Chapter 4

1020 Words
HABOL ni Callea ang hininga habang mahigpit na yakap si Luna. Nakauklo siya sa tabi ng bintana, malayo sa paningin ng kahit sino. Maging ang liwanag ng buwan ay hindi siya nasisikatan. “Nakita kaya niya ako, Luna?” Kanina pang hapon niya hinihintay ang pagdating Deive Hontiveros. Naghanda siya ng hapunan. Ayaw niyang mapahiya. Kahit na ayaw niya itong pakasalan, tinuruan siyang maging magiliw sa pagtanggap ng bisita. Kailangan din niyang kunin ang loob nito para maisakatuparan niya ang balak niya. Pero inabot na siya ng siyam-siyam ay di pa rin ito dumadating. Naisip niyang baka magba-back out na ito sa pagpapakasal sa kanya. Ipinaligpit na niya ang hapunan kay Marina. Naghahanda na siya sa pagtulog nang marinig niya ang pagpasok ng sasakyan nito sa Villa Celesta. Di niya ito sinalubong. Nagbilin siya kay Marina na sabihing tulog na siya. Sinabi niya sa sarili na di siya interesado dito. Pero may kung anong humila sa kanya palapit sa bintana at silipin ito. Hindi niya masyadong makita ang mukha nito. Pero sa tulong ng liwanag ng buwan, nabuo sa isip niya ang imahe ng isang makisig na lalaki. Tumirik ang mata niya. “Makisig nga, wala namang kwenta. Sino bang matinong lalaki ang paghihintayin ang babae ng ilang oras? Matino ba iyon?” Kundi lang may kailangan siya kay Deive Hontiveros, di niya ito patatapakin sa Villa Celesta. “Pero bakit ganoon? Mabilis pa rin ang t***k ng puso ko?” tanong niya kay Luna at hinaplos ito. Sinulyapan lang siya ni Deive, parang sasabog na ang dibdib niya. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bumagsak ang mahabang buhok niya sa mukha. Kasabay niyon ay natakpan ng ulap ang buwan. Sa pagdating nito, nakatakdang magbago ang buhay niya. Kailangan niyang sundin ang lolo niya pansamantala. Mababawi din niya ang kalayaan niya sa Villa Celesta. Mawawala rin sa buhay niya si Deive Hontiveros. “MAY anim na kuwarto sa second floor at meron ding attic. Anim ang anak ni Don Leandro, ang lolo sa tuhod ni Señorita Callea. Pero lumipas ang panahon, wala nang tumira sa bahay na ito dahil pinili ng mga apo niya at anak na manirahan sa ibang lugar. Ang iba ay nangibang-bansa pa nga. Si Señorita Callea lang piniling manirahan dito.” Napalunok si Deive habang paakyat sa grand staircase. Sinamahan siya ni Marina papunta sa second floor kung saan naroon ang kuwarto na tutuluyan niya. Parang isa itong tourist guide. Mukhang kapag tinanong niya ito tungkol sa bawat parte ng bahay ay may maiku-kwento ito. Pakiramdam niya ay bumalik siya noong 1920’s nang itayo ang naturang bahay. Luma rin pati ang mga muwebles. But the place gave him creeps. Parang anumang oras ay may gugulong na pugot na ulo o kaya ay white lady. Natigilan siya sa kalagitnaan ng hagdan nang makita ang painting ng isang babaeng nakasuot ng puting ballgown. Sa lahat ng dekorasyon sa mansion, iyon ang nakakuha ng atensiyon niya. Buhay na buhay kasi ang pagkakapinta. Kahit ang itim na pusa na kandong nito ay nakapangingilag ang matalim na berdeng mata. “Sino siya?” tanong niya kay Marina. “Si Doña Celesta, asawa ni Don Leandro,” wika ni Marina. “Siya ang kamukha ni Señorita Callea. Ang mga nakakakita sa kanya iniisip na nabuhay si Doña Celesta. Sa kasamaang palad, namatay siya sa panganganak kay Don Tomasino dito mismo. Nagdalamhati sila ng lubos dahil doon. Mahal na mahal siya ni Don Leandro.” Iniwas niya ang mga mata sa painting. Nararamdaman niya ang mga mata ni Doña Celesta sa kanya. Parang alam nito kung ano ang tunay niyang pakay sa pagtapak sa mansion. He felt guilty in a way. Itinayo ang bahay na iyon para sa dalawang taong nagmamahalan at sa bunga ng pagmamahalan ng mga ito. Habang naroon siya at pakakasalan ang isang Lopez para sa pansarili niyang interes. His room was simple yet elegant. Isang malaking four-poster bed ang nasa gitna ng kuwarto. May dalawang lamp sa magkabilang gilid. May replica painting din ni Botong Francisco sa ulunan ng kama. Wala halos modernong kagamitan bagamat may kabitan naman ng kuryente. “Kung gusto ninyong manood ng TV, meron sa entertainment room sa baba. Mas gusto ni Don Tomasino na magkasama-sama ang buong pamilya kung manood ng TV o kaya ay makikinig ng musika. Kaya kung manonood kayo, makikisalo kayo kay Señorita Callea.” Tipid siyang ngumiti. “Walang problema. Nasaan pala ang kuwarto niya?” “Nasa dulo nitong pasilyo. Pero ayaw niyang gagambalain siya.” Tumango-tango si Deive at umupo sa kama. Ayos! Nasa malapit lang pala ang pagkaganda-gandang babaeng pakakasalan niya. Wala siyang planong pasukin ang kuwarto nito dahil wala pa siyang pinilit na babae. Maliban na lang kung ito ang papasok sa kuwarto niya. Hinila agad siya ng antok. Malambot kasi ang kama at malamig din ang hangin. Naririnig din niya ang huni ng mga kuliglig. O maaring ang malamlam na ilaw mula sa makalumang silk cocoon lamp ang nagpaantok sa kanya. Kadalasan ay itse-check pa niya kung naroon ang lahat ng pangangailangan niya pero pinili niyang sumandal sa kama at pumikit. “Gusto ninyong ipag-empake ko kayo, Señorito?” Iwinaksi niya ang kamay habang nakapikit pa rin. “Mas gusto kong magpahinga. Maraming salamat, Marina.” He had never been so at home before. Nawala ang kilabot na kanina ay nararamdaman niya. He felt better in that room than own condo or any elegant hotel in the world. Kahit nga sa lumang bahay ng mga Hontiveros sa Camarines ay di naman siya parang ipinaghehele. Basta gusto na niyang matulog. “Sabihin na lang ninyo sa akin kung may kailangan pa kayo, Señorito.” Dumilit siya at tipid na ngumiti. “That would be all. Goodnight!” “Señorito, kung anuman ang marinig ninyong ingay sa hatinggabi, huwag na lang ninyong pansinin. Huwag din kayong lalabas ng kuwartong ito.” At marahang sumara ang pinto pag-alis nito. What did she mean by that? Wala siyang pakialam sa ingay. Tiyak na magiging mahimbing ang tulog niya. And for the first time, he had a good night’s sleep that he never had for years.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD