Ang mahinay na musika mula sa five-piece orchestra ang umagapay kay Callea habang naglalakad siya sa pathwalk patungo sa makeshift altar na nasa harap ng higanteng puno ng camachile ng Villa Celesta. Nagmistulang ginto ang pagtama ng papalubog na araw sa white lace gown niya na imported pa mula sa Paris. Kahawig iyon ng gown na isinuot ng Lola Celesta niya. Isa-isang nailawan ang lalakaran niya sa bawat paghakbang niya. Nakangiting inilahad ni Deive ang kamay sa kanya nang makarating siya sa altar. Mangilan-ngilan lang ang imbitado sa kasal at pawang malalapit lamang sa kanila. Ang mga malalapit nilang kapamilya at kaibigan ang naroon. Kinuha rin niyang abay si Marina na first time nakapagsuot ng gown. Hindi na natuloy ang engagement party nila ni Deive pero nagdesisyon siyang ituloy na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


