Taimtim na panalangin ang ibinigay ni Callea sa puntod ng Lolo Leandro niya at Lola Celesta niya. Nakakalungkot isipin na hindi na matutupad ang hiling niya na maging katulad siya ng mga ito. Na makatagpo din siya ng pag-ibig na para sa kanya. Sa pagbabalik niya sa madilim niyang mundo, nawala sa kanya si Deive. Ilang araw na itong hindi nagpapakita sa kanya. Nagtatanong si Marina kung may pinag-awayan sila ngunit pinili niyang ipinid na lang ang bibig. Natitiyak niyang galit sa kanya si Deive. Biglaan ang pagbabago niya. At hirap rin itong ipaliwanag sa iba kung bakit di na matutuloy ang engagement party niya. Di niya alam kung nakausap na nito ang kapamilya niya. Wala pa rin kasi siyang natatanggap na tawag na nagtatanong sa kanya kung bakit di na matutuloy ang engagement party nila ni

