Chapter 5

772 Words
  MABILIS ang hagod ng kamay ni Callea sa papel. Nakasubsob siya sa drawing table at isang maliit na lampara lang ang ilaw. The rest of the room was pitch dark. Tahimik ang paligid dahil magha-hatinggabi na. Tanging huni ng mga kuliglig at panggabing hayop ang maririnig. Walang mag-iisip na kuwarto iyon ng isang magandang dalaga. Nakadikit sa dingding ng kuwarto niya ang iba’t ibang painting at sketches ng mga nakakatakot na nilalang. Parang buhay ang mga kalansay na nakatayo sa magkabilang gilid ng mesa niya. Ang lalaki ay nakasuot ng pang-piratang costume at may espada pa sa tagiliran. Habang ang babae naman ay nakasuot ng pangkasal. At siya ay nakasuot ng mahabang puting nightdress. Nakalugay ang mahaba niyang buhok at bumabagsak ang ilang hibla sa noo niya. Nanunuot sa ilong niya ang amoy ng dugong naka-mantsa sa damit niya. Hindi siya si Callea nang mga oras na iyon. She was Althea, an avenging white lady. Unti-unting nabuo ang imahe ng isang guwapong lalaki na nakatingala. His piercing eyes were so powerful, as if it touched her soul. Ito dapat ang nobyo ni Althea na nagpilit itong magpa-abort. Nabuo niya ang imahe ni Deive Hontiveros. Nahigit niya ang hininga. “No!” Walang pag-atubili niyang nilukot ang papel at ihinagis sa nag-aabang na Luna na kanina pa pinaglalaruan ang mga naunang papel na nilukot at ihinagis niya. Pawang may drawing ng mukha ni Deive Hontiveros. Binitiwan niya ang lapis sa sobrang frustration at nilingon ang paligid ng kuwarto. Nasabunutan niya ang sarili. “Bakit siya ang laging lumalabas sa drawing ko? Ayoko sa kanya! Ayoko!” Graphic novelist siya ng mga horror stories. Kadalasan ay sa gabi niya nakukuha ang mood niya.  Nakikiisa sa kanya ang kadiliman at malayang dumaloy ang mga ideya sa utak niya. Pero sa gabing iyon ay parang wala siya sa katinuan. Kanina pa siya nagsimulang gumuhit para sa bagong istoryang naisip niya.  At para makuha ang mood niya, nag-aanyo siyang katulad ng mga characters na ginagawa niya. Kaya puno ang kuwarto niya ng iba’t ibang costumes at mga horror movies para gumana ang isip niya. Feel na feel niya ang costume niya bilang isang white lady na namatay matapos piliting ipa-abort ng nobyo ang dinadala. Kaya nga kumpleto iyon sa blood effects na ikinalat niya sa damit at balat niya. She was particularly bothered tonight. Matapos makita ang kaguwapuhan ni Deive, nagkagulo-gulo ang istorya niya. Di na siya makapag-isip mabuti. Hindi na umeepekto sa kanya kung bilog man ang buwan at kumpleto ang costume niya. “Ano ba ang kulang?” tanong ni Callea sa magnobyong kalansay na nasa magkabilang gilid ng mesa niya. Walang sagot mula sa mga ito. Nilapitan niya si Luna na nagpapagulong-gulong sa mga bolang papel. “Luna, bakit naiisip ko pa rin siya?” Sinapo niya ang dibdib na mabilis pa rin ang pintig nang sumagi ang guwapong mukha ni Deive. “Bakit malakas na malakas ang t***k ng puso ko?” Hindi pa siya na-excite nang ganito sa loob ng mahabang panahon. Mas interesado siya sa mga gross, nakakatakot at nakakapandiring bagay na maaring mabuo para sa mga istorya niya. Deive was neither. He was more of a Prince Charming on a fairy tale. She hated fairy tales with a lovely princess and a handsome prince. Iyon ang tinatakasan niya. At hindi siya mahuhulog sa patibong ng mga fairy tales. Mas ligtas siya sa mundo nga kadiliman. Isang ideya ang kumislap sa isip niya. “Alam ko na! Mag-piano tayo.” Nagpapalag si Luna nang bitbitin niya palabas ng kuwarto. Nangako siya kay Marina na di siya lalabas ng kuwarto sa gabing iyon nang suot ang isa sa mga costumes niya. Di siya tutugtog ng piano at manggagambala sa gabi. Pero di siya matatahimik hangga’t di niya natitipa ang tiklado ng piano. Iyon lang ang pag-asa niya para mabura si Deive sa isipan niya at bumalik ang katinuan niya.  “Huwag kang maingay, Luna. Hayaan mo akong tumugtog. Isang piyesa lang.” At sa tulong ng liwanag ng buwan ay maingat siyang bumaba ng sala. Pag-upo niya sa harap ng piano ay dumagundong ang lumang grandfather clock na nasa tabi ng hagdan. Alas dose na ng habing gabi. “Perfect!”   *** Hi,  In case po ma-lock ang kasunod na chapter nito, please use coins to unlock. There are two ways to get coins:1. Free coins - Go to Earn Rewards and do the tasks to get coins. Go to Youtube and search Dreame Free coins if you want to watch the tutorial on how to get free coins. 2. Buy coins - go to Store and buy coins via load (Smart or Globe billing), Paypal, Gcash, credit card. This varies on the phone model and country. Go to Youtube and search Dreame Buy Coins if you want to watch the video tutorials and read this story hassle-free. Thank you and happy reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD