“Bruha ka! May engagement party ka pang nalalaman. Ngayon ka lang nagpakita tapos biglang nagpaplano ka nang magpakasal? Ang daya mo!” Nangingibabaw ang boses ng kaibigan ni Callea na si Nezea sa loob ng coffee shop. Matagal niyang di nakita ang mga kaibigan noong college. Nakipagkita lang ang dalaga para ibigay ang imbitasyon sa engagement party nila ni Deive. Ngayon na lang sila nagkabalitaan at may kanya-kanyang pamilya na pala ang mga ito. “Akala ko naman forever ka nang magluluksa sa pagkamatay ni Luna,” sabi ni Jaid. “Guwapo ba ang boyfriend mo?” “Pipili ba naman ako ng pangit?” natatawa niyang sabi. Sa loob ng mahabang panahon ay itinago niya ang sarili sa mundo. Ngayon ay nakakalabas na siya ng bahay nang walang suot na make up man lang. Nagko-costume man siya pero kapag nagsus

