Santambak ang bilin kay Callea ng doktor pero di rin niya halos naintindihan dahil masakit pa rin ang ulo niya. Malaki ang sugat na nakuha niya mula sa pagkakapukol ng bato pero hindi na kailangan pang tahiin. Bumangon siya para kunin ang picture ng matalik niyang kaibigan sa ibabaw ng tokador nang bumukas ang pinto at pumasok si Deive na may dalang tray ng pagkain. Dumilim ang mukha nito. “Kasasabi lang sa iyo ng doktor na hindi ka pwedeng maggagalaw, hindi ba?” “May kukunin lang ako!” aniya at itinuro ang picture frame. Inilapag ni Deive ang tray sa bedside table at kinuha ang larawan na kuha nilang dalawa ng matalik niyang kaibigan. “Ipakuha mo na lang sa akin. Lahat ng kailangan mo, ako na ang bahala. Masakit pa ang ulo mo?” “Konti lang.” Di na nito kailangang malaman na nahihilo s

