Lalong hinigpian ni Torque ang pagkakaipit sa leeg ni Deive. “Anong pakakasalan si Callea? Baliw ka ba? Ni hindi nga naglalalabas ng bahay ang pinsan ko tapos pakakasalan mo.” “At kilala ko siya,” wika ni Lee at itinuro si Deive. “Kaibigan siya ni Sidney Manlapuz. He is a notorious playboy. Tiyak na sasaktan lang niya si Callea.” Malaking problema ang kinakaharap nila ni Deive ngayon. Hindi maganda ang reputasyon nito. Overprotective ang mga pinsan ni Callea sa kanya. Matapos ang mga trahedyang pinagdaanan niya, gustong tiyakin ng mga ito na di siya masasaktan. Magkakagiyera kapag may nanakit sa kanya. “Ikakasal na talaga kami,” giit ni Callea. “Hindi ba sinabi sa inyo ni Lolo?” It was her grandfather’s plan. Dapat ay alam ng mga pinsan niya lalo na si Torque dahil ayon sa tradisyon ay

