“GOODNIGHT, Lolo.” Kinintalan ni Callea ng halik sa noo ang Lolo Tomasino niya. Ipinagdala niya ito ng tsaa sa kuwarto at pinainom ito ng gamot. “Huwag ka munang tutugtog ng piano mamayang hatinggabi at paki-off muna ang mga nakakatakot mong sound effects. Baka matakot ang bisita natin. Kahit ang Kuya Lee mo kaunting kaluskos lang sa gabi nagpa-panic na. Isa pa iyong takot sa multo,” bilin nito. “Opo. Hindi po ako magtatrabaho ngayong magdamag dahil ipapasyal ko pa kayo ni Don Jorje sa underground cemetery.” Nakumbinsi ni Deive na manatili muna sa Villa Celeste si Don Jorje para makilala siyang mabuti. Siya ang magiging tourist guide ng mga ito bukas. Ipakita daw niya na sa kabila ng pang-horror na karakter, mabuti naman siyang tao at perfect para sa kay Deive. “Did I give you a hard t

