakakabingi sa katahimikan ng gabi ang tunog niyon. Sa mga horror films, hudyat na iyon ng mga kababalaghan, ng paglalabasan ng mga white lady, mga pugot ang ulo, putol na kamay at iba pa. Tinanggal niya ang pajama top at dumapa. Wala siyang pakialam kung maglabasan man ang mga iyon. Gusto niyang bumalik sa pananaginip. Nakakatulog na siya nang makarinig siya ng tunog ng piano. Pinalagpas niya ang unang ilang notang pumailanlang. Baka naman imahinasyon lang niya iyon. Sino ang magpi-piano ng disoras ng gabi? Di naglaon, ang iilang nota ay nabuong malungkot pero nakakapangilabot na musika. Tuluyan nang nawala ang antok niya. That song kept on ringing inside his head. “I’ll be damned!” usal niya nang nanuot na sa balat niya ang k

